THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.**********
"Hello mom?"
[Zaylee, anak]
Agad akong nag-alala dahil sa tono ng boses ni mom— umiiyak.
"Bakit? Anong nangyari? Ayos lang po ba kayo?"
[Anak, okay ako pero yung dad mo]
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"A-ano pong n-nangyari?"
[Pumunta ka dito sa hospital ngayon, hinahanap ka ni dad mo]
Pagkatapos iyon sabihin ni mom ay agad kong hinila si Lisa papunta sa parking lot kung nasaan ang van namin. Sumunod din yung lima.
Narinig ko ang ilang beses na pagtawag saakin ni Justine pero hindi ko siya nilingon.
Pagkapasok namin sa loob ng van ay sinabi ko kaagad kay manong kung saan pupunta.
"Anong nangyari?", tanong nila sakin.
Iling lang ang naisagot ko sa kanila. Mabuti nga at hindi na nila ako pinilit na sagutin ang tanong nila sakin.
Nang makarating kami sa hospital ay nagdire-diretso ako sa room si dad.
Pagkapasok ko sa loob ay naabutan namin na kausap nila mom ang isang doctor.
Tumingin ako sa doctor at tinanong kung anong sakit ni dad.
"Your father has a brain cancer stage 2—", hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito. Dumiretso ako kung saan nakahiga si dad at niyakap sya.
"Kagabi pa sya nagsusuka, nahihilo, hindi makatulog, at kung minsan ay bigla nya akong tinatanong kung sino daw ba ako at nasaan daw sya", paliwanag ni mom.
"B-bakit parang ang bilis naman?"
"Alam mo naman yan si dad, masikretong tao kaya ganyan ang nangyari noona", saad ni Klyde.
Niyakap ko lang si dad.
Lord, wag niyo pong kukunin saamin si dad. Please.
**********
"Baby? Gising na"
Nagising ako at inangat ang tingin.
Si dad.
Nginitian nya ako pero simangot lang ang natanggap nya mula sakin.
"Matagal mo na bang alam na may sakit ka dad?", panimula ko.
Sa halip na sagutin nya ang tanong ko ay nginitian nya lang ako, buntong hininga na lang ang nagawa ko.
"Dad, kung may nararamdaman kang masama, don't you ever hesitate to tell us, or just even me. Ayaw naming may nangyayaring masama sayo, alam mo yan", sermon ko.
"Yes my boss baby", sagot nya kaya napailing ako. Parang timang lang.
**********
Ilang araw akong nagstay sa hospital kahit na ilang beses akong sinabihan nila Hadley na umuwi daw muna.
Hindi ko naman kasi magawang iwan si dad. Baka mamaya ay pagkabalik ko at— hays.
Si Justine, hindi ko alam kung ano na ang nangyari doon. Madalang na syang magtext o tumawag saakin. Ang nasa isip ko ay baka busy lang— sana.
"Baby, ilang araw ka nang hindi pumapasok. Baka bumaba ang grades mo nyan, kakastart pa lang nang school year niyo pero puro absent ka na—", sermon ni dad.
BINABASA MO ANG
She's Only Mine [BOOK 2 COMPLETED]
RandomSTART: March 28, 2020 END: January 21, 2022 This story is all about a couple who will be facing more challenges in their relationship. They started as a friend and ended up as a lover. Sa tingin niyo, makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kakahara...