ROMELYN'S POINT OF VIEW
***NAKAUPO ako sa mahabang mesa habang inaasikaso ang mga niluto ni Eidren at inililipat sa isang lalagyan para dun na kami sa rooftop mamaya.
Bigla namang nag si pasukan sila Ryle pati na rin ang iba at pinupuri ang mabangong amoy na naaamoy daw nila.
"Grabe Eidren. Kahit nasa kabilang isla ay naaamoy ko ang luto mo, ibang klase ka talaga" natawa naman kami dahil sa sinabi ni Hanz kay Eidren.
"Ang Oa ah." Kj na bati naman ni Ate Chandra kay Hanz at inirapan ito tsaka pabagsak na umupo sa upuan katabi ko.
"Bakit ang init ata ng ulo mo Ate." bati ko sa kaniya at nag angat ng tingin para tignan siya.
"Hmp! Nakakaasar kasi. May daga na nakapasok sa kwarto ko at kinuha ang mga cookies ko!" Galit na paliwanag niya kaya ay sinulyapan ko si Ate Bianca na hindi naman affected sa sinasabi ni Ate Chandra.
"Bakit ba kinuha?" Tanong ni Hanz na wala naman kanina sa pinangyarihan ng insidente. Charrot ^_^.
"Ewan ko. Pag talaga nalaman ko kung sino yon, ipapakain ko siya kay Dailley." Pambabanta ni Ate Chandra kaya sinulyapan ko pa ulit si Ate Bianca na ngayon ay namumutla na. Nagpipigil naman ako ng tawa para hindi mapansin.
"Grabe ka naman. Bakit kay Dailley pa eh pwede namang kay Boris mo ipakain diba?" Natatawang suhestyon ni Ate Eunice kay Ate Chandra na mas ikinaputla ng mukha ni Ate Bianca. Natatawa naman ako lalo pero pinipigilan ko. Mamaya na lang ako tatawa.
Si boris ay isang Lion na alaga ni Ate Chandra. Yung lion na yun ay galing pang africa. Because his dad wants her to be happy. Si ate Chandra kasi ay talagang malapit sa mga hayop. At si Dailley naman ay isang buwaya. Nakapunta na ako sa mini zoo ni Ate sa Palawan nung nag tour kami dun nung high school kami. I got scared nung sinabi nila saakin na may bagong alaga si Ate and thats Dailley.
Marami na ring hayop si Ate na alaga and masasabi kong si Boris and Dailley ang pinaka mahal niya. She also have a two Siverian Husky and two Cats. Their names is Poliper and Cooper. And the cats names is Angela and Hillion.
Balik tayo sa kanila. Lumapit na si Eidren sa mesa kung saan kami nakaupo. Inilapag niya ang isang bowl an may lamang sinigang na hipon at isa pang bowl kung saan nandon naman ang niluto niya na menudo?
"Menudo?" I ask and look at him.
"Yeah. Since may gulay na, naisip ko kasi na baka sabihin niyo naman na ginagawa ko kayong kambing kaya nag luto ako ng onting meats." He said at inilapag ang bowl na may lamang menudo.
Kumuha ng isang spoon si Hanz at akmang titikman ang menudo ng tinampal ni Ate Eunice ang kamay nito kaya napaupo ulit si Hanz at ngumuso.
"Tigilan mo nga yan Hanz. Di bagay sayo ang pag p-pout. Hindi ka cute." Panlalait ni Ate Eunice kay Hanz kaya napabalik sa dati ang mukha nito at nag flat line ang labi at walang reaksyong tinignan si Ate Eunice.
"Hindi ka rin naman cute ah. Look at your face ang taba taba na." Pabalik na panlalait ni Hanz at tinusok tusok pa ang pisngi ni Ate Eunice na ikinainis nito lalo.
"Ang kapal naman ng Face mo! Hindi ako mataba bwisit ka!" Sigaw na sabi ni Ate Eunice kay Hanz at sinamaan ito ng tingin.
"Guys stop it. Nagugutom na ko kaya dun na tayo sa rooftop." Bagot na sabi ni Ate Chandra at tumayo na. Sumunod namang tumayo si Ryle at Brook kaya sumunod na rin kami.
Kinuha nila ang ibang bowl at nauna na lumabas ng kusina at naiwan naman kami nila Eidren sa loob.
"Wala pa ba kayong plano na sumunod sa kanila?" Tanong ko sa kanila at nag aayos na rin ng ibang gamit at ilagay iyon sa lababo.
"Sige tara na at baka ma bangasan ko to ng wala sa oras." Gigil na sabi ni ate Eunice. Tumayo na rin si Hanz at kinuha ang ibang plato at inismiran si Ate Eunice. Natatawa na lang akong pinanuod silang mag bangayan palabas ng kusina.
Ng makalabas na sila ay tumayo naman ako at pumunta sa gawi ni Eidren habang nililinisan ang sink na ginamit niya.
"Hindi ka pa ba susunod?" Tanong ko sa kaniya at nag hugas ng kamay. Napatingin naman ako sa kaniya ng bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilublob sa sabunan kasama ng kamay niya.
"Ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya at tinitignan ang galaw ng mga kamay namin na may sabon.
"Wala i just want to do this." Simpleng sagot niya at napansin ko na hinahawakan niya ang singsing na nasa kamay ko.
"Hindi na kita gets sa mga ginaawa mo. Nakakapanibago ka na ah." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang kamay ko na binitawan na niya at itinapat sa gripo at hinugasan ko.
"Bakit ayaw mo ba sa ginagawa ko?" Tanong niya na may bahid ng pagtatampo. Natawa naman ako ng bahagya habang pinupunasan ko ng malinis na towel ang basa kong mga kamay.
"Hindi naman sa ayaw. Nakakapanibago lang kasi na you got angry and sa paglipas ng oras magiging sweet kana at hindi ko na mabasa kung ano ang mga gagawin mo pagka tapos. Katulad nalang nung binigyan mo ako ng singsing. Unexpected yon." Mahinahon kong paliwanag sa kaniya na ikinatawa niya ng marahan.
"Hmm maisipan ko lang kasi. Actualy yung ring ay matagal ng nasa akin yon. Ibibigay ko dapat nung araw ng graduation pero wala akong lakas ng loob to do that." Nahampas ko naman siya sa balikat at dahil natatawa ako.
"Seriously? Eidren Dela Virgo nawalan ng lakas ng loob. Bago yun ah." Natatawang sabi ko tsaka naiiling na inilagay sa cabinet ang ibang ginamit niya.
"I dont know. Simula kasi nung binigyan mo ako ng chance naging ganito na ang mga ginagawa ko. Even my feelings, nagbabago pag nakikita kita." He sweetly said.
"Haha gutom lang yan Eidren. Tara na nga at sumunod na tayo sa kanila." Natawang sabi ko sa kaniya at inignore na lang ang mga sinabi niya. Kinuha ko na ang natirang bowl at nauna na akong lumabas ng kusina at sumunod sa Rooftop.
***
ALL RIGHT RESERVED
BINABASA MO ANG
Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING)
RomanceRomelyn Hillary Santivañez is an independent woman. She have a mother who only wants is to drink. Her father left them when she was only ten years old. The only thing she was know that time ay ang maging proud sa kaniya ang mga magulang niya. Per...