CHAPTER 35

127 19 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

IM HERE sitting in the edge of the bed while looking at my face in the mirror.

Nakaayos kasi ako ngayon, because Tita V and Tito Ric want to have a real dinner with my family.

Since my dad is totally a wake kaya pumayag na kami. Alam na rin ni Dad ang mag nangyari and now his recovering, malayo pa sa salitang maayos ang kalagayan ni dad but its okay. Nakakausap naman na namin siya ng maayos at nagkaayos na sila ni mama. Nagkausap na rin sila about sa mga bagay bagay and nasagot nanamin ang mga tanong namin sa isip.

Mas lalo pang naging buo ang pagkatao ko dahil sa kwento ni dad saakin kagabi nung ano ang nagbantay sa kaniya.

Nagkausap na rin kami at nakapaghingian ng tawad sa isat-isa. Im happy to talk with him and with his corny jokes haha.

Yung tanong ng isip ko dati na 'bakit siya umalis ay sinagot niya kagabi ng walang kahit anong pagdadalawang isip'.

Ang sabi niya kagabi saakin kaya niya kami iniwan ay dahil may naging malaking pagkakamali siya kay mama na naging sanhi ng paghihiwalay nila na naging malaking pagkakamali at habang buhay niya daw dadalhin kung hindi namin siya nasagip kay Kelly.

Im hurting while seing him crying in front of me. Kaya inalo ko siya at sinabi ko nalang na pinatawad ko na siya, which is true. Ang alam ko nga ay sila na ata ulit ni mama. Dahil ilang araw na palang gising si dad at hindi man lang niya sinabi saakin. Kung hindi pa ako nag insist na magbantay sana ay hindi ko pa malalaman na gising na siya.

*knock knock*

Nabalik ako sa wisho ng marinig ko ang dalawang katok na nanggagaling sa labas ng pinto ko. Sumiaw naman ako para sabihing bukas iyon.

"Anak." Sabi ni Mama ng makapasok sa loob ng kwarto ko. Napangiti naman siya ng makita niya akong nakaayos na at maganda ang pagkakalagay ng make up at nasa tamang posisyon iyon sa mukha ko.

"Ang ganda mo talaga anak." Naiiyak naman niyang sambit kaya napatawa ako.

"Ang joker ni mama oh. Hindi po ako maganda.  May ityura lang, haist nako ma, ikaw po ang maganda, mana po ako senyo eh." Balik na sabi ko na ikinangiti niya naman saakin pabalik.

"Hindi na bale, ang mahalaga ay buo na ulit ang pamilya natin at ngayon ay magiging masaya kana. I see you always crying, kahit hindi mo pansin ay tinitignan padin kita sa kwarto mo noon nung bata ka. Lagi kang umiiyak at sinasambit mo ang pangalan ng papa mo while crying out loud. Sorry anak ha, hindi ako naging mabuting mama sa iyo. Pero gusto ko ng magbago para sainyo ng papa mo. Dahil kahit anong ginawa niya nuon ay napatawad ko na siya, hindi ko naman kasi kinalimutan ang papa mo. Mahal ko parin siya hanggang ngayon." Naiiyak na kwento niya at hinaplos ang medyo kahabaan kong buhok tsaka ako tinignan sa mga mata.

"Ang swerte niyo sa isat-isa 'ma. Kahit na ang tagal ng panahon na wala kayong komyunikasyon ay mahal niyo padin siya. I want to have like that. And i know at sa palagay ko, Eidren will give it to me. Dahil alam ko na mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan." Puno ng pagmamahal na saad ko kay mama kaya napangiti siya saakin at tumabi ng upo sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"Oo anak. Nung nag kausap kami nung nasa ospital ay alam ko na kaagad na mahal ka niya. Dahil para siyang tanga na nakangiti habang ikinukwento ang mga araw na magkasama kayong dalawa at bawat pag iignora mo sa nararamdaman niya. Your lucky to have a man like him, inirerespeto ka niya kahit na wala siyang pinanghahawakang relasyon sa pagitan niyo, nirerespeto ang mga desisyon mo at sasamahan ka sa lahat ng bagay na gustuhin mo o kung saan pang lupalop ng mundo ikaw magpunta. Masaya ako at minahal ka niya. Natagpuan mo rin ang pagmamahal na dapat ako ang nagpuno, pero masaya na rin ako dahil ngayon ay masaya ka na at wala ng lungkot sa mga mata. Alam ko rin na hindi ka na iiyak. Yun ang isa ko pang ipinagpapasalamat, dahil mahal na mahal ka ni Eidren, 'nak." Tuluyan ng tumulo ang luha niya sa mga mata kaya nahawa na rin ako.

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon