THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.(A/N: fast forward agad natin sa first day of school para hapeh, love ya'll!)
**********
Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa building namin dahil ang magagaling kong mga kaibigan ay nandun kasama mga boyfriend nila.
Biruin nyo yun, pinagpalit ako sa mga nakilala lang nila nitong mga nakaraang taon lang, tapos ako yung iniwan nilang kilala na nila mula bata hays 'di naman nakakaselos.
Kung tatanungin nyo kung nasaan ang magaling kong boyfriend, hindi ko din alam sa kupal na yun.
Ang sabi nya lang saakin ay mauuna na daw sya kasi marami daw syang aasikasuhin duh, first day pa lang tapos may mga aasikasuhin agad sya!?
Sinong niloko nya? Ako? Psh.
"Zaylee?", agad akong napalingon sa likod ko at nakita si Mark.
"Oh, good morning!", bati ko habang nakangiti syempre. Dapat ngiti lang kahit inis na inis na.
"Halatang pilit naman yang ngiti mo", saad nya kaya sumimangot ako.
"Hindi naman halatang kilalang kilala mo pa rin ako hanggang ngayon", note the sarcasm. Wag nyo na itanong kung bakit.
"Para namang wala tayong pinagsamahan dati ah", malungkot nyang saad kaya binatukan ko siya.
"Sira! Anong room ka pala?", pag-iiba ko ng usapan.
"3rd floor, Room B-2, ikaw?"
"Same! Tara na dun baka malate tayo", agad ko syang hinigit papasok sa building ng mga tourism students.
"Nasaan nga pala boyfriend mo? Bakit di mo kasama? Mga kaibigan mo?", sunod-sunod nyang tanong.
"Sabi ni Justine mauuna na daw syang pumasok kasi marami daw syang aasikasuhin kahit first day pa lang, ano siya? President ng school? Yung anim naman may kanya-kanyang lovelife kaya ayun, naiwan akong mag-isa"
"Chill! Ang aga-aga inis na inis ka na agad, baka mahaggard ka kaagad nyan", biro pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Haggard mo mukha mo", inis kong sagot.
Habang naglalakad kami ay wala akong ginawa kundi kalikutin ang cellphone ko, baka kasi may text o chat na si Justine— pero wala.
"Zaylee", napatigil sya sa paglalakad kaya tumigil din ako at tumingin sa kanya.
"Bakit?", tanong ko.
"S-si Justine ba y-yun?"
Tumingin ako sa gawi nang tinitingnan nya at nakita ang kanina ko pa hinahanap na nakikipag landian dun sa nakasalubong namin nung registration day. Chloe ata pangalan.
"Busy pala ha, madami palang aasikasuhin, t*nginang asikaso yan", dire-diretso akong naglakad papunta sa gawi nila at ramdam kong nakasunod sakin si Mark.
Nakaharang sila sa may pinto ng room namin. Tingnan mo nga naman, kaklase pa namin tong babaeng papansin.
What a coincidence— note the sarcasm.
"Excuse me, dadaan yung girlfriend", saad ko sa harap nila kaya gulat na napatingin sakin si Justine ngunit napangisi lang si Chloe.
Wala sana akong balak mainis pero bwiset sya!
"Good morning Zaylee", masiglang bati sakin ni Chloe. Tiningnan ko lang sya sabay harap kay Justine.
"Morning, ito ba aasikasuhin mo ngayong umaga? Sana pala sinabi mo sakin kung ano para nakapagpafiesta ako ngayon mismo", saad ko sa harap nya.
BINABASA MO ANG
She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]
RandomSTART: March 28, 2020 END: January 21, 2022 This story is all about a couple who will be facing more challenges in their relationship. They started as a friend and ended up as a lover. Sa tingin niyo, makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kakahara...