CHAPTER 16

24 1 0
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.


**********

3RD PERSON'S POV

Nang makarating sila Justine sa ibinigay na address ni Chloe ay agad silang nagplano.

"Justine, ikaw lang muna ang papasok sa loob. This is my watch, click the button in the middle if kailangan mo na kami sa loob, it will notify us here", saad ni Lisa sa kaniya.

Agad tumango ang binata sabay suot ng relo na ibinigay ni Lisa sa kanya pansamantala. Lumabas na siya ng sasakyan ng masigurado na naka plano na ang lahat. Pero bago pa man maka hakbang papalapit sa isang building ay nakarinig na siya ng malakas na sigaw.

"Si Zaylee, sh*t!"

Nagmadali siyang tumakbo papasok sa loob, mabilis niyang napatumba ang dalawang lalaki na nakaharang sa isang pintuan. Nang makapasok siya sa loob ay nagtama ang mga mata nila ni Zaylee.

'My love, nandito na ako. I'll save you', saad ni Justine sa isip niya.

"Oh nandito na pala ang prince charming mo mahal na prinsesa. Kamusta ang byahe?"

Masamang tumitig ang binata kay Chloe na nasa harapan na niya ngayon.

"Nandito na ako, pakawalan mo na si Zaylee"

"Nah-ah, not so fast Mr. Villamore", itinutok ni Chloe ang kaniyang baril sa dalaga na ikinagulat ng binata.

"N-no Chloe! P-please ilayo mo yan sa kanya!"

Tumingin ang babae sa binata at dalaga bago niya ito mga tinawanan na para bang nasisiraan na ng bait.

"This is actually fun to watch ah. Pero bago ka lumuhod at magmaka-awa saakin Justine, may gusto muna akong ikwento kay Zaylee", hinaplos nito ang dalaga gamit ang baril niya.

"You want to know kung bakit namatay ang tatay mo Zaylee?"

"No way, don't tell me—", agad na naluha lalo ang dalaga dahil sa mga posibilidad na rason ng pagkamatay ng ama niya.

"Yes, you're right. I killed your dad, hindi dahil gusto ko. But because of that man!"

Itinuro ni Chloe si Justine na panay ang iling sa kadahilanang ayaw na niyang makitang nasasaktan si Zaylee. This is too much for her, he said to himself.

"You did what Chloe? You f*cking did what?!", makikita ang galit sa mga mata ni Zaylee. She's in pain yet she's also mad. Hindi niya akalain na pinatay ang tatay niya.

"I. Killed. Your. Father."

Mas lalong nagpantig ang tenga ni Zaylee. Wala siyang magawa kung hindi umiyak at sumigaw dahil nakatali ang kamay niya.

Sa kabilang banda naman ay pinindot na ni Justine ang signal kung kailan pwedeng pumasok sila Hadley at ang mga pulis na kararating lang rin.

Agad silang naghiwa-hiwalay nang makapasok sa building upang mapalibutan sila Chloe at ligtas na mailabas dito si Zaylee.

Nang makita nila ang kinalalagyan nila Zaylee ay agad silang naalarma. Nakatayo si Zaylee habang nakatali pa rin ang mga kamay. Nakatutok sa ulo niya ang baril na hawak ni Chloe habang nasa likod niya ito at nakasakal sa kanya. Habang si Justine naman ay nakatutok na ang baril kay Chloe.

"Put your gun down Justine kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo nitong mahal mo!"

Sa halip na magpatinag ay mas hinigpitan niya ang hawak sa kanyang baril. Halata sa kanya ang kaba dahil baka si Zaylee ang matamaan niya kapag ipinaputok niya ito.

"Ang sabi ko, ibaba mo yang baril mo—", bago pa matapos ang sasabihin ni Chloe ay agad itong pinatumba ni Ranz na kasintahan ni Eli.

"I guess you'll spend your life in prison madam", saad nito habang tinatalian ng lubid ang kamay ni Chloe.

Nagsilabasan ang mga kaibigan ni Zaylee ng makitang hindi na delikado ang kinalalagyan nila.


**********

MARK'S POV

Agad kaming lumapit kay Zaylee upang tulungan na tumayo. We all asked her if she's okay pero iyak lang ang isinagot niya. Hindi ko kayang makita siyang ganito. It hurts.

Niyakap ng magkakaibigan si Zaylee upang mapakalma ito. Lumipas ang ilang minuto ay kumalma na siya. She said that, Chloe killed her father.

She doesn't deserve this.

I was about to go out but she called my name. I looked at her at sa hindi inaasahan ay niyakap niya ako.

"Thank you and I'm sorry", she said in between our hugs. I hugged her back.

Ang tagal na nung huling beses ko siyang nayakap. It feels so warm and it feels— home.

"Okay na lahat Zaylee—", bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nakita kong nakalas na ang tali sa kamay ni Chloe at nakatutok na ang baril kay Zaylee.

Niyakap ko si Zaylee ng mahigpit and I turn around para ako ang matamaan ng bala.

The next thing I know ay nakaramdam ako ng sakit sa likod ko. Sobrang sakit na parang may nakabaon, naramdaman ko din ang likido na tumutulo mula sa likod ko.

Narinig ko ang sigawan nila pero mas napansin ko si Zaylee, she's crying again. I hate it.

Nanghihina ang katawan ko at bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Naramdaman kong unti unti na akong bumabagsak.

"Mark please don't die, please don't", she's begging me not to die but I can't control my death.

Pinilit kong abutin ang mukha ni Zaylee. She's so precious and fragile. I love her so much.

I smiled at her.

"Y-you know that I love you so m-much, right?"

Tumango siya ng ilang beses at ilang beses din sinabi na wag akong mamamatay. Pinipilit niya akong itayo para madala na sa hospital pero umiling ako.

"P-please do remember that I love you so much Zaylee. A-and... I promise.. pinapangako ko sayo n-na sa susunod na buhay ay mamahalin... pa rin kita. S-sana lang t-talaga ay o-oras na natin sa n-next l-life.. nating d-dalawa..", I chuckle pero kumirot ang likod ko.

"Shhh! Shut up! Mabubuhay ka pa. You need to marry someone who loves you unconditionally. Find your own Zaylee, so please let's go to the hospital. I can't lose you"

Umiling ako ulit. Hinanap ng mga mata ko si Justine at ng magtama ang mga mata namin ay nginitian ko siya.

"Please t-take care... of h-her b-bro"

"Dadalhin ka namin sa hospital. Tara na", kahit ayaw ko ay pinagtulungan na nila akong buhatin habang ang iba naman ay naiwan sa loob.

"Please stay with us Mark", she held my hand and kiss it. Atleast naramdaman ko yung warm niya before I die.

Nang maipasok nila ako sa loob ng sasakyan ay naramdaman ko na ang antok na alam kong hindi na ako kailanman magigising pa.

Tingnan ko for the last time si Zaylee. She looks so gorgeous as always.

Mahal na mahal kita, Zaylee. Sa susunod na buhay, ikaw pa rin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kung kinakailangan. Kahit sobrang sakit mo mahalin, ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko. Until we meet again mahal ko.



**********

So ayun pinilit ko talagang tapusin para bumawi sa inyoo. I hope you like it. The characters will miss you readers! Take care y'all. Thank you sa mga patuloy na naghintay! May epilogue pa!

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon