ROMELYN'S POINT OF VIEW
***NAKATAYO ako sa veranda ng maramdaman ko ang prisensya ni Eidren sa likuran ko.
Tumikhim siya pero hindi ako nag aksaya ng panahon na lumingon sa gawi niya, kaya ay napilitan siyang magsalita.
"May problema ba?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako at tumingin sa malayo.
"The thing that i want to have an answer. Mga katanungan na hindi ko lubos na masagutan. Gusto ko ng kasagutan kung bakit niya kami iniwan." Pagak kong sabi at pinahid ang isang butil na nalag lag saaking mata.
"Do you want to see him again?" Napatingin ako sa kaniya sandali at tumingin ulit sa malayo tsaka tumango.
"Yeah. Gusto ko siyang makita at tanungin kung bakit niya kami iniwan. Punong-puno ng galit at poot pati pagkasuklam sa kaniya ay nagawa ko na. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko naman maibabalik ang oras kung papatayin ko siya sa isip ko." Mahaba kong pahayag .
"Let me hug you." Sabi niya at hinatak ako tsaka ako ikinulong sa bisig niya.
"Gusto kong alisin ang poot at galit sa puso mo. Gusto kitang tulungan na hanapin ang tatay mo Romelyn.." he said in a low voice kaya ay napangiti ako kahit hindi niya nakikita. Mas lalo ko pang isiniksik ang katawan ko sa kaniya at niyakap din siya ng mahigpit.
"Salamat dahil handa mo akong tulungan." Saad ko.
"Ano pang saysay ng pagiging mag kaibigan tayo kung hindi ako tutulong sayo." Kumalas siya ng yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Guato ko naman na makita ka na maging masaya ulit katulad ng mga bata tayo. Ang tagal ko ng inasam na sana makita ko ulit iyon. Pero makikita ko lang yon pag nasagot na lahat ng tanong sa utak mo." Nakangiti niyang sabi kaya ay nahawa na rin ako at napangiti.
"Pero hindi ko alam kung saan mag sisimula. Ang pangalan lang ang alam ko sa kaniya. At maliban don ay wala na akong ibang detalye na maipapakita sayo." lumungkot na ulit ako ng maalala ko na wala nga palang ibang sinabi saakin kundi ang pangalan ng tatay ko.
Hindi ko nga alam kung kailan siya ipinanganak or kung saan na siya matatagpuan ngayon.
"Hey. Wag kang mawalan ng hope. Im here remember. Tutulungan ka namin nila mama. Pero bago yon, pumayag ka muna na mag stay sa Batanggas sa loob ng isang linggo." Napatingin naman ako sa kaniya at napanguso.
"Sabi na eh, may kapalit kaya ka tutulong. Hmm sige pumapayag na akong sumama. Pero sa isang kondisyon." Nakangisi kong sabi at itinaas ang hintuturo ko para sa isang kondisyong sinabi ko. Napakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata.
"Anong kondisyon naman?" Napangisi ulit ako at sinabi ang kondisyong gusto ko.
"Turuan mo akong mag maneho." Napatawa ako dahil sa mababaw na kondisyon ko.
"Ano payag ka? Yes or no deal?" Tanong ko pa.
"Let me think about it first. " sabi niya at nag tangka pa na mag isip dahil inilaay pa niya ang kamay niya sa baba niya at tumingin sa itaas.
Napatawa naman ako dahil sa katangahang ginagawa niya. Napailing nalang ako.
"Woi para kang ng ewan. Ahaha sige na turuan mo na ako." Sabi ko sa kaniya at itinaas taas pa ang kilay ko. Napangisi naman siya.
"Okay sige. Tuturuan kita. Sa bundok tayo magmamaneho." Napalaki naman ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya. The fvck?!
"Hoi panong sa bundok eh kahirap mag maneho pag sa bundok ka. Lalo na't putik putik 'don tsaka hindi patag!" Bulyaw ko sa kaniya kaya ay napatawa siya ng malakas.
"Hahaha im just kidding. Bakit ko naman ilalagay 'don ang kotse ko? Hirap kayang mag linis, baka masira pa yon, tas baka ibangga mo pa sa mga puno." Sabi niya.
Napairap na lang ako at nagcross arms.
"PSH. Akala mo naman hindi ka nakakabangga. Naibangga mo nga iyong unang kotse na regalo sayo ni Tito nung grumaduate tayo ng high school." Sumbat ko sa kaniya and i smirk.
"Eh kasi naman kung hindi ba naman kasi tanga ang preno eh hindi ako mababangga sa kariton ng mag bubuko. Ang dami ko tuloy binayaran non, buti na nga lang din at hindi ako ipinakulong nung nag titinda." Natawa naman ako dahil sa pag aalala namin sa nakaraan niya.
"Eh kung ano ano kasi ang ginagawa mo. Kung hindi ka ba naman kasi nag cecellphone habang nag mamaneho ay hindi ka mababangga." Pag sisisi ko pa sa kaniya.
"Ikaw kaya ang tumatawag saakin nung mga oras na yon. Hindi ko naman mapatay kasi nga bubulyawan mo ako at sasabihin na 'may mga cellphone pero hindi naman ginagamit'." Sakin naman niya ngayon isinisi ang katangahan nagawa niya.
"Dat kasi nung una palang tinext mo na ako na aalis ka para hindi ako tumatawag ng wala sa oras. Tsaka nung mga panahon na yon ay may exam remember!?" Sabi ko at umirap sa kaniya ng todo-todo.
"Yeah. I remember that. Binagsak pa ako ni Ms. Madonza dahil hindi ako pumasok at hindi na ako pinag exam. Kaya sobra ang galit saakin ni Dad." Natawa naman ako dahil inako naman na niya ngayon ang katangahan niya.
"Tsaka nung ibinagsak ka ay grounded ka naman for one month. No phone, no gadgets, no gala, and no car. Commute ka lang non. Tsaka hindi ka rin makaalis ng hindi ako kasama kasi nga utak mayaman ka. Hindi ka nga kumakain sa karinderya eh." Nakairap nanaman ako sa kaniya na ikinatawa naman niya.
"Karinderya na una mong pinagdalhan saakin at pinakain ng dinuguan. Akala ko ng nung una ay tinta ng pusit eh. Tsaka nung ipinakain mo saakin yung isaw. When i remeber that, parang gusto ko nalang masuka." Ginawa pa yon kunyare kaya ay napatawa ako.
Pano ba naman kasi bawal din siya nung kumain sa mamahaling restaurant dahil wala siya nong pera. Kaya ay kahit gutom na gutom ay napilit ko parin siyang kumain ng isaw at dinuguan. Dahil wala naman kasi siyang choice at hindi siya kumakain ng baboy, kaya kanina ay hindi naman siya kumain ng iniluto ni tita.
"Pano kasi ang arte arte mo. Kung pilitin mo kasing kumain ng mga meets edi sana napakain pa kita ng barbeque at dugo at kwek kwek sa street foods." Saad ko at natawa ulit.
Nailing nalang siya sa mga sinabi ko at piningot nalang ang pisngi ko at hindi na siya nakipag talo pa.
"Halika na nga sa loob. Baka kung ano ano pa ang maungkat natin sa nakaraan." Alok niya saakin at sabay na natawa dahil ayaw ko rin naman na may maungkat pa sa nakaraan.
Iginaya naman niya ako sa loob ng bahay at nagpahinga sandali para sa biyahe namin na gagawin mamaya.
***
ALL RIGHT RESERVED
BINABASA MO ANG
Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING)
RomanceRomelyn Hillary Santivañez is an independent woman. She have a mother who only wants is to drink. Her father left them when she was only ten years old. The only thing she was know that time ay ang maging proud sa kaniya ang mga magulang niya. Per...