CHAPTER 8

166 48 2
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

Dahil nganagugutom na kaming pareho dahil sa walang sawa niyang pag jojoke at pag mumukhang tanga ay bigla na lang kaming nakaramdam ng gutom.

Iginaya naman niya ako papasok sa loob ng restarant na nakita namin kanina ng nung napag pasiyahan naming kumain.

Pagkapasok ay hinarap naman kami ng isang mainit na pagtanggap nila saamin.

"Magandang tanghali, maam and sir. Welcome to the Ocean deep resort. Tara po kayo at ipupunta ko po ang magiging table niyo." Masayang sabi saamin ng babae kaya ay sumunod na lang kami sa kaniya.

Iginaya niya kami patungo sa dulong bahagi ng lugar kung saan mas kita ang dagat at tabi ng malaking salamin.

"Here's your table ma'am and sir. I hope you like it." Nakangiting turan niya na tinanguan ko lang. Iniatras ni Eidren ang bangko at inalalayan akong umupo. Tsaka siya sumunod na umupo sa upuan sa harap ko.

"Amm ano yung mga pagkain niyo dito?" Tanong ni Eidren na mabilis namang sinagot ng babae. Edi sila na charot.

"Ang best seller po namin ang smoked salmon, this smoked salmon have a avocado ang grapefruit to the rescure on a bed of salad greens, added by poppy seeds and generous pour. This salad is the most favorite food ng mga turista at mga nag didiet na nag pupunta dito." Paliwanag ng babe at inilapag ang isang plate ng smoked salmon daw na sabi niya.

Maganda ang plating and my mouth started to watered. Nakakatakam parang gusto ko ng kumain.

"Eto lang ba?" Tipid na tanong ni Eidren sa babae na ikinailing naman ng isa.

"No sir. Heres the menu. You can choose the food you wanted." Bigay saamin ng babae at tinignan ko yun lahat at lahat naman masarap kung titignan pero isa lang ang nakapukaw ng attention ko.

"Hmm.. I want this one. This Sweet and spicy wings. And one mocktail ." Nakaiti kong ibinigay pa balik ang menu at ngumiti rin naman saakin ang babae. Tumingin ito kay Eidren at para pang nag papacute.

Tinignan ko si Eidren but he just busy looking at the menu.

"Give me a seafood salad and one fruitcocktail. " sabi naman niya at walang ka reaksyon ang mukha niya tinignan ang babae. Para namang na disapoint ito at nawala ang ngiti sa labi pero saglit lang iyon tsaka nagpaalam na.

"Sige po maam and sir. Maiseserved ang mga order ninyo pagkalipas ng ilang minuto. Maiwan ko na po kayo." Sabi ng babae at hindi na tumingin samin pareho. Siguro ay napahiya dahil hindi man lang siya binigyan ng onting pansin ni Eidren, nalulungkot tukoy ako haist.

"Eidren..." malungkot kong tawag sa pangalan niya at malalim na bumuntong hininga.

"Oh why?" He ask at nakita ko na nakatitig lang siya saakin at nangalumbaba.

"Alam mo, bagay kayo ni ateng Waiter. Crush ka ata non eh." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya. Bigla naman nawala ang anumang reaksyon sa mukha niya na ikinapagtaka ko.

"Why, dimo ba crush si ateng waiter? patulan mo na kasi tanda mo na eh, para hindi sayang ang lahi ng Dela Virgo." Nakangiti kong sabi sa kaniya at itinaas taas ko pa ang kilay ko.

"Shut up!" He said at sinamaan ako ng tingin na hindi ko nalang pinansin.

"Eh bakit ka galit?" Tanong ko sa kaniya at inirapan siya.

"Eh bakit kasi ipinipilit mo ang taong hindi ko naman binibigyan ng pansin. I dont lik her anyway." Nag baling siya ng tingin sa dagat at hindi man lang ako pinansin.

"Tss napaka landi kasi eh." Bulong ko sa sarili ko at tumingin sa gilid ko.

"Anong sabi mo?" Tanong niya kaya ay napatingin ako sakaniya.

"Wala, ang sabi ko ang tagal ng pagkain nagugutom na ako." Sabi ko sa kaniya at uminom nalang ng tubig.

"Dat kasi ipinagluto nalang kita sa loob ng kwarto eh." Sabi niya at pinaglalaruan ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Eh bakit kasi naisip mo na dito kumain. Marunong ka namang magluto. Tas ako na lang taga kain mo haha." Sabi ko at natawa.

"Yeah tumataba ka na nga sa sobrang dami ng kinakain mo sa araw araw. Hindi na kita magugustuhan niyan, lumalaki na katawan mo eh." Sabi niya na ikinatingin ko sa kaniya ng masama. Pinalo ko nga ang kamay niya.

"Ang kapal ng mukha mo. Eh ano naman kung hindi moko magustuhan. Hoi hindi naman kita type mo. Ang pangit mo kaya." Pang tutukso ko sa kaniya kaya ay binato niya ako ng petals ng rlse na nasa ibabaw ng mesa.

"Gwapo naman ako, mayaman at mabait pero bat sayo di tumatalab ang charm ko? Ano pa bang kulang sakin?" Naging seryoso na siya kaya medyo na guilty ako.

"Woi joke lang naman yun eh. Hindi naman totoo yun, you deserve to be love at kung sino man ang babaeng mag mamahal sayo, ay ang swerte niya dahil isang Eidren Dela Virgo ang nag mamahal sa kaniya." Malambing na sabi ko at ngumiti. Hindi parin nag babago ang expression niya kaya ay nagtaka ako.

"Bakit nanaman ganiyan ang mukha mo? Puro pag pupuri na ang sinabi ko ah, nag kakasala na ako sa sobrang kasinungalingan haha" pag papagaan ko ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Hindi naman kasi papuri ang ginawa mo, pang iinsulto eh tsk." Napairap naman ako dahil sa turan niya.

"Hoi hindi pang iinsulto ang sinasabi ko. Siraulo ka talaga." inis na bulyaw ko sa kaniya at sakto naman na dumating ang order namin. Hindi na ang babae kanina ang nag serve kundi ang iba pa nitong kasamahan.

Pag ka lapag ng mga pagkain ay umalis rin ito kaagad kaya ay kinuha ko na ang spoon and fork para tikman ang pagkain na gusto ko.

"Hoi hinay hinay lang ahh baka hindi ka matunawan." paalala ni Eidren kaya ay sinamaan ko siya ng tingin at iniamba sakaniya ang tinidor na hawak ko.

"Eh kung isalaksak ko to sa leeg mo para paglamayan ka na kaagad." Inis na sabi ko at kumain na lang.

Narinig ko naman siyang tumatawa pero kinakain rin ang salad na inorder niya.

"Kadiri niyang inorder mong Seafood Salad. Look oh, mga raw seafoods pa. Hate na hate ko talaga ng gusto mo." Pahayag ko ng makita ang kabuuan ng salad na inorder niya.

Pano ba naman kasi parang pinakuluan lang sa mainit na tubig ang mga seafoods at nilagyan lang ng kung ano anong ingridients at pinaganda ang plating pero nandidiri talaga ako sa kulay at itsura non.

"Edi wag mo kasing tignan. Masarap naman siya kahit papaano. Kumain ka na lang jan." Sabi niya kaya ay hindi na ako nag salita at kumain na lang kami ng sabay. Napailing na lang talaga ako sa kapangitan ng itsura ng salad niya. Makikita ko palang ay parang gusto ko ng masuka.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon