[ A/N: So, hi everyone. Hope you like this chapter :) ]THIS CHAPTER IS DEDICATED TO @ainahdLna_crsstm AND ALSO TO YOU.
*********************
"Si kuya Justine", sabay nilang saad.
Galit.
Yan ang unang emosyon na naramdaman ko, sumunod ay ang pagka-miss.
Ewan.
Ang weird.
Humigpit ang pagkakahawak ni Mark sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, nginitian nya ako.
"Sa dami nang ginawa nya kay Zaylee, may lakas ng loob pa syang natitira para pumunta dito. Aba ang angas naman pala ng ex mo Zaylee", saad ni Astrid.
"Anak, ano bang ginawa sayo ni Justine?", curious na tanong ni mom.
Sa halip na sagutin ay, "kausapin ko lang po muna sya", saad ko.
"Sasama ako", tiningnan ko si Mark na nag-aalala ang mukha.
"No, dito ka na, ako na bahala dun", nakangiti kong saad sa kanya para mapanatag sila.
"Noona sasamahan kita", saad naman ni Klyde.
Tiningnan ko sya at umiling.
"Kaya ko yung sarili ko tsaka mag-uusap lang naman kami, no need to worry", panigurado ko sa kanila.
"Pero noona—", pilit pa nya.
"Stay here", yun na lang ang sinabi ko at lumabas na.
Dali-dali akong bumaba at nang makababa na ay nakita ko si Justine. He's wearing an all black outfit. Naka-mask pa na akala mo ay artistang nagtatago sa mga fans nya.
Nang dumako ang tingin nya saakin ay biglang lumambot ang tingin nya, parang batang nakita na ang matagal na nyang hinahanap na paboritong laruan.
"H-hey", tawag nya saakin. He's weird right now. Hindi ako makapaniwala sa mga kinikilos nya, hindi ko sya maintindihan.
"C-can I a-ahm... c-come i-in?", nag-aalangang tanong nya. Without thinking ay pinapasok ko sya at agad na sinara ang pinto.
"What are you doing here?", pagdidiretso kong tanong sa kanya nang makapasok na sya.
"I want to explain, Zaylee", saad nya habang tinatanggal ang cap, glasses at mask nya.
"Explain what?", tanong ko dahil hindi ko sya maintindihan. Ang weird nya.
"About everything", seryoso nyang sagot habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Okay?
"Speak", ayan na lang ang nasabi ko dahil sa kuryosidad ko.
"I don't love Chloe—", siya ang kusang huminto sa pagsasalita na parang inoobserbahan ang reaksyon ko.
Hindi ako nagulat.
"Alam mo Justine, kung isa to sa pakulo nyo ni Chloe para pagmukhain akong t*nga, p*t*ngina tigilan nyo na ako", galit kong saad.
Nakita ko ang gulat nyang ekspresyon, kaya napangisi ako.
"Am I right? Pakulo nyo 'to ni Chloe, right? Now, stop explaining and get out!", galit ko pa ring saad. Nakakapagod maging laruan ng dalawang tao.
"Zaylee, no. Hindi ito pakulo, nagsasabi ako ng totoo, let me explain—"
Gusto pa ng extension huh. Pinag-aralan ko ang ekspresyon nya, di ko sya maintindihan, ang labo nya.
"Zaylee, listen. Chloe was giving me death threats from the start, sabi nya ay kung di kita hihiwalayan at hindi sya ang magiging girlfriend ko, papatayin nya ang pamilya ko at...", tiningnan nya ako na parang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]
RandomSTART: March 28, 2020 END: January 21, 2022 This story is all about a couple who will be facing more challenges in their relationship. They started as a friend and ended up as a lover. Sa tingin niyo, makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kakahara...