CHAPTER 12

157 11 6
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.


**********

"Zaylee, zaylee.. gising na"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at kinusot kusot ito. Bumungad saakin si Lisa. Tinanaw ko ang paligid, kami na lang ang tao dito.

"Nandun na silang lahat sa baba, hinihintay ka bago magsimulang kumain. Anong oras ka ba kasi natulog at tanghali ka na gumising? Kung di pa kita gigisingin baka hanggang hapon ka ditong nakahiga", sermon nya sakin.

"Ang agang sermon naman nyan ah. Maaga akong natulog, kaso nagising ulit ako ng madaling araw. Gising din si Justine kaya nag-usap kami saglit", inalala ko ang mga nangyari kaninang madaling araw.



'Zaylee, I love you, still.'



"Zaylee, anong napag usapan nyo ni Justine?", tanong nya. Umiling ako.

"Wala daw, may luha oh", sya na ang nagpunas ng luha ko at ipinakita saakin. Hindi ko alam na may luha nang tumulo galing sa mga mata ko.

"Tara na sa baba, tsaka ka na magkwento saakin kapag ready ka na. Ayusin mo sarili mo, hihintayin ka namin sa kusina", saad nya bago umalis ng room.

May boyfriend na ako. Hindi ko na kailangang isipin pa ang past na. Focus Zaylee, focus please.

Past na si Justine.

Present si Mark.

Noted!

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para kumain na kasabay nila. Nginitian ko sila, pero nang dumako ang tingin ko kay Justine ay nawala ang mga ngiti ko.

Sa tingin ko ay napalitan ito ng lungkot.

"Good morning beautiful", bungad saakin ni Mark. Nginitian ko sya at umupo na sa tabi nyang upuan.

Katabi ko naman sa kabila ay si Lisa. Sa harap ko ay si Justine.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang maisip yung sinabi saakin ni Justine kagabi. Naguguluhan ako.

"Kuya Mark, alagaan mo si noona kung ayaw mong makatikim ng kademonyohan", biglang saad ni Klyde. Agad ko siyang sinita.

"Nasa harap ng pagkain, Kylde Von", agad siyang nag sorry bago ituloy ang pagkain.

Ang tahimik ng paligid, puro tunog ng kutsara't tinidor ang naririnig ko.

"Zaylee, gusto ko lang ipaalam sayo na hindi tayo pumasok sa mga klase natin", saad ni Hadley na ikinagulat ko.

"W-what? Wait— ano bang araw ngayon?", tanong ko at sabay sabay silang tumingin saakin.

"Monday", sabay sabay nilang saad na ikinagulat ko dahil sa lakas ng tunog kasi chorus nilang sinabi.

"Okay gets. Sorry guys", paumanhin ko na ikinatango nilang lahat na sinasabing okay lang yun.

"Since absent tayong lahat ngayon, susulitin ko na, may lakad ako mamaya", saad ni Ash. Paniguradong date yan with her boyfriend.

Ganun rin ang sinabi ng iba kong kasama, ang mga kapatid naman namin ay uuwi na daw pagkatapos kumain. Nilingon ko si Mark na nakatingin saakin.

"Hmm, may pupuntahan ako ngayon, sama ka?", tanong ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?", tanong nya.

"Manlalalaki", biro ko na ikina-simangot nya. Cutie.

Tinuloy ko na ang pagkain. Nang matapos ay pumunta muli ako sa may movie room para ayusin mga kalat namin dun.

She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon