CHAPTER 23

112 16 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

LUMIPAS ang mga araw at hindi ko na nakita si Eidren maski ang anino niya ay hindi man lang nag pakita sa ospital. Medyo nasaktan ako sa nangyaring ito but i dont have a right to feel this way. Walang kami at wala namang kaming pinanghahawakan na dalawa para sa isat isa.

Para yatang nag dilang anghel si Dianne sa sinabi niya nung nakaraang linggo na pag nauntog si Eidren ay mag hanap na ng ibang babae na makakahigit saakin.

Parang may tumutusok na milyon- milyong karayom sa puso ko pag naiisip ko ang mga katagang iyon. I feel pity of myself dahil ngayon ko palang na narealized na may katugon rin pala ang nararamdaman niya para saakin. Mahal ko na yata si Eidren dahil kung hindi ito pag mamahal ay hindi ko na alam ang tawag sa nararamdaman kong pangungulila sa prisensya niya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ni mama. Medyo naka-recover na si mama and pwede na daw siyang lumabas anymoment na maging maayos na lahat ng vitals niya.

Bumungad naman saakin si Dianne at si mama na nakahiga sa kama habang mahimbing na natutulog. At meron ding isang lalaki na medyo may katandaan na at naka itim na Black suit. Napataas naman ang kilay ko ng makita ko ang kabuuan ng lalaki.

"Sino ho sila?" Agad na tanong ko pagkalapit na pagkalapit ko sa gawi nila.

"Ahh hehe ate Romelyn. May naghahanap kasi sayo sa bahay kaya dinala ko siya dito para dito na rin kayo magkausap. Hindi siya masama katulad ng iniisip natin. Infact-" hindi na naituloy ni Dianne ang kaagad na pagpapaliwanag ng pinutol ng lalaki ang mga salita niya. Medyo napahiya naman ang pinsan ko, ang bastos nito ah.

"Okay na yon sa ngayon Binibining Dianne." Pagtatapos ng salita ng matanda at diretsyong tumitig saakin. Tinignan ang buong kabuuan ko at napansin ko na medyo tumaas ang labi niya pero kaagad rin iyong nawala.

"Maaari ba tayong mag usap ng masinsinan Binibining Romelyn?" Tanong ng lalaki. Tinignan ko naman muna si mama at si Dianne bago nagsalita.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako sasaktan maski sa pamilya ko maliwanag." I used my poker face. Tumango naman ang lalaki .

"Maliwanag Binibini." Magalang niyang sagot kaya ay tumango ako at naunang lumabas. Naramdaman ko naman na nakasunid siya kaya ay tumungo ako sa itaas na bahagi ng ospital kung saan naron ang Roof top. Binagtas pa namin ang mahabang hagdan na wala akong naririnig na kahit anong reklamo mula sa kaniya.

Nakarating naman na kami sa dulong bahagi at bukas naman ang pinto papasok sa roof top kaya itinulak ko na yon at tuluyang pumasok sa loob non.

Humarap ako sa kaniya ng makapasok na kami ng tuluyan. Sapat naman ang distansya namin sa isat isa. Nag salita ako at nakinig naman siya ng taimtim.

"Ano ba ang paguusapan natin. Importante ba ito na mas imlortante sa nanay ko?" Kaagad na tanong ko sa kaniya.

"By the way im Leandro Martinez. And im here for you dad. Its all about your dad." Ngayon naman nag english siya kanina eh puro siya binibini. Abno rin to eh.

"Eh ano naman ngayon kung sa tatay ko--- WHAT?!" napasigaw ako bigla ng mag sink in sa utak ko na ang ipinunta niya rito ay dahil sa tatay ko.

"Tama ang rinig mo. Tatay mo ang ipinunta ko rito. May mga bagay ako na ipapaliwanag sayo kung bakit ako pinapunta ng tatay mo sayo para makausap kita." Paliwanag niya saakin. Hindi naman ako makapagsalita dahil sobra talaga ang gulat na yumanig sa buong pagkatao ko dahil ngayon sigurado ako na masasagot na lahat ng katanungan sa isip ko.

"Ipinahanap ka niya saamin para ibigay sayo ang willing testament niya. Ikaw lang kasi ang tanging anak na alam niyang nanggaling sa kaniya." Pag pupunto niya.

' Willing testament that means pamana niya para saakin?' Unang tanong na pumasok sa isip ko ng marinig ko ang paliwanag ng lalaki.

"T-tunay na anak?" Nag tatakang tanong ko. Tumango naman si Leandro .

"Yes. Simula ng iwanan kayo ng tatay mo 'Si Sir Nickolai'.  Ay nagpakahirap siya para mag trabaho. Hindi niya kayo iniwan dahil meron siyang ibang babae na kinasama. Oo meron siyang nakasama pero niloko at inubos lang ang lahat ng bagay na ipinundar niya, nilalason ni Madam Kelly ang papa mo kaya gumawa siya ng paraan para mahanap ka ulit kahit patago. Hindi alam ni Madam Kelly na meron siyang anak at ikaw yon. Panigurado pag nalaman ni Madam Kelly ay gagawin na nito ang lahat para mailipat ang buong mana sa pangalan niya. Kaya eto ako ngayon humihingi ako sayo ng tulong na tulungan mo ang papa mo. Pirmahan mo ang dapat mong pirmahan para mapatalsik mo na si Madam Kelly sa bahay ni Sir Nickolai." Mahabang paliwanag nitong si Leandro. Napapikit nalang ako at inaabsurb pa lahat ng bagay na ipinaliwanag niya saakin.

"It means humihingi ka ng tulong saakin na sagipin ko ang tatay ko sa demonyong lumalason sa isipan ni papa ganon ba?" Pag lilinaw na tanong ko sa kaniya at tinignan siya ng diretsyo sa mga mata. Tumango naman siya pagkatapos.

"Tama. Ikaw na lang ang tanging tao na makakatulong sa kaniya para makawala na siya sa rehas na ikinulong sa kaniya ng matagal na panahon. Nitong mga nakalipas lang na buwan kita nahanap. Medyo natagalan dahil kung saan saan ako pumunta para lang hanapin ang tunay na tagapagmana ng Santivañez at wala ng iba pa." Napatango tango naman ako don dahil mesyo gets kona.

"Sino ba kasi yang Kelly The devil chuchu na yan ha?" Naiintrigang tanong ko. Nakita ko naman na tumaas ulit ang labi niya tsaka nag salita.

"Her name is Kelly Aloña Rodrigo. Isang kilalang business tycoon sa ibang bansa pero ng malugi ang kompanya nila ay bumalik sila sa pilipinas at dito na nanirahan kasama ang dalawa niyang anak na si Keiler and Veronica." Napatingin ako sa kaniya ng taimtim at nagiisip ng mga pwede kong gawin sa mag anak na iyan.

"San ko mahahanap ang bahay ng tatay ko. Tutulungan mo ba ako?" Seryosong tanong ko. Ngayon ay tuluyan na siyang napangiti at lumabas ang angking kgwapuhan ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"Tama nga si Sir Nickolai. Isa kang magandang babae pero may angking katapangan ng kalooban. Alam talaga niya na ikaw ang makakatulong sa kaniya. And off course tutulungan kita. Kaya nga ako nandito hindi ba." Nakangiti niyang sabi kaya tinanguan ko naman siya.

"Very good then. Magkita ulit tayo sa makalawa. I'll text you pag naka labas na kami ni mama sa ospital tsaka natin planuhin ang mga bagay bagay." Seryosong sambit ko. Tumango naman siya kaya iniwan ko na siya don magisa at bumaba parapuntahan ulit si mama.

'Malaman ko lang na kung sino kang Kelly ka sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo pag nakilala mo ako.' Matapang na sambit ko sa sarili at ibinalik ang dating sigla ng mukha ko na para bang walang anumang nangyari.

***
ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon