THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.**********
JUSTINE'S POV
"Bakit parang ang tagal naman ata nila?", tanong ni Lisa sa amin na ang tinutukoy ay sila Zaylee. Sumang-ayon naman kaming lima dito. Paano kung may nangyari na sa kanila? Si Chloe? Sh*t! Hindi pwede!
Nagulat ako dahil sa pagtunog ng cellphone kong nasa bulsa ko lang. May nag message, dahil sa pag-aakalang si Zaylee yun ay nagmadali akong basahin. Ramdam ko ang mga mata ng mga kaibigan niya sa akin na naghihintay ng sasabihin ko.
Hindi ako makagalaw dahil sa nabasa ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. No no no this can't be!
Dahil sa naging reaksiyon ko ay kinuha ni Lisa sa akin ang cellphone ko, siya ang pinaka malapit saakin. Binasa niya ito ng malakas para marinig din nga iba.
"Look who's at the mall babe! I just saw Zaylee with her friend. Pero ngayon, kami na lang ni Zaylee ang magkasama. Girls bonding!", pagbabasa ni Lisa na naging dahilan para mapamura silang lahat.
Magsasalita na sana ang isa sa kanila ngunit biglang dumating si Eli na pawis na pawis at hinihingal pa.
"S-si Zaylee! S-she was at the bathroom kanina, nagpaalam siya saakin. I waited for her, but after 10 minutes of waiting, sumunod na ako sa kaniya kasi baka ano na ang nangyari. S-she was not there! Pinacheck ko kaagad yung cctv and t-two guys kidnapped her!", paliwanag niya sa amin.
Nagsimula na silang mag panic, ganun rin ako. Pero alam kong walang mapapala ang pagpapanic, I must think kung saan dinala ni Chloe si Zaylee. I can't lose her again!
"It's my fault, kung sana hindi na lang ako nag-abalang bumili ng mga damit ko, hindi sana siya makukuha ni Chloe. I need to find her", saad ko na naging dahilan para makuha ko ang atensiyon nilang anim.
"It's no one's fault, ang mabuti pa ay tawagan mo si Chloe at itanong kung nasaan si Zaylee", utos ni Hadley na kaagad ko namang sinunod.
Sa unang ring pa lang ay sinagot na niya agad ito na parang inaasahan ang pagtawag ko.
"Hi babe! Did you read my message for you?", halata ang galit sa tono ng boses niya even though ang ginagamit niyang tono ay ang pagiging playful.
"Oo, please don't hurt her. Ano bang gusto mong gawin ko?", pagmamaka-awa ko. Tahimik lang yung anim na nakikinig sa usapan namin. Naka loudspeaker kasi.
"Simple lang naman, pumunta ka dito and you'll see", sagot nito bago patayin ang tawag. Bago ko pa siya matawagan muli ay nagsend na siya ng address kung nasaan sila.
"Nasa isang warehouse sila sa Baguio. Ako na ang pupunta, I need to save her", sabi ko na lang sa kanila pero pinigilan ako ni Lisa.
"Wag ka ngang padalos-dalos. Sa tingin mo ba kapag pumunta ka dun ibibigay niya kaagad sayo si Zaylee? Pupunta ka talaga dun ng walang armas o kasama man lang? Ano ka superhero? Wala ka sa fantasy world, sasama kami", saad nito. Wala naman na akong magagawa kung hihindi-an ko pa sila.
Agad silang nagkaniya-kaniyang tawag sa mga kasintahan nila, isasama rin siguro para may kasama akong lalaki, kung maraming tauhan si Chloe dun, hindi ko kayang maprotektahan lahat ng babaeng kasama ko kung ako lang mag-isa.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang anim na lalaki, halatang mga nagmadali dahil ang iba ay mukhang bagong
gising lang."Oh bro, nandito ka pala, bakit? I thought—", naputol ang sasabihin ni Edward dahil may dumating pa na isang lalaki, hindi ko inaasahan.
"I'm sorry, I'm late. What happened here?", tanong nito na nakatingin kila Hadley at mukhang hindi pa ako nakikita.
"Nakidnapped si Zaylee and it was because of Chloe", ako na ang sumagot kaya naman napalingon siya saakin. Ofcourse, he's shocked.
BINABASA MO ANG
She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]
De TodoSTART: March 28, 2020 END: January 21, 2022 This story is all about a couple who will be facing more challenges in their relationship. They started as a friend and ended up as a lover. Sa tingin niyo, makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kakahara...