"Oh my ghad. May namatay nanaman daw na babaeng highschool student. Tapos dito pa raw sa school natin nag aaral." Kwento ni Xochi
"What?! Sino raw? Tangina kaya ayoko na pumasok e." Tanong ni Ariana
"Si Akira raw e. Yong nakaaway mo Laine recently lang." Napatingin naman kaagad ako sakanila.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Ay hindi ka pala nakikinig. Si Akira pinatay." Tumango tango ako.
"San daw natagpuan?" Tanong ko
"Sa kakahuyan malapit sa kalsada pag papasok dito sa lugar natin."
Huh?!
"Hay, bagay lang sakanya yon. Inagaw niya boyfriend ko, sineduce bestfriend ni Xochi para palayuin sakanya tapos inaway si Laine nung kelan lang." Sarkastikong sabi ni Ariana.
"Pero baka ikaw paghinalaan nila." Kabadong dagdag niya.
"Don't worry, palagi kaming mag kasama ni Laine. Imposibleng siya ang papatay kay Akira. Kita mo nga natalo pa siya sa away nila." Sabat ni Xochi.
"Oo nga naman." Gatol ko.
"Pero kahit na."
"Sinasabi mo bang ako ang pumatay kay Akira porket nakaaway niya 'ko?" Malungkot na tanong ko.
"Ha?! Hindi hindi! Nag aalala lang ako kasi baka ikaw ang iturong salarin ng mga nakakita sa away niyo. Ayokong mawalan ng kaibigan." Saad niya saka niyakap ang braso ko.
Nginitian ko siya. "Ipagtatanggol mo naman ako sa korte kung sakali diba?"
Tumango siya. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa braso ko at ginulo ang buhok niya.
Napaka inosente mo Ariana.
Nag tuloy tuloy ang usapan ukol sa pagkamatay ni Akira. Tama nga si Ariana, ang iba sakanila ay naghihinalang ako ang pumatay kay Akira ngunit ang iba naman ay sinasabing nararapat sakanya iyon. Sa totoo lang maraming may ayaw kay Akira, maraming gusto siyang mamatay. Ewan ko nga kung bakit nag papakaplastik ang iba dito.
Bzzz*Bzzz*
Vibrate ng phone ko. May mensaheng dumating.
From:Freya
Hello Laine, You are invited to my party later 8:00 pm. Wear black. We will celebrate the death of Akira.
I replied sure then hid my phone. I look at Ariana and Xochi, they both looked at me and nod.
Heading back to our apartment, Xochi made a sign. I secretly nod and we separated ways. Sa eskinita ako dumaan habang sa shortcutan sa kakahuyan naman si Xochi.
Pagkarating ko sa madilim na parte ay agad kong inatake ang sumusunod saakin. Pinadapa ko siya.
"Bakit mo'ko sinusundan?" Kalmadong tanong ko.
"Alam naming ikaw ang pumatay kay Akira." Umirap ako.
"Asan ang ebidensya mo?" Tanong ko.
"Nasa cellphone. Kaso iniwan ko sa bahay e. Imposibleng makukuha mo iyon. Ni hindi mo nga ako kilala." Mayabang na saad neto.
"Talaga Nathan?" Sarkastikong saad ko.
"Anong?! Paano!" Sigaw neto at nag wala.
"Wag mo ng alamin."
"Narinig mo naman siguro 'yon Xochi. Ikaw na bahala sa cellphone. Oras na para sunduin ito ni San Pedro." Saad ko, narinig ko ang mahinang halakhak ni Xochi bago pinatay ang tawag.
Hinarap ko si Nathan at dahan dahang ginilitan ng leeg. Tinanggal ko rin ang dila niya. Pagkatapos niya mawalan ng malay ay hinila ko siya papunta sa abandonadong apartment at sinunog. Sinigurado kong walang ebidensyang makukuha kung sakaling mahanap nila etong bangkay niya.
8:30 pm na nang makarating kami sa bahay ni Freya. Wala pang isang oras na nagsimula ay halatang lasing na sila.
"Buti at naka dalo kayo. Pasok hihi." Bulol at lasing na saad ni Freya. Tumango kami ni Xochi saka hinanap si Ariana.
"Ari! Kailangan ka namin makausap." Saad ni Xochi saka hinila siya papunta sa likod.
"Narito sa loob ang pumatay kay Akira." Panimula ko.
Pumasok kami sa isang silid at palihim na linock iyon.
"Anong sabi mo? Narito ang pumatay kay Akira?! Sino?!" Agressibong tanong niya.
"Bakit ka ganyan maka tanong? Hindi ba at ayaw mo kay Akira?" Inosenteng tanong ni Xochi.
"Kahit na." Saad niya saka tumingin sa gilid.
"Pero oo, narito ang pumatay kay Akira. Hindi ka ba nag tataka na nag paparty si Freya gayong kakamatay lang ni Akira kaninang umaga? Alam mo bang kaya siya may ganito dahil cinecelebrate niya ang pagkamatay ni Akira?" Saad ko.
Nakita ko ang galit sa mata niya.
"Walang hiya siya! Pinatay niya ang ate ko, ngayon may gana pa siyang mag celebrate. Papatayin ko siya." Galit na sabi ni Ariana.
Napangiti kami ni Xochi.
"Bakit si Freya lang kung lahat ng dumalo ay para icelebrate ang pagkamatay ng ate mo? May bomba sa ibaba ng kamang inuupuan mo. Bahala ka kung anong gagawin mo jan. Aalis na kami ni Xochi. Hindi naman talaga namin pakay na kami pag plastikan dito." Naka ngising saad ko saka kami umalis ni Xochi.
Ngunit ang hindi alam ni Ariana, ilang segundo nalang ay sasabong na ang mga bomba. Hindi lang ang bombang inuupuan niya kundi ang bombang pinalibot namin sa bahay ni Freya.
Tama, kami nga ni Xochi ang pumatay kay Akira.
But you know what's funny?
Xochi and I are both a ghost already. No, we were an angel they turned into demon. What we did was just a pay back.
YOU ARE READING
ONE SHOTS COMPILATION
عشوائيThis contains a random one shot stories that I have posted in my role play account.