- 10 YEARS LATER -
ZAYLEE'S POV
"Zatine! Come here! Nandito na mga ninangs mo!"
Busy akong nag-aayos ng lamesa katulong ang mga maids namin dito sa bahay. Its Zatine's birthday, my princess.
"Hi mommy! And Ninangs!"
We look at her with a smile on our faces. She looks like a princess, for real. Lumapit siya sa amin then she kiss each of our cheeks.
"Zaylee, sayo talaga nagmana tong si Zatine. She's pretty like you. Kuhang kuha niya sayo ang ilong, bibig, lahat na!", saad ni Astrid kaya nagsitawanan kaming magkakaibigan.
Nasa labas ang mga asawa namin, nagluluto ng barbecue and kung ano-ano pang mga inihaw. Gusto daw nila yun eh, kung makapag request naman sila ay akala mo sila ang may birthday.
"Mommy! I heard na we will have a new neighbor daw po. I'm excited to have a new playmate", my daughter said excitingly.
"Daig mo pa si mommy humagip ng chismis ah", pabiro kong sabi that's why she giggles.
"Ayaw mo na ba kalaro mga anak namin Zatine? Sad na si ninang", pag-iinarte naman ni Lisa kaya nagsunudan naman sa pag-arteng nasasaktan ang iba niyang ninang.
"No naman po ninangs. I love playing with them but I don't know po kasi, I'm just so excited sa new neighbor namin. New playmate! And I heard daw po na he's pogi", halatang kinikilig siya while imagining the guys face.
She's too young to have a crush pero di ko siya pipigilan. Crush lang naman, she knows din kung tama ang ginagawa niya o hindi. She's young but matured mag-isip that's why I trust my princess.
Maya-maya pa ay dumating na sila Justine na may mga dalang mga inihaw kasama ang ibang mga kids.
We ate while having a chikahan. Andami nilang inirereklamo sa mga asawa nila at anak. I can't believe na aabot kami sa punto na magkakasama pa rin kami hanggang ngayon.
"Mommy! Daddy! Nanjan na yung new neighbor natin! Let's greet them please~", she gave us the cutest puppy eyes kaya pumayag na rin kami. Para na rin mainvite namin sila sa small party ni Zatine.
Karga ni Justine si Zatine habang nasa likod naman nila ako. Naglilipat sila ngayon ng mga gamit kaya baka i-decline nila ang invitation namin.
We saw a little boy na ka-age lang din siguro ni Zatine, he's playing with his car toys.
"Mommy that's him!"
Lumapit kami sa batang lalaki para batiin and iask kung nasaan ang parents niya but I am too stunned to speak nung humarap siya saamin.
He looks exactly like Mark!
He smiled at me. Even his smiles looks like him!
"Hi po, ano pong kailangan niyo?", the little boy asked us.
"Hello! I'm Zatine and this are my parents. We are neighbors, that is our house oh. Gusto ko sana kayong iinvite ng family mo sa birthday ko, diba po mommy and daddy?"
I was taken a back nang tanungin kami ni Zatine. Si Justine ang sumagot ng 'oo' habang ako naman ay tumango lang.
"You okay?", he asked me.
"He look likes Mark", sagot ko sa kanya na ikinatango naman niya. After ten years ay nandito pa rin yung trauma ko sa nangyari.
"Anak! Marcus!", lumapit ang isang babae na halos ka-edad ko lang rin siguro. Hindi niya ata kami napansin dahil dire-diretso niyang hinubad ang damit ng kanyang anak upang palitan ng bago, mas kumportableng damit.
Itinalikod niya sa amin ang batang lalaki kaya nakita ko ang balat nito sa likod.
Is reincarnation possible?
Nang mapansin na kami ng kanyang ina ay inimbita namin sila sa bahay, agad silang sumang-ayon. Mababait naman sila pero di pa rin matanggal sa isip ko ang similarities ni Marcus kay Mark.
Ikinwento ko ito sa mga kaibigan ko pagbalik sa bahay, kaya nagulat rin sila ng makita si Marcus.
"Possible kayang nareincarnate si Mark as Marcus?", tanong ni Eli. May mga sumagot na oo at hindi naman siguro sa kanila. Nanatili akong tahimik.
Naglalaro sila ngayon malapit lang sa amin. Zatine and Marcus has a chemistry even though they are still a little kids.
"I am a princess here in our house eh. My mommy and daddy is the queen and king", kwento ni Zatine kay Marcus. Kita ko sa mukha ni Marcus na parang nag-iisip siya.
"If you're the princess, can I be your prince? A prince that can also be a shield to his princess".
- THE END -
BINABASA MO ANG
She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]
De TodoSTART: March 28, 2020 END: January 21, 2022 This story is all about a couple who will be facing more challenges in their relationship. They started as a friend and ended up as a lover. Sa tingin niyo, makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kakahara...