Emilia
Nagpatuloy ang gano'ng sitwasyon sa aming tatlo. Tila ba unti-unting nagbabago iyong Roman na pinakasalan ko. Kahit na hindi ko man maramdamang mahal niya ako, ramdam ko naman kung gaano nito kamahal ang anak naming dalawa.
Iyon naman ang mahalaga para sa akin. Kahit hindi na ako, kahit ang anak ko na lang. Matagal na akong tumigil sa kakapanaginip ng gising na sana, balang araw ay mahalin niya rin ako. Ang gusto ko na lang makita at maramdaman ay mayroon din siyang pagmamahal sa anak naming dalawa.
"Wala ka pong work today, Papa?" tanong ni Rowan habang kumakain kaming tatlo. Sabado ngayon at walang trabaho si Roman, tulad ng ipinangako nito sa bata ay papasyal kami.
Ilang Linggo na ba kaming nandito? Hindi ko na matandaan dahil hindi naman ako madalas lumabas at baka maligaw rin ako. Si Roman lang palagi ang pumupunta sa bayan nitong Isla para mag-grocery. Madalas ay sa bakuran lang ako upang diligan ang mga halaman at pananim ko pero mas madalas ay sa loob lang ako ng bahay.
"Yes. Where do you want to go, young man?"
Tumigil sa pagkain si Rowan at tumingin ito sa taas. Tila ba nag-iisip nang malalim dahil inilagay pa nito ang hintuturo sa kaniyang sintido. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ito dahil sa kaniyang ginagawa.
"Madalas ka nang ngumiti ngayon, Emilia. Are you seeing someone that makes you smile?" Nawala ang ngiti ko at lumingon kay Roman na seryosong nakatingin sa akin.
"Ano'ng sab–"
"I don't know po, Papa. Do you know some places here na super ganda po?" Hindi ko naituloy ang sabihin ko dahil agad na nagsalita si Rowan. Nakatingin na ito sa ama nang ibaling ko ang tingin sa kaniya.
Ngunit si Roman ay hindi pa rin tinatanggal ang seryoso nitong tingin sa direksiyon ko. Naiilang ako ngunit iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang mga sinabi nito. Kahit ituloy ko ang sasabihin ko kanina ay mas paniniwalaan pa rin nito ang kung ano sa tingin niya ang alam niya.
"We'll go somewhere here. Ipapasyal ko kayo kaya bilisan mo nang kumain at maligo ka na roon," sabi nito at tuluyan nang umiwas ng tingin sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa nito at nagpatuloy na kaming tatlo sa pagkain.
Akala ko'y hindi na ako kasama dahil hindi na ako nag-abala pang magbihis. Ngunit nang bumaba ako mula sa second floor kanina dahil binihisan ko si Rowan. Naabutan ko si Roman na nakatingin sa akin at nakakunot ang kaniyang noo.
"What are you wearing, Emilia?" tanong nito matapos suriin ang suot ko. Nakasuot lang kasi ako ng daster na palagi ko naman suot kapag nasa bahay ako. At saka, mas komportable akong suotin ito dahil maaliwalas sa pakiramdam.
"P-Pambahay. Bakit?" sagot at tanong ko rito. Tuluyan na akong nakababa at lumapit sa kanila.
"'Yan ba ang suuotin mo habang nasa labas tayo? We're going out, Emilia. Finding something decent for you to wear. Ayokong magmukha kang yaya ng anak ko," sabi nito.
"S-Sige," sagot ko dahil hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya.
Pumanhik ulit ako sa aming kuwarto at mabilisan lang akong naligo. Kumuha lang ako ng simpleng jeans at T-shirt na kulay asul. Isinuot ko rin ang sandals ko. Ganito lang kasi ang mga dinala ko rito bukod sa mga daster at iyong isang dress na suot ko noon sa birthday ni Alyana. Wala kasi akong sapat na pera para bilhan pa ang sarili ko ng mga bagong damit. Mas gugustuhin kong may makain kami kaysa sa pansarili kong kagustuhan.
Sinulklay ko lang ang nakalugay kong buhok at saka ako bumaba. Kinuha lang din ang shoulder bag na bigay rin ni Andoy sa akin noong birthday ko. Naabutan ko ang dalawa sa living room na naghihintay.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]
RomansaWIFE SERIES: The Annulment She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na...