ROMELYN'S POINT OF VIEW
***HINDI na ako nagdalawang isip na umalis ng resort dahil sa natanggap kong tawag kaninang umaga. Hindi na ako nakapag paalam dahil sa sobrang gulat na naramdaman ko kanina ng sinabi saakin na naaksidente si mama.
And now nasa hospital na ako at papunta kung saan sinabi ng nurse naka confine si mama.
Inilihis ko ang green curtain at bumungad saakin ang natutulog na si Mama.
Tinignan ko ang buong kwarto at nakita ko kung sino ang nagbabantay sa kaniya.
"Dianne.." mahinang tawag ko sa pangalan ni Dianne. Nag angat naman siya ng tingin sa akin at biglang napatayo.
"Ate.." bulalas niya.
"Ano ba ang nangyari kay Mama jusko naman oh." Nanginginig na sabi ko at mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila.
"Nasobrahan si tita sa sobrang kalasingan kaya naaksidente sa daan. Nakausap na namin ang driver na nakaaksidente at makakasuhan daw kung hindi tutulong sa gastusin ng ospital." Paliwanag niya kaya napatango tango naman ako.
"Eh anong sabi ng mga doctor sa lagay ni mama?" gagad na tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay ni mama at hinalikan ko iyon. Nag sisimula ng mamalibis ang luha sa mga mata ko.
"Maayos na daw siya sa ngayon. May mga test pa na gagawin kung may mga injuries na natamo siya sa katawan. Pero ngayon mag pasalamat na lang tayo at hindi masiyadong malala ang mga injuries niya sa katawan." Pag papalubag loob ni Dianne saakin na tinanguan ko naman.
"Kumain kana ba?" Tanong ko ng makalipas ang mahabang minuto. Tumayo muna ako at tinignan ko siya.
"Hindi pa ate. Simula kasi kagabi na isinugid siya ay walang magbabantay dito kaya kahit mag palit ng damit ay hindi ko magawa. Medyo sumasakit na rin ang sikmura ko." Naawa naman ako sa mga sinabi niya kaya ay tumango tango ako.
"Ah ganon ba. O 'siya sige. Dito ka muna at bibili lang ako ng pagkain nating dalawa." Sabi ko na tinanguan naman niya.
"Sige ate. Mag iingat ka." Sabi niya at umupo sa upuan sa tabi ng kama. Tumango na lang ako sa kaniya at lumabas na. Isinarado ko ulit ang kurtina at bumaba ng lobby para bumuli ng pagkain sa canteen.
May nakita kasi akong canteen na hindi kalayuan sa main lobby at tanaw lang kung papasok ka naman sa loob. Dun na ako dumeretsyo at maagap an bumili ng pagkain na sasapat saaming dalawa.
Si Dianne nga pala ay pamangkin ni Mama at sumatutal ay pinsan ko siya. Pagka bigay ko ng bayad ay kinuha ko na ang order ko at pumunta ulit sa kinaroroonan ni Mama ng bigla na lang may humablot ng kamay ko na siyang ikinagulat ko ng todo.
"EIDREN?!" Napatili ako sa sobrang gulat ng maulinagan ko ang gwapo niyang mukha sa harapan ko.
"Your leaving without any consent from me! Alam mo ba na sobra ang pag aalala ko nung mapagtanto naming nawawala ka!" Napatingin naman ako sa sahig dahil sa sinabi niya.
"Im sorry.." mahinang bulong ko sakaniya. Nagulat nanaman ako ng bigla niyang akong hagitin at ikulong sa kaniyang bisig para sa isang mahigpit na yakap.
"Sobra akong nag alala Romelyn.. Para akong nawalan ng dugo sa katawan ng hindi kita makita sa kahit saang sulok ng resort. Sa susunod wag mo na akong iiwan please." Napayakap na rin ako sa kaniya at bigla nalang may lumabas na luha sa mga mata ko. Dahil para siyang batang humihingi ng candy saakin.
"I-im sorry.. Sobra lang rin akong nabahala kanina ng tumawag saakin ang pinsan ko na naaksidente si Mama. Hindi na ako nakapag isip pa dahil pinangunahan na ako ng takot at kaba." Paliwanag ko sa kaniya at kumalas ng yakap. Hinawakan naman niya ang mukha ko at pinunasan ang luha sa mata ko.
"Its okay. Naiintindihan ko pero sa susunod huwag ka ng aalis ng hindi nag papaalam. Para kasi akong tanga kanina na naghahanap sayo sa buong resort pero maski anino mo ay hindi ko nakita. Akala ko mamamatay na ako sa sobrang kaba dahil akala ko may nangyari ng masama sayo. Kung meron man hindi ko matatanggap yon." Mahinahon niyang paliwanag kaya ay marahan lang akong tumango at tumingin sa kaniya.
"Hindi ko na uulitin." Mahinang bulong ko sa kaniya na ikinatawa naman niya ng mahina.
"Its fine. Ayos na yon, nakaraan na yon and ikaw na ang future sa ngayon. Kaya halika na sa kwarto ni tita para makamusta ko siya." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinila papunta at dumaan sa hallway.
Ngayon i realized one thing. Gagawin niya ang lahat at kahit ikamatay sa buo niyang pagkatao ay susundan at susundan niya ako kahit saan ako magpunta.
Parang hinahaplos ng malamig na kamay ag puso ko at isinisigaw ng utak ko na bakit hindi ko siya pwedeng pagbigyan.
Mapagmahal siya at alam ko na hindi niya ako sasaktan pag dating ng panahon na gagawin ko ang desisyon na magiging kami rin sa huli.
Itinuro ko ang daan patungo sa kwarto ni Mama. Inihawi ni Eidren ang kurtina at pumasok kami sa loob niyon.
Binitawan na niya ang kamay ko kaya ay lumapit ako kay Dianne at ibinigay ang celophane na hawak ko at ipinahanda na iyon sa kaniya. Tinignan ko naman si Eidren na umupo sa tabing upuan ni Mama at hinawakan ang kamay nito tsaka mahinang nagsasalita.
"Hey, tita... Wake up na." He calmly said.
"Si Romelyn oh.. look at her, ang aga na pumunta dito kasi naaksidente ka daw. Para akong pinatay kanina sa sobrang kaba ko nung nalaman ko na wala na siya sa resort. Pag gusmising ka ha pagalitan mo siya." Natatawa naman ako ng mahina dahil sa mga kagaguhang ibinibulong ni Eidren kay mama. Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
""Dont mind him ma. Nababaliw nanaman yan. But seriously sana gumising kana. Madami pa akong sasabihin sayo at i just want to say sorry for what i've done." Nakangiting saad ko.
Napatingin naman saakin si Eidren at hinawakan rin ang kamay ko ng libre niyang kamay.
"Tita will be fine soon. And i believed magkakabati rin kayo at masasagutan rin lahat ng mga tanong na gusto mong malaman." Nakangiti niyang sabi para palubagin ang loob ko. Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ngumiti rin pabalik.
"Thank you Eidren.. im thankful because your here. Basta salamat ng marami." I said and smile.
"Your very much welcome Rome.. Dont mention it." He said too kaya nag ngitian na lang kami.
Tinignan ko na lang si mama namahimbing na natutulog sa kama at hinayaan ko na lang ang mata ko na titigan siya hanggang sa magsawa ako.
***
ALL RIGHT RESERVED
BINABASA MO ANG
Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING)
RomansRomelyn Hillary Santivañez is an independent woman. She have a mother who only wants is to drink. Her father left them when she was only ten years old. The only thing she was know that time ay ang maging proud sa kaniya ang mga magulang niya. Per...