CHAPTER 5

404 22 7
                                    


I WANT TO DEDICATE THIS CHAPTER TO @lumelayraiza and @pauleenjoie. THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!! ALSO, THANK YOU TO THOSE SILENT READERS. LOVE Y'ALL!!


**********

Habang naglalakad papuntang morge ay wala akong ibang nasa isip kundi si dad.

Hindi ako makapaniwala na yung taong kausap ko lang kanina— wala na.

Yung taong kasama ko sa lahat ng bagay— wala na.

Yung taong nagbibigay saakin ng mga advices pag nahihirapan ako— wala na.

Yung taong pinangakuan na pupunta kami sa disneyland— wala na.

Yung taong mahal na mahal ko— iniwan na kami.

Nang makarating ako sa tapat ng morge ay sinalubong ako ni mom at ni Klyde. Nakasarado ang pintuan kaya hindi ko pa nakikita si dad.

"M-mom, kausap ko lang sya kanina. Sabi pa nga nya ay pupunta kaming disneyland kapag gumaling na sya. Nag advice pa sya sakin mom, nakangiti pa sya kanina na parang ang lakas lakas na nya. Now please tell me that this is just a nightmare, m-mom, k-klyde, p-please", hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko matanggap.

"N-noona, w-wala na si d-dad", sunod sunod na iling ang ginawa ko.

No.

Dad is still alive.

He promised me many things and I'm still holding on to those promises.

Tinulak ko ang pintuan papasok sa loob at nakita ko dun si dad na nakahiga. Nakatakip ng tela ang kalahati nyang katawan.

"D-dad! Wake up! Nandito na ang pinakamamahal mong baby. D-dad gising ka na, akala ko ba hinahanap mo ako? Nakakatampo ka naman dad, hindi mo na ko pinapansin. Dad nasobrahan ka ba sa aircon? Sobrang lamig mo dad, d-dad..", wala na akong magawa kundi yakapin na lang ang katawan nya.

Ang sakit sakit.

Sa sobrang sakit ay parang gusto ko na lang matulog katulad ng ginagawa ni dad.

**********

"Dad! I want to be a performer that you'll see on TV!", saad ko after watching a tv show.

Dad looks at the little me.

"Baby, you're still 8 years old and you suddenly want to be a performer?", dad asked.

I nod.

"I want to sing a song that I'll dedicate to you dad, and I also want to dance like the best performer in the world!", I answered.

Dad shows me his proud smile while looking at me.

"Alright baby! I'll wait for it, hihintayin kong mangyari yang mga pangarap mo, and I'll be your number one fan", he said that's why I hugged him tight.

**********


Dad ang daya daya mo sa totoo lang.

Akala ko ba ay hihintayin mo pang dumating yung araw na makikita mo ako sa TV na nagpeperform ng kantang idededicate ko sayo?

Akala ko ba ay hihintayin mo yung araw na makikita mo akong sumasayaw sa harap ng camera habang pinapanood ng maraming tao?

Akala ko ba ay ikaw yung last dance sa 18th roses ko?

Akala ko ba dad pupunta pa tayong disneyland?

Akala ko ba dad sasamahan mo pa akong umakyat sa stage para kunin yung diploma ko?

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon