Ring* Ring* Ring*
Napatingin ako sa telephone. Alas dose na ng madaling araw. Sino naman ang tatawag ng ganitong oras?
Mabilis ko itong sinagot.
"Hello?" Tanong ko. Ngunit pawang katahimikan lang ang nasa kabilang linya.
"Hello?!" Tanong ko uli. Gaya nung una ay walang sumagot at basta basta binaba ang tawag.
Nag kibit balikat ako at binalik ang telepono sa lalagyan neto.
Inayos ko ang higaan ko at natulog. Ngunit wala pang sampung minuto nang mahiga ako ay may tumawag muli sa telepono.
Buntong hininga ko itong sinagot.
"Hello? Sino ka ba? Kung nangtritrip ka lang pwede bang bukas nalang? Wala pa akong tulog."saad ko at ibababa na sana ngunit may nag salita sa kabilang linya.
"Ano bang pinag sasabi mo Mayi?" Tanong ni Eva.
"Sorry Eva. May tumawag kasi kanina pero walang sumasagot kaya akala ko prank call." Napahilot ako ng sintido.
"Pang ilan na ba yan? Gabi gabi nalang ha." Tanong niya.
"Bale straight one week na. Nag simula to nung ginamit ko yong pay phone sa kanto." Kwento ko.
"Ano kamo?! Ginamit mo yong pay phone sa kanto?! Hindi ba't binilinan na kita na kahit anong mangyari wag na wag mong gagamitin iyon?!" Sigaw niya.
"Pero kelangan ko talaga e. Saka ano bang meron sa pay phone na yon? Gumagana naman a. Maayos pa ang signal." Saad ko.
"Wag kang lalabas ng bahay. Pupunta ako jan bukas na bukas. Wag kang mag papa pasok kahit sino. Kahit kilala mo man yan o ako pa yan. Pag may kumatok tanungin mo muna pangalan. Gumagana pa naman yong cellular phone mo diba? Yon muna ang gagamitin natin." Bilin niya.
"Pero unang pasok ko sa trabaho bukas. Saka lilipat na ako ng tinutuluyan diba?"
"Shit. Basta hintayin mo mo. Sasamahan kita. Babyahe ako pag patak ng umaga. Sabihin mo sa boss mo na hindi ka muna papasok, sabihin mong mag lilipat gamit ka." Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita.
"Sige sige. Basta bukas lang. Hindi pwedeng bad record kaagad ako." Sumang ayon siya saka nag paalam.
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto. Pag tingin ko sa oras ay alas tres palang ng madaling araw. Lumapit ako sa pinto.
"Sino yan?" Tanong ko ngunit walang sumagot. Bigla ay kinalibutan ako. Tumaas balahibo ko sa batok nang kumatok itong muli.
Takot man ay sinilip ko ang nasa likod ng pinto ngunit nakakapagtakang walang tao, ni anino wala.
Bumalik ako sa pag kakahiga ngunit wala pang isang minuto ay may kumatok nanaman. Mas malakas kumpara sa una. Kabado kong dinail ang numero ni Eva sa cellular phone ko.
"Eva sagutin mo please." Pakiusap ko.
Tahimik akong nag dadasal at kinuha ang rosaryo. Kalaunan ay humina ang katok hanggang sa nawala. Pinagpatuloy ko ang pag dadasal habang dinadail ang numero ni Eva.
Napatalon ako nang biglang tumunog ang telepono. Sa pag aakalang si Eva 'yon ay sinagot ko.
"Hello Mayi. Mabuti at sinagot mo. Ngunit bakit ka huminto sa pag dadasal?" Kinalibutan ako sa boses niya. Lalo na nang tumawa siya.
"Sino ka?! Ano bang kailangan mo?!" Takot na tanong ko saka nag umpisang mag dasal muli.
"Bakit kailangan mo pang malaman kung mamatay ka rin lang naman?" Humalakhak siya.
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Walang pumasok ngunit ramdam ko ang lamig ng hangin. Nag dasal ako saka pumikit. Ngunit nakaramdam nalang ako ng palad sa pisngi ko na para bang hinahaplos ito.
Napamulat ako saka luminga linga sa paligid. Tumingin ako sa oras at alas tres palang ng madaling araw.
Napahinga ako ng maluwag at panaginip lamang pala iyon. Hihiga na sana ako nang may kumatok sa pinto. Walang ano ano ay kinabahan ako.
"Sino yan!" Mariing sigaw ko.
Walang sumagot.
"Sino sabi iyan!" Sigaw ko muli.
"Mayi, si Eva to! Buksan mo ang pinto. Kailangan na nating umalis." Walang ano ano ay binuksan ko ang pinto. Ngunit walang Eva ang bumungad.
Tumunog ang telepono. Tumaas bigla balahibo ko sa batok. Takot man ay sinagot ko ang tawag.
"Hello Mayi, paalis na ko nang siyudad. Hintayin mo'ko jan. Gaya ng bilin ko wag na wag kang mag bubukas ng pinto." Napatingin naman ako sa pintuan na naka bukas ngayon.
"Hello Mayi?! Mayi nanjan ka pa ba?!" Heristikal na tanong ni Eva.
"Eva. Eva." Umiiyak na saad ko.
"Mayi? Anong nangyari? Mayi?" Bigla bigla ay naputol ang linya.
"Mayi, Mayi, Mayi. Bakit hindi ka nakinig kay Eva? HA HA HA HA HA. Napakaganda mo Mayi. Matutuwa sila pagkat ikaw ang magiging reyna nang kaharian ko." Demonyong saad niya.
"Ayoko! Parang awa mo na tantanan mo ako!" Sigaw ko at binaba ang telepono. Umalis ako sa tinitirhan ko at tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Ngunit napadpad ako sa pay phone. Humahagulgol na tumakbo ako palayo rito ngunit bumabalik pa rin ako.
Tumunog ang telepono. Ayoko man sagutin ngunit kusang kinuha ng kamay ko ang telepono at tinapat sa tenga ko.
"Aking Reyna." Saad niya bago ako nawalan ng malay at tuluyang kinuha nang kadilimang hinding hindi na masisinagan nang araw.
YOU ARE READING
ONE SHOTS COMPILATION
RandomThis contains a random one shot stories that I have posted in my role play account.