CHAPTER 13

101 7 1
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.



**********

"Hey, I need to tell you something", panimula ko habang nagddrive siya.

"Ano yun?", tanong niya kaagad. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung tungkol kay Justine kasi alam kong kahit na sa anong paraan ko sabihin yun sa kanya ay masasaktan ko pa rin siya.

Sinabi ko na lang sa kaniya na mamaya ko na lang sasabihin pagkadating namin sa bahay. Nang matanaw ko na ang bahay ay bigla akong kinabahan.

"We're here! Ano yung sasabihin mo?", excited niyang tanong saakin. Kita ko ang kislap sa mga mata niya na tila naghihintay ng isang goodnews mula sakin. Ang saya-saya niya at alam kong hindi niya deserve ang sakit na ipaparamdam ko sa kanya, but I'm not selfish. Ayokong ipagkait sa kaniya yung katotohanan.

"Last night, Justine and I talked about us.. me and him", panimula ko. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya bago niya ako iwasan ng tingin.

"Then?", he asked.

"He asked me na, what if walang tayo, may pag-asa daw ba siya", pag-ulit ko sa sinabi ni Justine sakin kagabi.

"Anong sinagot mo?"

"Siguro, siguro oo, siguro hindi. Hindi ako sigurado. Sinabi rin niya sakin na, mahal niya pa rin ako and I-I got confused. My feelings were confused. Hindi ko na alam", pag-amin ko sa kaniya.

He doesn't deserve the pain, but he deserves the truth.

"Mahal mo ba ako?", he asked me all of a sudden. Nabigla ako sa tanong niya dahil hindi ko inaasahan yun. Agad akong napatingin sa kaniya at dahil dun ay nagtama ang mga mata namin. Nakikita ko sa mga mata niya na he's hoping, but hey, I don't want to lie.

"O-oo", sagot ko. Nakita ko na nabuhayan ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Bilang ano?", pahabol nitong tanong.

"Sa totoo lang, sigurado akong mahal kita bilang kaibigan. Pero bilang lalaki, hindi ko alam", mapakla siyang napangiti dahil sa sagot ko.

"Then you still love him. Mahal mo pa si Justine at hindi ako siya. Paano ko nasabi? Zaylee, with or without explanation, alam kong alam mo yung dahilan. Alam naman nating pareho na masyado tayong naging mabilis, sinagot mo ako nung mga panahong nasasaktan ka dahil kila Chloe at Justine. Masakit para sakin yun, nasasaktan ako sa tuwing pumapasok yun sa isip ko, pero alam mo", tumigil siya sa pagsasalita para punasan ang mga luha niyang nag-uunahan na sa pagbagsak.

"Kahit na alam kong mahal mo pa rin si Justine, kahit na alam kong natabunan lang ng galit at selos yung pagmamahal mo sa kaniya, kahit na alam kong talo pa rin ako sa kaniya— Zaylee, wala akong ginawang pag-iwas sayo, bakit? Kasi gusto kong sakin ka na lang muna", dahil sa sinabi niya ay hindi ko na din napigilang umiyak.

"I'm sorry Mark", saad ko. Wala akong ibang masabi kung hindi humingi ng tawad sa kaniya. Kasalanan ko rin naman, nagmadali ako at umasang magugustuhan ko din siya tulad ng pagkagusto niya sa akin. Ang lagay tuloy ngayon, parang ginawa ko siyang panakip-butas.

"Don't be, pinili ko din 'to eh", hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha ko.

"Wag ka na umiyak, sige ka magiging bruha ka niyan", saad niya na tila pinapagaan ang pakiramdam ko.

"Sinasabi mo yan sakin without knowing na umiiyak ka rin naman", biro ko din sa kaniya kaya pareho kaming nagpalitan ng isang tipid na ngiti.

"Anong plano mo?", tanong nito sa akin na parang mag tropa lang kami at hindi ko siya nasaktan.

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon