CHAPTER 10

266 15 7
                                    


(A/N: Not sure when will be my next update. Thank you for waiting even though y'all are waiting for so long. Don't worry, I will do my best to create great scenes)

THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.



**********

"Anyway mga anak, susunod dito ang mga kapatid nyo", saad ni mom na mas lalong ikinagulat namin.

"Why so sudden?", sabay sabay naming tanong.

"Let's bond together mga anak. Minsan na nga lang eh, ayaw nyo ba?", malungkot na tanong ni tita Claire. Hadley's mom.

"No tita, gusto po namin. Ahm, di po kasi kayo nagpasabi, sana naman po nakapag ayos po kami dito sa bahay at nakabili ng pagkain", sagot ni Azaria.

"Yung mga kapatid nyo na ang bahala sa pagkain, sinabihan na namin sila na sila na ang bahala dun", paliwanag ni tita Claire.

*Ting!*

Taranta kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko at tiningnan ang nag text.

Mark: Don't panic, my Zaylee. Stay calm. Hindi ako lalabas dito hangga't wala kang sinasabi. Enjoy there. I love you <3

Napangiti ako.

Zaylee:  Thank you. Pupunta ako jan mamaya.

"Girls, i-tour nyo naman kami dito sa bahay nyo habang wala pa ang mga kapatid nyo", saad ni tita Ica. Lisa's mom.

"Pero kayo po nagpagawa nito diba? Then you must know every parts", saad ni Lisa.

"We want to look at it in person", sagot naman ni tita Ica.

Mahaba habang tour to. Hays.

Tumayo na sila. Nag umpisa kami sa kitchen at agad na nag flashback yung nangyari saamin ni Mark kanina.

"Hey namumula ka. May nangyari sa inyo ni Mark noh?", usisa sa akin ni Lisa.

"H-ha?"

"Nevermind", tinawanan pa nya ako. Bad.

"Memories bring back~ memories bring back you~", pagkanta pa nya para mang-asar. Kagigil.

Sunod naman naming pinuntahan ang library room.

"Dito po madalas tumambay si Eli the bookworm", paliwanag ni Ash dahil sya ang nagttour.

Sunod naman ang rehearsal room, kung saan kami nagpractice dati.

"May naalala ka na naman noh?", si Lisa ulit. Tiningnan ko sya at ngumiti ng slight.

"Makaka move-on ka din, trust me", pag comfort pa nya sa akin.

Music room. Daming memories amp. Mga memories na mananatiling memories na lang.

Arcade room. Maliit lang sya, ewan ko kung bakit tinawag na arcade room to eh isang malaking screen na nasa harap lang naman nandun sa isang gilid. Then sa harap nung screen na yun may nakalatag na malambot na pwedeng higaan o upuan lang. Then sa gilid, nandun nakalagay yung isang shelf nang mga pwedeng laruin na naka cd. Sa tabi nun nakalagay yung mga ps4's, remote, at kung ano ano pa. May snack naman sa kabilang gilid at may ref rin para sa mga drinks. Dim lang rin ang light kaya masarap tumambay dito.

Movie room. Katulad nung sa arcade room, may malaking screen din dito. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa, may mga sofa dito na iba't ibang size, syempre para enjoy manood. May snacks rin at ref. Yung remote nandun nakalagay sa mahiwagang box, baka daw mawala eh.

Gym. Of course mga pang exercise na gamit nandito. Pagkapasok may cabinet na lagayan ng towels pamunas ng pawis. At kung ano ano pang makikita sa gym.

Laundry room. Maliit lang din, parang isang studio ganun. May apat na washing machine at apat rin na dryer. Mga tamad maglaba eh HAHAHAHA.

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon