CHAPTER 1

752 15 2
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

— ONE YEAR LATER —

'Whatever happens, don't you ever forget that I love you, okay?'

That was the last words that I remember from him after a very long time.

"Zaylee! Zaylee!", tawag sakin ni Lisa na nasa may pintuan ng kwarto ko.

"Coming!", saad ko at dali-daling inayos yung sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad kong binuksan ang pintuan kasabay nun ay ang pagbungad ng mukha ni Lisa sa harap ko.

"Anong kukunin mong course?", tanong saakin ni Lisa habang papunta kami sa van.

"Tourism I guess, ikaw?"

"HRM, kasi diba mahilig ako magluto"

Isang tango na lang ang naibigay ko sa kanya bago pumasok sa loob ng van. Ngayon yung araw na mageenroll kami sa isang university for college students.

Si Justine? One week nang hindi nagpaparamdam sakin, hindi ko rin alam yung dahilan, basta daw ay lagi kong tandaan na kahit na anong mangyari ay mahal niya ako.

Weird.

Hindi nya naman sakin sasabihin yun kung walang magaganap sa mga susunod na araw.

"Hays, kamusta na kaya yung kupal na yun?", napalakas ata pagkakasabi ko dahil andami nilang itinanong sakin.

"Wala pa rin bang paramdam kahit text man lang o tawag?", tanong sakin ni Lisa.

"Wala, kahit nga anino nya ay hindi ko makita"

"Baka busy?" – Astrid

"Baka may surprise na naman?" – Eli

"Baka may inaasikaso lang?" – Hadley

"Baka nasa ibang bansa?" – Azaria

"Baka may ibang babae na?" – Ash

Dahil sa sinabi ni Ash ay nakatanggap sya ng matatalim na tingin mula sa aming anim.

"Oh bakit? Nagsasabi lang naman ako ng opinyon ko", saad nya.

"Tumahimik ka na lang kasi", suway ni Hadley sa kanya.

"Don't worry, I'll track his location right now", sabi ni Eli habang nilalabas yung laptop nya.

"Salamat", yun na lang ang naisagot ko.

"Bakit hindi mo kaya itext?", saad ni Lisa sa tabi ko.

"Sana magreply", inilabas ko ang phone ko at tinext kung nasaan sya.

Pagkatapos kong isend ay narinig kong sabay sabay na may nag notif sa cellphone nilang anim.

Tiningnan ko ang phone ko pero wala naman sakin. Sabay sabay rin nilang binasa yung text at sabay sabay ding napa-ubo.

"Hoy ano yun?", intriga kong tanong.

"Wala wala", sabay sabay nilang saad.

Hindi naman halatang scripted? Notice the sarcasm.

Nang makarating kami sa school ay bumungad saamin ang napakaraming studyante na nakapaikot sa may entrance na parang may pinagkakaguluhan.

"Hala— anong ganap?", OA na tanong ni Ash. Nakita ko pang siniko sya ni Hadley na katabi nya sa unahan.

Isa-isa kaming bumaba at nang makababa ako ay halos lahat sila ay nakatingin sa amin— o saakin?

"Welcome to Gauveinich University!"

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon