(A/N: not sure when will be my next update, sorry)
THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.
**********
"Ang tapang mo dun Zayl, that's what she deserve, sobrang nakakairita sya", saad ni Ash nang makasakay kami sa van.
"Girls dapat di nyo na lang pinatulan yun, it's just a waste of time", saad naman ni Mark na katabi ni manong driver.
"Eh anong sa tingin mo yung dapat naming gawin aber? Hayaan sya na ganun ganunin si Zaylee?", mataray na tanong ni Astrid.
Hindi na nakapagsalita si Mark dahil sa tinanong ni Astrid kaya napailing na lang ako.
"You okay?", napalingon ako kay Lisa. Tinanguan ko sya bilang sagot.
"Ikaw? Ayos ka lang?", tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung pisngi nyang namumula.
She smiled at me before she nod.
"Isa pa talagang manakit yang si Chloe, di na ako magtitimpi sa kanya", banta ko pa.
"Manong tara po sa bahay", saad ni Hadley kay manong kaya ayun sinimulan na nyang paandarin ang makina ng van.
"Anak ng—", saad ni manong na ikinagulat namin.
"Ano pong problema?", magalang na tanong ni Azaria.
"Ayaw umandar ng van, iha"
Binuksan ni manong ang pinto at lumabas sya. Nakita ko pang napakamot sya sa ulo nya na parang ang laki ng problema.
"Don't tell me flat ang gulong?", saad ni Ash na nagppredict.
Pati kami ay lumabas ng van at nakita nga naming flat ang nasa harap na gulong. Napabuntong hininga na lang ako. Someone did this.
"Hi girls!", napalingon kami sa anim na lalaking kakarating lang.
"Anong problema— ohh bakit naflat gulong nyo?", tanong ni Em.
"I think someone did this, araw araw chinecheck ni manong yang gulong bago kami umalis sa bahay kaya imposibleng maflat na lang yan bigla", saad ko.
Nagkatinginan kaming pitong babae at sabay sabay na tumango.
It's Chloe.
Agad kaming naglakad sa room namin nila Chloe, nakasunod naman saamin yung pitong lalake.
Pagkadating namin sa room ay si tita Joyce na lang ang nandun kasama ang dalawang lalaki na naglilinis.
"Oh bakit parang nagmadali kayo papunta dito? May problema ba?", tanong saamin ni tita. Napalingon saamin yung dalawang lalaki at biglang natulala. Psh.
"Si Chloe po tita, alam nyo kung nasaan?" tanong ko kay tita. Napatango naman bigla si tita nung natanong ko yun.
"Kung di ako nagkakamali ay magkasama sila ni Justine papunta dun sa club nila", saad ni tita kaya agad akong nagpasalamat.
Naglakad na kami papunta sa music club na kung saan nandun daw sila.
Pagkadating namin sa harap ng music club ay sobrang tahimik, halos wala kaming marinig na tunog ng instrumento.
Nakasarado din pareho ang pinto.
Sumilip ako sa bintana pero dilim lang yung nakikita ko.
"Hmmmm that's it"
Agad akong napalayo sa bintana habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko.
"What the heck was that?", pabulong kong saad.
BINABASA MO ANG
She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]
RandomSTART: March 28, 2020 END: January 21, 2022 This story is all about a couple who will be facing more challenges in their relationship. They started as a friend and ended up as a lover. Sa tingin niyo, makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kakahara...