CHAPTER 27

106 16 1
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

WE'RE here at the coffe shop. Im sitting in the floor, while reading the books.

Napatingin naman ako kay Dianne na tahimik lang at may kung sinong tinitignan. Its Ryle.

"Dianne.." i call her attention kaya napatingin naman siya saakin.

"Ate?" she said at itinaas ang kilay saakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Medyo malayo kami kila Hanz, Brook and Ryle kaya im sure they didnt hear us.

"Hmm, ayos lang ako ate wag kang mag alala." Saad naman niya at malayang ngumiti. Pero sa nakikita ko ay hindi siya okay.

"You know him?" Pinagdiinan ko talaga ang salitang him kaya napatingin siya ulit saakin at mabilis na umiling iling.

"No ate. I dont know him. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita and he got my attention." Bigla nalang naging mahinhin ang tono ng pagsasalita niya pero nandon parin ang pagbabakasakali na sana mapansin siya ni Ryle.

"Bakit siya pa?" Hinuhuli ko siya sa mga tanong ko at pag kumagat pa siya that means gusto niya talaga ito. Grabe naman unang pag kikita pa lang gusto na niya agad.

"Hindi ko siya gusto ate. He just got my atten-" hindi ko na siya pinatapos.

"He got your attention, that means you like him not just a boy. You like him and that's not good Dianne." Pagpapayo ko sa kaniya ay hinawakan ko siya sa balikat. "Ryle is a playboy. Hindi sa sinisiraan ko siya sayo pero, he is. Pagkatapos niya sa isa ay meron nanaman ulit siyang kapalit. I dont want you to be with him," pagpapatuloy ko.

"Baka ang end game na hinihintay mo ay tuluyan na maging game over." Dugtung ko pa tinignan siya sa mga mata.

"Bakit ate..?" Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang mga salita na yon.

"Gusto mo siya?" Tanong ko pabalik, tumingin din naman siya saakin.

"In a second thought ate. Hindi ko siya gusto. Haist wag na nga nating siyang pag usapan." Natatawang sabi niya at inialis don ang topic naming dalawa. Hindi ako convincing sa sagot niya. Palagay ko mapapadelikado siya nito pag si Ryle ang pinili niya. Napabuntong hininga na lang ako at uminom ng kape sa may baso.

Maya maya ay bigla na lang nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag.

'Eidren Calling...'

Agad ko naman itong sinagot at itinapat sa tenga ko.

"Hi." Sagot ko sa kabilang linya at napangiti.

"Hi.. asan ka?" Tanong niya kaya sumagot ako kaagad.

"Nasa coffee shop, malapit sa hospital." Sagot ko naman.

"Sige, wait me there, in ten minutes. I love you.." kusa namang napangiti ang labi ko dahil sa i loveyou niya.

"Same.. Bye" sabi ko na lang at pinatay na ang tawag.

"Sino yon?" Nag angat ako ng tingin ng nasa harap ko pala si Ryle. Umupo siya sa harap ko at tumingin saakin.

"Ah si Eidren yon. Tinatanong kung nasaan ako. Bakit?" Tanong ko, umiling naman siya at ngumiti.

"Ah wala." Sagot niya lang saakin. Kinuha naman niya ang librong nasa kamay ko at binasa yon.

"Kamusta na nga pala kayo ni Dren?" He sunddenly ask ng hindi nag aabalang tumingin saakin.

"Amm.. i think wala naman kaming problema. Tsaka we're absolutely fine. Dont worry." Sagot ko at titig na titig sa kaniya.

"Ahh ganon ba. So kayo na?" Naninibago ako kay Ryle dahil sa mga tanong niya. Hindi naman kasi siya ganito dati. Tahimik at nag oobserba lang siya sa paligid, but now his questioning me about me and Eidren na hindi naman dapat ipinagsisigawan sa buong mundo.

"A-Amm... ka-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Eidren sa loob ng shop at nag tapat ang mga mata namin. Nginitian niya ako at inilang hakbang ang pagitan namin.

Lumapit siya saakin at bigla akong hinalikan sa pisngi na kusa ko ikinangiti.

"Hello baby." He said at tumabi ng upo saakin. Tinignan ko naman sila isa isa at bakas sa mukha nila ang gulat dahil sa tinawag ni Eidren saakin.

"Kayo na ni Insan Romelyn?" Kabod na tanong ni Hanz at lumapit saamin.

'Chismoso talaga amp.' Natawa nalang ako at tumango sa tanong niya.

"Yeah, hindi ka nag kakamali. Kami na nga." Natatawang sabad ni Eidren at hinawakan ang hamay ko at itinaas yon.

"Wews! Ang bagsik talaga ng isang Dela Virgo. Ang bilis mo talaga insan." Tinawanan nalang namin ang pahayag ni Brook saaming dalawa.

Habang si Ryle ay tahimik lang na binasa ang libro n hawak niya. Ano bang problema ng lalaking to.

"Ganon talaga pag mahal mo. Mahal niya ko and i love her more. Kaya wala ng dahilan para hindi maging kami diba Baby?" Napatingin naman ako bigla kay Eidren at wala sa sariling tumango nalang.

"Oo naman hehe. Oi teka lang, sino nag babantay kay mama sa hospital?" Biglang tanong ko kay Eidren.

"No Worries. Pinabantayan ko siya sa mga nurse don, dahil pinapalitan ng gause ang mga sugat niya." Napatango tango naman ako at gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

"Ano pala ang pinag usapan niyong dalawa?"

"Secret. Malalaman mo rin yon pag naging maayos na ang lahat. Pero bago yun, ikaw na muna ang iisipin ko, sa ngayon." Natatawang saad niya saakin at niyakap ako sa bewang.

"Hmp! Ikaw talaga." Sabi ko nalang at piningot ang ilong niya.

"Get a room will you. Mahiya kayo sa single haist." Napatingin naman kaming lahat kay Hanz dahil sa sinabi niya.

"Diba may Girlfriend ka. Bakit single ka na ngayon?" Nagbibirong tanong ni Eidren sa kaniya.

"Ayoko na kay Coleen. Masiyado siyang selosa at clingy. Tsaka she wanted to marry me. But the hell, hindi ko pa nakikita ang babeng nakatakda para saakin no." Paliwanag niya.

"Aba'y bago yan ah. Sabi mo nung nakaraan, you love her at walang sino man ang makakapag hiwalay sainyong dalawa, nagbago yata ang ihip ng hangin." Sabi ulit ni Eidren kaya sinamaan siya ng tingin ni Hanz.

"Past is past Dren. Kung sinabi ko man na mahal ko siya ngayon baka bukas iba na ang mahal ko. Ganon lang yon. Kaya ikaw wag mong sasaktan si Romelyn ha. Mas mahal ko yan kesa sayo." Pagbabanta ni Hanz kay Eidren. Tinignan naman siya ng masama ni Eidren at nag wika.

"Dont you dare to steal my girl or else i will stab your neck, sinasabi ko talaga sayo. Kahit pinsan pa kita, hindi ako magdadalawang isip na pugutan ka ng ulo." seryosong wika ni Eidren but Hanz is just laughing.

"You dont need to say those words Insan. I know my limitations, at kung mangyari man 'yon, ako na mismo ang papatay sa sarili ko." Pabalik na sagot ni Hanz kay Eidren.

"Very good, then." Sagot na lang ni Eidren tsaka ako niyakap ng mahigpit at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon