ROMELYN'S POINT OF VIEW
***NAKALIGO na ako at nakapag bihis ng komportableng kasuotan ng makita ako ni mama na may dalang gamit at tinitigan ng masama habang may hawak nanaman siyang bote ng alak sa kaliwang kamay niya.
"San ka pupunta aber?!" Galit na tanong niya saakin habang may masamang tingin.
"A-ahh kila Tita V lang po mama." Sabi ko at medyo tumawa pa ng bahagya.
"Hindi ka aalis!" Matigas niyang sabi saakin kaya ay napatingin lang ako sa kaniya ng diretsyo at walang reaksyon ang aking mga mata.
"Pati ba naman ang pag punta kila tita V ay bawal! Bakit yang pag iinom mo binabawal koba!?" May panunumbat sa tinig ko pero wala na akong pakielam dahil sumosobra na talaga si mama.
"Aba'y gaga ka palang Bata ka eh! Lapastangan ka!" Sigaw niya saakin at malakas akong sinampal sa pisngi.
Sa sobrang lakas ng impact ay napabaling sa gilid ang mukha ko at dumaloy ang sobrang kirot sa mukha at leeg ko.
Nanginginig ang labi ko pati ang buong mukha ko na lumingon kay mama. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha niya at nabitawan niya rin ang bote ng alak na hawak niya.
"P-pasensya n-na." Nauutal na paghingi niya saakin ng tawad pero kasabay niyon ay ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking mukha.
"H-hindi pa ba sapat?! Hindi pa ba sapat na hindi mo ako kayang mahalin katulad na gusto kong makuha para sayo?! Bakit kailangan mo pa akong saktan!!" Malakas kong sigaw sa kaniya at nag simula na mag tuloy tuloy ang pag daloy ng aking luha sa mukha.
"H-hindi ko sinasadya." Mababang tono na sabi niya kaya mas lalo lang akong nasaktan.
"Bakit!? Panong hindi mo sinasadya? Aksidente lang ba na may lamok sa mukha ko kaya mo ako nasampal, o may dumi lang sa mukha ko kaya nasampal mo ako ng malakas!?" Sigaw ko sa kaniya at kahit na hilam ako sa dami ng luha ay nagawa ko parin na sumbatan siya.
Masakit na masakit lang kasi ang mga ginawa ni mama at hindi ko na kayang pigilan pa ang sobrang galit at poot na lumukob sa buong pagkatao ko.
"H-hindi mo naman ako kailangang saktan ma! Tsaka bakit ka pa ba nakikielam ha!? Wala ka naman ng pakielam saakin mula ng iniwan tayo ni papa. Bakit parang ngayon mo ipinaparamdam saakin na may pakielam ka saakin, eh limang taon mo akong hindi inaruga at minahal na parang tunay mong anak!" Panunumbat na sabi ko at iniwan siya don ng mag isa. Nakita ko rin ang pag patak ng luha sa mga mata niya.
Hindi ko sadya na masabi ang mga yon pero kailangan kong sabihin para matauhan siya at bumalik na ang mama ko, ang totoong mama ko saakin.
Sa paglabas ko ay nakita ko ang bulto ng katawan ni Eidren sa labas ng bahay at nakasandal sa kotse niya at naka cross arms ang mga kamay sa dibdib.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at walang salita na namutawi sa mga labi ko at mabilis lang na pumasok sa loob ng kotse.
Malalakas ang buntong hininga na pinakawalan ko at naramdaman ko na pumasok na din siya sa loob ng kotse niya.
"Do you want to say something?" He ask kaya ay napatingin ako sa kaniya.
"Wala." Matigas kong sabi at tumingin sa harapan.
"Are you sure?" He ask again, pero hindi na ako nag salita kaya ay nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Hinatak niya ako ng bigla at ikinulong sa mga bisig niya. Nagulat ako kaya hindi ko na alam na nakayakap na din ako sa kaniya at mahigpit na nakakulong sa mga bisig niya.
"Pwede mo naman akong maging crying shoulder eh. Bakit nilalagyan mo ng wall ang pagitan naying dalawa." Hindu nagtatanong kundi siguradong pag sasabi niya saakin.
Napapikit na lang ako at kusang gumalaw ang aking mga kamay at niyakap siya pabalik.
"Ayoko lang na madamay ka sa problema ko." Mahina kong bulong sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan na sabihin ang bagay nayan saakin. Simula ng magkakilala tayo ay sangkot na ako sa bawat problema mo." Namamasa na ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Thank you Eidren, hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala ka." Tuluyan ng tumulo ang luha ko at humigpit pa ng yakap ko sa kaniya.
"Dont mention it Rome. Basta ikaw." Saad niya at kumalas sa yakap ko at ikinulong naman ngayon ang mukha ko sa kamay niya.
"Im your best friend, im your shield and your crying shoulder. You can do whatever you want, im always here to protect you." He said at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Salamat." Nakangiti kong sabi at napangiti na lang rin siya.
Pinatt niya ang buhok ko at ginulo. Umayos na kami ng upo para makaalis na kami.
Pinaandar na niya ang makina at tinanaw ko ang bahay namin at nakita kong lumabas si mama at tinanaw ang palayong sinasakyan namin.
I feel so guilty ng mag sink in ulit lahat ng mga nangyaro saamin ni mama.
Hindi ko naman kasi sinasadya na masumbatan siya pero hindi ko na matimpi ang sakit ng loob na nararamdaman ko.
Pati poot sa dibdib ko ay nailabas ko kanina na dapat ay hindi naman dapat.
Hindi ko alam ang susunod na mangyayari saamin pero hinihiling ko na bumalik na si mama saakin.
Gusto ko lang na makita ulit na masaya si mama at hindi na alak ang hawak niya.
Mahal na mahal ko si mama pero kailangan ko ring gumawa ng paraan para maging masaya siya. I need to my find father.
Kailangan mo ng mga kasagutan kung bakit niya nagawang saktan at iwan ng ganon na lang. Kahit papaano ay kailangan ko rin namang mapuno ang bawat katanungan sa utak ko.
'When i found the truth, tsaka palang siguro ako tuluyang magiging masaya.'
I said in my mind at tahimik na binagtas ang kahabaan ng kalsada at patungo sa lugar na gustong puntahan ni Eidren.
***
ALL RIGHT RESERVED
BINABASA MO ANG
Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING)
RomanceRomelyn Hillary Santivañez is an independent woman. She have a mother who only wants is to drink. Her father left them when she was only ten years old. The only thing she was know that time ay ang maging proud sa kaniya ang mga magulang niya. Per...