CHAPTER 2

325 61 5
                                    

🥀 CHAPTER 2🥀
ROMELYN'S POINT OF VIEW
🍁🍁🍁

I SIGH when i see my mother. Naka higa sa sofa habang hawak ang bote ng redhorse habang tulog na tulog.

Parang hinaplos ng malamig ng kamay ay puso ko ng makita ang kalagayan ni Mama. Naiiyak na naman ako pero kailangan kong tatagan ang sarili ko para walang sino man ang makasakit sa'kin.

Iniligpit ko na lang lahat ng kalat na ginawa ni mama at pagkatapos ay umupo ako sa pang isahang sofa tsaka tinignan ang diploma na nakuha ko.

Isa akong Suma Cum Laude, pero yung tagumpay na nagawa ko ay wala man lang para sa kan'ya. Yung trophy na mga natanggap ko ay baliwala lang sakan'ya.

I just want to make her happy pero hindi ko magawa, ang bagay na iyon, dahil palagi lang siyang lulong sa alak at laging mainit ang ulo pag nakikita ako.

"M-ma." I said in a broke voice. Inalog ko s'ya ng bahagya pero minura lang niya ako.

"Ano bang putang *** ka! Lumayas ka nga'ng bata ka rito. Hindi kita kailangan. Lumayas ka hindi kita kailangan!" Sigaw n'ya sa'kin kaya ay napaatras nalang ako at tinignan na lang siya, sa ganong posisyon n'ya.

Tuluyan ng nalaglag ang luha ko sa mata at hinayaan ko na lang 'yon na tumulo sa mga mata ko, para naman kahit papaano ay masabi ko rin naman na mahina ako at may malambot na puso.

"M-ma... Sana naman kahit papaano ay maramdaman ko rin na anak mo 'ko. Miss ko na yung dating ikaw. Miss ko na yung masayang tayo. Miss na miss na kita Mama. "  Umiiyak na sambit ko sa kaniya at niyakap s'ya.

"Ano ba layuan mo sabi ako eh! Bwisit! kita mo ng natutulog yung tao eh!" Siniko n'ya 'ko ng malakas, kaya ay natamaan ang mukha ko. Hindi ko na lang ininda ang sakit at tumayo na lang ako.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at kumuha ng kumot tsaka ko s'ya kinumutan at hinalikan sa noo.

Umiiyak akong pumasok sa loob ng kwarto ko at duon nahiga atsaka hinayaan ang katawan ko na mahulog sa kama at tuluyang makatulog.

NAGISING ako kinabukasan at naririnig ko ang mga kapit bahay naming nag aaway.

Agad akong lumabas at nakita ko na nag kakagulo ang mga tao sa harap ng bahay namin .

Nag aaway pala si Aling Puring atsaka si mama dahil yata sa utang na halos isang taon ng hindi nababayaran.

"Aling Puring ano po ba ang pinag aawayan niyo ni mama?" Mahinahong tanong ko sakaniya at tinignan si Aling Puring.

Pumunta si mama sa likuran ko at parang isang pusang nawalan ng tirahan at nakahanap ng kakampi na parang kala mo inapi s'ya ng todo.

Napabuntong hininga na lang ang kausap ko at nagsalita.

"Eh pano ba naman kasi yang nanay mo!" Sabi niya at pinag tuturo ng pamaypay ang nanay ko at mas lalong nag tago sa likod ko.

"Ano nga po kasi ang problema?" Tanong ko pa ulit.

"YUNG UTANG NG NANAY MO NA HINDI PA HALOS NABABAYARAN! Abah Romelyn mahiya naman kayo! Isang taon n'yo ng hindi nababayaran 'yon! May mga pinapalamon rin naman ako, kaya mag bayad na kayo ngayon 'din!" Malakas niyang bulyaw sa'kin kaya ay napatampal nalang ako ng mahina sa noo ko.

"Magkano po ba lahat?" Mahinahon kong tanong sa kan'ya.

"35 Thausand 'yon!" Napalaki bigla ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi n'ya.

"ANO!?" Napasigaw ako ng wala sa oras dahil sa laki na ng utang ni Mama.

"Aba'y Jusko naman po Aling Puring. Sobra maman yata sa laki ang sinisingil nyo. 35k san naman ako kukuha ng kamay ng Diyos ng ganon kalaki?" Sabi ko sa kaniya at nag salita ulit.

"Edi sisihin mo iyang nanay mong lasinggera! Kung hindi ba naman kasi utang ng utang ng alak ay hindi kayo mababaon sa utang. Kaya kayo iniwan ng tatay mo eh dahil sa pagiging matakaw niyang nanay mo sa alak. Umagang umaga ang umagahan ay Alak. Aba uso kumain ng kain Flordeliza!" Bulyaw niya sa nanay ko na ikinagalit naman ni Mama.

"Hoy Puring! Wag na wag mong idadamay ang pag iwan saamin ng hayop kong asawa! Mag babayad kami kaya huwag kang mag alala!" Sigaw rin ni mama kaya ay mas lalo lang silang nag giyera.

"HOY ANO BA!!" Malakas ko'ng sigaw dahil natutulig na ang tenga ko dahil sa lalakas nilang magsalita.

"Uso ang tahimik na pag uusap. Hindi naman sa lahat ng oras ay puro kayo sigawan! Wala kayo sa bahay n. ~yo. Para kayong mga taga bundok na ngayon lang nakalabas ng bahay kung mag Sivas an!" Sigaw ko pa ulit kaya natahimik silang lahat.

"Ano natahimik kayo?! Ikaw naman aling Puring. Wag ka naman kasi'ng sugod ng sugod. Abah kay aga aga nakakabulahaw kasi kayo ng tulog. Hayaan mo at mag babayad ako. Wag kang mag alala." Sabi ko kay Aling puring na natahimik ngayon.

"O'siya sige. Aasahan ko ang pangako mo na mag babayad ka. Kung hindi ay ipapademolished ko ang bahay niyo!" Galit na sabi pa nito at maarteng umalis tsaka kami iniwanang lahat.

"Pwede na po kayong magsi alis. Wala na po ang kontrabida kaya wala na ring pong palabas." Pag tataboy ko sa mga tao na nag sialisan rin naman.

Ng makaalis lahat ay tsaka ako napabuntong hininga at tumingin kay mama.

"Ano masaya kana?!" Sigaw n'ya sa'kin na ipinagtaka ko naman.

"Kung hindi mo kasi inuna ang pag aaral ay siguro ay mas may oras ka pa na mag trabaho at palamunin ako. Anak lang kita kaya huwag kang umaasta na kala ko ikaw na ang nag papalamon saakin!" Sumbat niya sa'kin.

"W-wala naman po akong sinasabing ganiyan mama." Mahina kong sabi sa kaniya at pumalantik lang tsaka ako inirapan.

"Tse! Wala ka talagang kwenta! Mag sama sama kayong lahat ng walang kwenta mong ama! BWISET KAY AGA AGA EH!" Sigaw n'ya at pumasok sa kusina at iniwan ako sa sala.

Napabuntong hiningana lang ako at pumasok sa loob ng kwarto ko atsaka ako naligo ng mabilis para pumunta sa Dela Virgo Mansion.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon