ROMELYN'S POINT OF VIEW
***
PUMASOK ako sa kwarto ko pagkaalis ko sa sala. hihiga na sana ako ng biglang may malakas na kumatok sa pintuan ko.Tumayo ako tsaka ko binuksan ang pintuan at iniluwa non si Eidren.
"Bakit?" Walang ekspresyong tanong ko ng mapagtanto kong siya yon.
"Can we talk?"
"No!' Matigas na sabi ko pero bigla na lang niyang itinulak ang pintuan at pumasok saloob ng kwarto tsaka niya inilock ang pintuan kaya wala na akong nagawa dahil nandito na siya.
"Can we talk." Napabuntong hininga nalang ako at napairap sa hangin tsaka walang nagawa kundi at tumango.
"First. Im not jealous. Second. Your jumping into a conclusion. Third. Im sorry. Fourth. Please forgive me." Haist pano pa ako magagalit sa lalaking ito kung humihingi na kaagad siya ng tawad wala pa man akong simasabi.
"Makakaalis kana." Pero nanatiling matigas ang pride ko kaya at tumayo ako at itinutulak siya para mapalabas.
"No! Romelyn! Hindi ako lalabas ng kwarto na 'to ng hindi tayo nag kakabati. Wala mang namamagitan saatin pero hindi ako makakatulog ng may sama ka ng loob saakin. Please sabihin mo kung bakit ka naiinis saakin. Gusto mo pa bang lumuhod ako para mapatawad moko sa mababaw na dahilan. Sige gagawin ko." sabi niya at lumuhod nga.
Mabilis ko naman siyang pinatayo . "Ano kaba naman Eidren. Hindi mo naman kailangan na gawin to 'A!" Naiinis na sabi ko sa kaniya.
"E 'Bakit kasi nagagalit ka saakin? Wala naman akong ginagawa. Im just asking. Hindi naman ako nagseselos. Dahil alam ko parin kung saan ako lulugar. Romelyn." Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko don ang lungkot na hindi ko pa nakikita sa mga mata niya dati.
Kahit kailan talaga hindi ko kayang magalit sakaniya ng matagal. He always like that. Kahit wala pa akong ginagawa at sinasabi ay inaako na niya ang kasalanan kahit ano ang tunay na may kasalanan.
Im lucky to have him. Pero kahit alam ko na gusto niya ako ay hindi parin ako convincing to give my heart to him. Hindi ko pa nakukuha ang magic word na kailangan kong marinig. And pag nagawa at nasabi na niya yon tsaka ako mag dedecide kung deserving ba siya para sa 'oo' ko.
"Lumabas ka na muna Eidren im tired na." Nasabi ko na lang at itinulak siya pero mabilis ang mga galaw niya at sa isang iglap ay nayakap na niya ako , at nakakulong na ako sa mga bisig niya.
"Im sorry." Bulong niya sa tenga ko at naramdaman ko na hinalikan niya ang buhok ko.
"Lumabas ka na lang muna please." Itinutulak ko siya pero mas lalo lang humihigpit ang yakap niya saakin. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa mala bakal na braso niya.
"Im sorry." Ulit lang niya na pag hingi ng sorry saakin kaya napapikit at nahigit ko na lang ang hininga ko.
"Sige na.... gusto ko ng magpahinga." Kahit na mababaw lang na dahilan yon na hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito ay hindi ko talaga alam.
Nasasaktan din ako dahil sa pag pupumilit niya na pag hingi ng sorry saakin. Gusto ko ng sabihing 'sige na, okay na' pero hindi ko kayang gawin dahil ayokong ibaba ang pride ko.
"Hahayaan lang kitang magpahinga kung patatawarin mo na ako." Sabi pa rin niya. "And hindi kita bibitawan sa pagkakayakap ko kung ipipilit mo padin ang gusto mo na magpakatigas saakin Romelyn." pagpapatuloy niya.
"I-cant- breath." Pag aarte ko kaya ay napabitiw agad siya saakin kaya ay napahalak hak ako ng sobra dahil sa reaksyon ng mukha niya.
"Pfttt joke lang. Peace." Natatawang itinaas ko ang kamay ko at nag peace sign. Tinignan ko ang itsura niya at para siyang binagsakan ng langit at lupa.
"Pinagtatawanan mo ba ako ha!?" Biglang seryosong tanong niya saakin kaya ay napaseryoso na ngayon ang mukha ko at napatigil ako sa pag tawa.
"Off course not. Napaka seryoso mo kasi and i dont like seing you like that." Sabi ko at natawa ulit. "Tsaka pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga. Bukas na lang natin pag usapan ang pahkakamali ng bawat isa ha. Sige good night. Paki lock na lang ang pinto kung lalabas ka sige." Sabi ko at tumalikod tsaka pumunta sa kama at humiga na.
Nag arte pa ako na parang inaantok tsaka ko siya nilingon, titig na titig lang siya saakin kaya ay ngumiti ako sa kaniya at nag wave tsaka ako tuluyang humiga patagilid sa kaniya.
"So tutulugan mo talaga ako ng hindi man lang nakikipag bati saakin?" Bakas na ang inis sa boses niya pero hindi ako sumasagot.
"Hindi ka babangon dyan? Sige na kasi makipag bati ka na. Baka bangungutin ako nito pag hindi mo pa ako pinatawad." Atungal niya pero hindi parin ako kumikibo.
"Inaantok na rin ako Romelyn. Kaya sige na patawarin mo na ako. Hindi kaba naaawa sa kakyutan ko ha?" Napabiling naman ako at tinignan ko siya.
"Mahiya ka Eidren baka hanginin ako ng wala sa oras dito oh. Tsaka kung matutulog ka, pwede ka ng lumabas. My door is widely open para lumabas ka. Kaya please kung ayaw mo namang matulog, magpatulog ka ha." I said at humiga ulit.
"Eh ayaw ko nga na matulog kung galit ka." Napabuga na lang ako ng hangin tsaka nagsalita
"Fine, hindi na ako galit. Sige na lumabas kana." Saad ko pero kabaligtaran ang nangyari.
"Talaga? Okay sige dito nalang ako matutulog. Tabi nalang tayo." Napatili ako ng bigla siyang tumalon sa kama at humiga sa tabi ko.
"Ano ba Eidren. Dun ka na sa kwarto mo. Wag dito ang pangit tignan oh. Lalaki ka at babae ako baka magka pakwan ng wala sa oras ang tiyan ko!" Inis na sigaw ko sa kaniya at pilit na tinatanggal ang kamay niya nakalagay sa bewang ko.
"I didnt do something i just want to cuddle with you tonight." Mahinahong sabi niya habang nakapikit ang mga mata.
"Kahit na! Hindi ako sanay na may katabing lalaki. All my life natutulog akong mag isa kaya please dun ka na lang." inis na sabi ko at lilit tinatanggal ang bakal niyang kamay na nakayakap sa bewang ko.
"Payagan mo na akong matulog katabi ka. Just to be with you tonight. Plain and simple sleep habang katabi ka." Napabuntong hininga na lang ako at kahit anong gawin ko ay hindi ko na matanggal ang kamay niya sa bewang ko.
"Im tired to argue with you. Kaya payagan mo na ako. Kung dun pa ako matutulog baka sa sahig na ako magpalipas ng buong magdamag. Brook at ang iba ay nasa kwarto ko na panigurado kaya please dito na lang muna ako." Bakas ang pagmamakaawa sa boses niya kaya wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang.
"Okay fine. Sige jan ka sa kama at ako sa sofa. Ayoko na makatabi ka no. Lalaki ka pa din baka mamaya matukso ka sa kagandahan ko at kung ano nalang ang sumanib sayo at magawa mo ang kinatatakutan ko." may bahid ng takot na sabi ko kaya ay tumayo ako ng lumuwag ang pagkakayakap niya saakin.
Nakatapak na ako sa sahig ng bigla niya akong hatakin pabalik sa kama at yakapin ng buong katawan niya.
"Tae ka Eidren ahhh!!" Inis na sigaw ko at pilit kumakawala sa yakap niya. Pano ba naman kasi pati paa niya ay naka pulupot sa katawan ko.
"Shit ka humanda ka sakin pag ako nakawala rito." Inis na bulyaw ko.
"Its not gonna happen. Matulog kana." Bulong niya saakin at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
'Pak'yu kang Eidren ka. Kahit ganon ang naramdaman ko still parang masarap rin na makatabi siya kahit papaano. Just one night. Then bukas ay hindi na. Kaya okay na rin siguro.' sabi ko sa sarili ko at hindi na gumalaw.
Dahil kung pilit akong kakawala ay mas lalo lang niyang hinihigpitan ang kapit saakin.
Haist ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil inaantok narin ako.
***
ALL RIGHT RESERVED
BINABASA MO ANG
Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING)
RomanceRomelyn Hillary Santivañez is an independent woman. She have a mother who only wants is to drink. Her father left them when she was only ten years old. The only thing she was know that time ay ang maging proud sa kaniya ang mga magulang niya. Per...