CHAPTER 22

118 17 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

NASA bahay ako ngayon dahil kukuha ako ng mga damit at dahil inilipat na kanina si mama sa ospital na alam ni Eidren na mas mapapabuti si Mama.

Even Tita V and Tito Ric is worried about my moms condition. They didnt expect this thing. Kaya nagdesisyon sila na ilipat si mama sa magandang ospital. Hindi ko kasama si Eidren because he have something to do right now. Si Dianne lang ang kasama ko na nag aayos ng mga damit na kakilanganin namin.

"Ate.. ayos na siguro itong mga dadalhin natin. Maayos naman na si tita Liza eh." Nagangat ako ng tingin sa kaniya at marahang tumango. Medyo ayos na nga ang mga naayos naming damit para gamitin.

"O'siya sige ayos na yan. Kumain kana ba?" Pag iibang topic na tanong ko. Maaga pa kasi kaya hindi pa ako kumakain.

"Hindi pa ate. Pagkatapos kasing umuwi kaninang madaling araw ay hindi pa ako halos natutulog at wala ring laman ang sikmura ko. " sabi niya saakin at tumayo.

"Ay ganon ba. Sige halika, dun na lang tayo sa karinderya ni Alin Tasing kumain. Hindi ko din kayang mag luto ngayon ng umagahan. Mag lomi o goto na lang tayo." Suhesyon ko. Tumayo na rin ako at lumakad papalabas ng kwarto. Dala na rin namin ang mga gamit at idinala sa sala.

"Dito na munanatin ilagay. Tara na baka bukas na sila." Sabi ko. Tumango lang naman siya at nauna ng lumabas ng bahay. Sumunod na rin naman ako at inilock ang pintuan tsaka kami lumakad papunta sa hindi kalayuang karinderya ni Aling Tasing.

Nakarating na kami at pumasok sa loob. Umupo kami sa bungad tsaka naman lumabas ang isang katulong ni Aling Tasing na si Brenda.

"Hello sistah.. ano ang order niyo?" Masigla nitong tanong.

"Ikaw ano ba gusto mo. Brenda ako isang order ng goto ." Sabi ko.

"Isang order lang ng Lomi. " simpleng sagot ni Dianne. Tumango naman si Brenda at ngumiti tsaka tumalikod.

Maya-maya ay lumabas naman si Aling Tasing.

"Oh hija andito kapa." Bungad niyang sabi ng makita ako. Tipid naman ako ngumiti sa kaniya.

"Oho Aling Tasing. Kakauwi ko lang din ho galing ospital." Saad ko sa kaniya. Nakita ko naman ang kalungkutang namuo sa mga mata niya.

"Pasensya na ha. Kung hindi dahil kay Burnok ay hindi naaksidente si nanay mo. Pasensya na talaga ha." Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling.

"Hindi niyo naman ho kasalanan yon. Tsaka wala naman na po sa peligro ang kondisyon ni mama kaya ayos na rin ho iyon." Hinawakan ko ang kamay ni Aling Tasing at ngumiti

"Napaka bait mo talaga Romelyn. Ay oo nga pala. Nitong mga nakaraang araw ay laging may mga lalaking pumupunta sa bahay niyo. Hinahanap ka eh sabi naman namin wala ka ngayon sa bahay niyo. Kilala mo ba iyon?" Napatingin naman ako kay Dianne na may nag tatanong na mga mata.

"Wala akong alam jan ate ahh. Ilang araw na tayong magkasama hindi rin naman ako balitado sa mga ganiyan." Sabi naman ni Dianne kaya ay napabuntong hininga ako at tumingin kay Aling Tasing.

"Sa totoo po ay wala rin akong alam jan sa bagay na yan. Sana naman hindi masama ang dahilan kaya sila dito pumupunta." Nababahalang sabi ko. Siyang kasunod namang dumating ang order namin at inilapag ni Brenda sa mesa.

"Salamat. Ano kaa ang pakay nila saakin. Sa pag kakaalam ko ay wala naman akong nagawang kasalanan, kaya bakit nila ako hinahanap." Nagtatanong na sabi ko sa sarili. Nag angat nanaman ako ng tingin kay Aling Tasing pero hindi niya rin alam.

"Hindi ko alam ang pakay nila hija. Kasi nung tinanong nila ako at sinabi ko na wala ka jan ay ilang araw na rin na hindi sila nag pupunta at kaagad na ring umalis pag katapos. Kaya hindi ko rin alam kung ano ang dahilan nila kung bakit ka hinahanap." Paliwanag ni Aling tasing na tinanguan ko naman.

"Ganon ho ba. So ilang araw na rin silang hindi pumupunta. Hindi ko alam kung mabuti ba iyon o masama." Nakangiwing pagtawa ko at umiling iling.

"O 'siya. Kumain na muna kayo jan. Naiwan ko na muna kayo  ha." Paalam ni Aling Tasing. Tumango naman ako.

"Sige po." Sagot ko naman at humarap na ng upo kay Dianne na nakatingin lang saakin ng diretsyo.

"Sa palagay mo ate masasamang tao kaya ang nag hahanap saiyo?" Tumingin ako kay Dianne at sinagot ang tanong niya.

"Hindi ko alam. Sa tanang buhay ko ay wala naman akong nakaaway na kahit sino. Kaya nagtataka rin ako sa mga sinabi ni Aling tasing eh." Nababahalang pagsasaad ko sa kaniya.

"Sana nga at hindi masamang tao iyon. Baka ikamatay na ni kuya Eidren pag may nangyaring masama sa 'iyo." Pagbibiro niya. Hindi naman ako naoffend pero sa kabilang banda ay totoo rin naman ang sinabi ni Dianne. I know baka nga mamatay na yon kdahil ang oa pa naman niya mag react.

"Sort off. Ang oa niya kasi mag react. Umalis lang ako ng walang paalam, sinundan na kaagad ako and worst para daw siyang mamamatay sa sovrang kaba nung nalaman niya na nawawala ako." Pagkukuwento ko sa nangyari sa resort. Natatawa naman siya at nagsalita ulit.

"Pero alam mo ate. Ang swerte mo kay kuya." Napatingin naman ako sa kaniya bigla dahil sa sinabi niya.

"H-huh?" Utal na sagot ko.

"H-hutdogs ate. Seriously speaking. Ang swerte mo sa kaniya dahil mabait at alam kong mamahalin ka niya tulad ng bagay na hindi mo inaasahan. Kahit na oa siya at baliw minsan. Alam na alam ko na magiging masaya pag siya ang nakatuluyan mo. He ask me and i know gusto ka niya. Tulad nalang ng pagsunod niya sayo kahit na sobrang layo ng batangas at manila ay sumunod s parin siya sayo. Nakikita ko rin na mahal na mahal kiya. Kaya ate kahit hindi mo sabihin ay alam ko na may nararamdaman ka parin sa kaniya. Kaya hanggat na sayo ang taong yun pahalagan mo na dahil pag nauntog yan, baka wala ka ng balikan."

Napatulala na lang ako sa kaniya. Medyo nasaktan na ako dahil sa mga sinabi niya, pero alam ko rin na hindi niya yon sinadya para lang sabihin. Kundi sinabi niya yon para malaman ko ang tunay na nararamdaman ko.

Napaisip ako bigla sa mga sinabi niya. Paano nga pag nauntog si Eidren at maisipan niya na may mas deserving kaysa saakin.

Na may babae na mas nakakalamang at kayang ibigay ang mga pangangailangan ni Eidren.

Nawalan na tuloy ako ng gana sa mga naiisip at mga tumatakbo sa isip ko. Ngayon naka pag desisyon na ako. Bibigyan ko na ng chance si Eidren at sisiguraduhin ko na magkakaroon na ng kabuluhan ang magiging future naming dalawa.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon