CHAPTER 10

166 40 3
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

NANDITO kaming lahat sa kusina dahil gusto daw ng mga boys na mag luto kaya ngayon ay parang binagyo ang buong kusina.

"Hoy mga baliw. Look at the sink. Ang pangit tignan. Bakit ba kasi nag prisinta pa kayong mag luto?" Naiinis na sabi ni Eidren habang nakasanda sa pader at pinapanuod ang ginagawa ng mga pinsan.

"Eh kung tumulong kana lang dito. Hoy Brook ilagay mo na yung carrots." Sigaw niya kay Brook.

"Eto ba lahat. Tignan mo ilalagay ko na tong lahat." Sabi ni Brook na wala namang alam sa kusina at sa pag luluto.

"Oo ilagay mo na lahat para masarap." Sabi naman ni Hanz ng hindi tumitingin sa ginawa ni Brook. Bigla na lang nitong itinalbog lahat ng carrots na hiniwa ng hindi man lang binalatan. Napa face palm nalang kami dahil wala talaga kaming mapapala na makakain sa ginagawa ng tatlong mga  ito.

"The Fvck! Mag silayas na nga lang kayong tatlo dito. Ginagawa niyo lang biro ang pag luluto. Tss! Look! Parang binagyo!" Gigil na gigil na talagang sabi ni Eidren at pinalayas na talaga ang tatlo at pinapunta na lang dito sa gawi namin.

"Bagyong Eulissis ang tumama jan na bagyo." Pag bibiro naman ni Brook at sinabayan naman nila ng paghalakhak. Tumingin  saamin si Eidren at sinamaan niya ito ng tingin.

Tinignan ko naman ang tatlo at mga nakasuot pa kuno ng apron pero bahid bahid din naman sa katawan ang ginagawa nilang kagaguhan. Gusot ang mga damit at parang ginahasa ang mga buhok.

Si Ryle naman ay tumabi saakin at hinawakan ang kamay ko. Pinakatitigan ang kaliwang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay ni Eidren kanina.

"Kanino to Galing Romsy?" He curiously said at pinaglalaruan ang pala singsingan ko.

"Someone." Simpleng sabi ko at binawi ang kamay ko tsaka ko itinago sa kaniya. Nagsalita naman ang dalawa at tinukso tukso ako.

"Romsy ikaw ha.. may inililihim ka na saamin. Ano yan ha?" Mapanuksong sabi mi Brook at lumapit rin saakin. Nag simula na tuloy mamula ang pisngi ko.

"Hala namumula ang Romelyn niyo. Dalaga na siya ayieee." Kantyaw pa nila kaya mas lalong namula ang mukha ko.


"Ano ba. Binili ko to kanina don sa bayan. Nagustuhan ko kaya binili ko. Ano ba yun lang yun." Nahihiyang paliwanag ko pero parang hindi sila kumbinsido.

"Diba may best friend code kayo ni Eidren nung high school. 'BAWAL MAG SUOT NG KAHIT ANONG ALAHAS SA KAMAY, MALIBAN NA LANG KUNG BIGAY ITO NG BAWAT ISA SA AMIN. BAWAL RING BUMILI DAHIL MAG TATAMPO.' Eto yata yun. Sa pagkakatanda ko." Sabat ni Ate Eunice na nagpakamatis lalo ng mukha ko. Wala na finished na wala na akong lusot dito .

"Ano ba naman kayo. Matagal na yon kaya hindi kona tanda." Palusot ko parin at kahit luma ng palusot ay sinabi ko parin.

"May code pa kayo kaya. Na kapag nakalimutan ang isa sa mga code ay ibig sabihin ay kayo na. It means ba kayo na talaga nitong pinsan namin?" Inosenteng turan ni Bianca ang isa sa pinsan nila kaya ay napa face palm nalang ako at wala na talaga akong lusot lusot dito.

"Eh ano naman kung kami na. Besides we're matured enough para mapunta sa level na yon." Napatingin naman ako bigla ng marinig ko ang boses ni Eidren sa likuran ko.

"Hoy ano ba. Shut up Eidren. Ano kaba naman." inis na bulong ko sa kaniya ng lumapit siya saakin.

"Ganon na din yon. Kaya wala ka ng magagawa." He simply said at kumindat saakin.

"Edi kayo na tss. Ang lalandi susko po. Mahiya naman kayo sa single dito!" Napatingin naman kaming lahat kay Ate Chandra ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Break na ba kayo ni Cleoffe?" out of the blue na tanong ko na ikinatingin niya saakin bigla. Nakita ko ang mabilisang lungkot na bumadha sa mga mata niya.

"Dont want to talk about my past Romy baby." Nakangiti niya sabi kaya ay inirespeto nalang namin iyon.

Tumingin naman sila saaking lahat at ibinalik ang topic kanina. Nag init nanaman ang pisngi ko .

"Hey Romelyn.. kanino nga ba galing iyan? Sigi na hindi kami mag iingay, promise." Panunumpa pa ni Ryle kaya ay naiinis nako na umirap sa kaniya.

"Fine pasalamat ka at kaibigan ko kayo. Its Eodren's gift. End the discussion. Period." Sabi ko at ipinagcross ko pa ang mga kamay ko sa harap nila at umiling iling.

"ayiieeee~~~~ charam charam chanchanram. Pag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito~" maingay na kanta nilang tatlo at tumayo pa tsaka nag sasayaw.

"One two three ~ pag tumibok ang puso~~"

"Tugs tugs tugs Ang puso~"

Napapailing nalang kami dahil ginagawa na nilang bar ang kanta. Sumasayaw pa sila ng hiphop at nag bibeat box pa. Susko po ano ba yan.

"Hey guys. The food is ready. " anunsyo ni Eidren kaya ang tatlo ay parang napa stop dance dahil na sinabi ni Eidren.

Agad itong nag si ayusan at umupo sabay sabay dahil papalapit na si Eidren sa mesa at dala ang niluto nito.

"Ano yan?" Tanong ni Eunice ng makita ang niluto ni Eidren.

"Its Calderetang Baboy. Since kayo lang naman ang kakain ay baboy na ang ginamit ko." Paliwanag niya habang nag pupunas ng kamay.

"Eh pano ka? You want to eat outside?" I ask at tumayo. Tinignan ko naman sila na nilalantakan na ang pagkain niluto niya.

" Kuya Ren the best ka talaga. Pwedeng pwede ka ng mag asawa. Ang sarap ng luto mo eh. Baka maubos koto." Papuri ni Ryle na binatukan naman ni Brook.

"Hoy anong uubusin mo? Ano kaba mahiya ka nga. Ang takaw takaw mo!" Sabi ni Brook na sinigundahan naman ni Hanz.

"Kaya nga. Ang kapal ng mukha mo. Pakinipisan ah at lihain mo na din para manipis lalo. Eidren masarap talaga baka mapadami ang kain ko." Nakangiti at nag thumbs up pa na sabi ni Hanz.

"Haha ok lang. Eat all you want guys. Sige, maiwanan na muna namin kayo. Kakain nalang kami sa labas. Since Eidren didnt eat meats." Sabi ko at nagpaalam na.

Tumango naman sila saamin at abala na ubusin ang luto ni Eidren. Naiiling nalang kaming lumabas ng kwarto dahil sa kaguluhan sa loob na naririnig namin.

"Tara na nga haha." Aya ko at tuluyan na kaming lumabas.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon