CHAPTER 14

73 4 0
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.


**********

“Kayo na ulit?”, tanong sa akin ni Lisa habang nasa kusina kami para magluto ng makakain naming walo. Tiningnan ko siya with taas kilay.

“Abno! Hindi noh. Paano mo naman nasabi yan?”, tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya at ako naman ay napa buntong hininga.

“By the way, kanina pa namin nahahalata ah, bakit maga yang mata mo? Umiyak ka ba? Nakipagbreak ka kay Mark noh? Or may sinabi sayo si Justine?”, Sa pangalawang beses ay napa buntong hininga na naman ako.

“Both”, maikli kong sagot na ikinatango lang niya na parang inaasahan na niya yun.

“Tikman mo nga yang hinahalo mo kanina pa, feeling ko mapait yan tulad ng feelings mo— ay hehe joke lang peace”, nag peace sign si Lisa at nagfocus na lang sa paglalagay ng plato sa dining table.

“Ano nang gagawin ko Lisa? Nakipag break ako kay Mark para hindi ko na siya masaktan pa. Ano na ang kasunod kong gagawin?”, tanong ko na ikinatigil naman niya bago lumapit sa akin at siya mismo ang tumikim ng hinahalo ko.

“Masyadong matabang, kulang ng asin. Tinatanong mo ako kung ano na ang sunod mong gagawin? Love yourself. Mahalin mo yang sarili mo, kasi paano ka magmamahal ng iba kung yung sarili mo hindi mo magawang mahalin, diba? Also, mag heal ka na muna kung gusto mong mag move forward and mag grow on your own. Everything will be okay basta stay positive, okay? Tulad niyang niluluto mo, ang tabang, ayusin mo yan hays baka di ka na magustuhan ni Justine kapag natikman yan”, panakot pa niya bago mag-ayos ulit ng dining table.

Nang matapos na akong magluto ay tinawag na ni Lisa yung lima, samantalang ako naman ang tatawag kay Justine na nasa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko siya naabutan sa kama ko pero naririnig ko ang ingay sa loob ng cr.

“Justine? Nanjan ka ba?”, tanong ko mula sa labas ng pinto ng CR ko. Narinig ko ang pagtigil ng pagpatak ng tubig sa shower.

“Oo, tapos na rin ako. Teka lang”, sagot niya. Umupo na muna ako sa kama ko at pinaglaruan ang led lights na nakapaligid sa kwarto ko. Mga ilang segundo lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa CR.

Lumabas si Justine doon na ang gandang tingnan dahil sa hubog ng katawan. Sumakto pang ang ilaw ay tumigil sa kulay pula. Agad akong napatayo, nagulat sa sariling iniisip.

“A-ano.. k-kakain na d-daw. Ahmm.. t-tara n-na!”, natataranta akong lumabas sa kwarto at nag dire-diretso sa sala. Narinig ko pa ang tawa niya sa likod ko na tila nang-aasar.

“Oh bakit ang pula mo?”, tanong sa akin ni Azaria na ang sarap bigwasan. Sinamaan ko siya ng tingin at nag sign na wag siyang maingay. Tinawanan lang nila ako amp.

“Good evening. Ahm thank you pala for letting me stay here for awhile, hayaan niyo uuwi rin ako agad bukas—“, bungad ni Justine ng makalapit sa dining table. Nakuha niya kaagad ang atensiyon namin dahil sa sinabi niya.

“Abno ka ba? Baka mamaya bigla ka na namang saktan ng mga tauhan ni Chloe. Dito ka lang muna hanggang sa maging maayos na lahat”, saad ko na naging dahilan para sa akin naman bumaling atensiyon nila. May nasabi ba akong masama?

“Hmm.. sige sabi mo e. Nga pala, nakita niyo ba pamilya ko? Kamusta sila?”, Pagtatanong niya saamin pagkatapos niyang maka-upo sa kabilang dulo ng lamesa.

“Your family is okay naman and nagpadala na rin kami ng mga guards para mabantayan at maprotektahan sila. Don't worry, your family is fine", sagot ni Hadley sa tanong ni Justine.

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon