CHAPTER 4

311 15 6
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, para akong naistatwa sa pagkakaupo.

Parang pinipiraso yung puso ko hanggang sa maging abo.

Bakit niya nagawa yun?

Akala ko ba– ako lang?

Bakit may ganun?

Gusto ko silang lapitan at bigyan ng isang libong sampal tig-isa pero hindi ko kaya, hindi ako makagalaw. Para akong binuhusan nang malamig na tubig.

Tatayo sana si Mark pero pinigilan ko sya at umiling.

"Wag na, h-hayaan na lang natin. Tukso lang yan", ang sakit na sobra. Ang hirap i-sink in sa utak ko yung nangyayari.

"Zaylee naman! Niloloko ka na nung g*go harap harapan tapos babalewalain mo lang!?", saway ni Mark saakin.

"Don't worry, I can s-still handle it", sagot ko sabay ngiti.

"Umuwi ka na Mark, uuwi na rin kami", narinig kong saad ni Lisa.

"N-no, si d-dad pa", angal ko pero pinilit pa rin nila akong umalis na.

"Kahit minsan lang Zaylee, isipin mo rin yang sarili mo", bulong sakin ni Lisa kaya wala na akong nagawa kundi umiyak na lang hanggang sa makauwi kami sa bahay naming pito.

Sino ba namang hindi iiyak kung makikita mo yung taong mahal mo na nakikipaghalikan sa iba, diba?

Alam kong pagpapaka tanga yung ginawa ko kanina, pero ginawa ko yun kasi gusto kong sya mismo ang umamin na may nangyayari nga sa kanila ni Chloe. Ayaw kong marinig sa iba, gusto kong magmula sa kanya.

Magbubulag bulagan muna ako, pansamantala.


**********

K I N A B U K A S A N

Pagpasok ko sa room ay nakita ko kaagad yung dalawa. Nginitian ko pa si Justine.

"Bakit hindii ka pumunta sa hospital kahapon?", tanong ko.

Tinapunan lang nya ako ng tingin bago tumingin sa harapan at sagutin ang tanong ko.

"Hinatid ko pa si Chloe sa kanila, ginabi na ako nung pauwi kaya hindi na ako nakapunta", paliwanag nya.

Inasahan ko pang magsorry sya pero wala akong natanggap na kahit na ano.

"Si Chloe, paano naman ako?", bulong ko na sapat na para marinig nya.

Tiningnan nya ako na parang wala akong halaga sa kanya.

"Tine!", pagtawag ni Chloe sa kanya kaya sa kanya nabaling ang atensyon ni Justine.

Pagkaharap na pagkaharap ni Justine kay Chloe ay isang masayang mukha ang nakita ko.

Ano ba kasing nagawa kong mali?

Meron ba?

"Tara sa rooftop?", tanong ni Mark.

"May klase pa—", bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay hinila na nya ako papunta sa rooftop.

"Bakit mo ba ako dinala dito?", tanong ko sa kanya.

"Para makalanghap ng sariwang hangin", sagot nya.

"Hindi ko kailangan yan, si Justine ang kailangan k—"

"Puro ka naman Justine, sinasaktan ka na nga nung tao, siya pa rin naiisip mo"

"Anong gusto mong gawin ko? Maghanap ng panakip butas para lang makalimutan sya? Mali naman ata yun"

"Nandito pa naman ako Zaylee, pwede namang ako yung pagtuunan mo nang pansin kaysa jan sa t*nginang Justine na yan na paulit ulit ka lang sinasaktan"

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon