WILL YOU MARRY ME?

6 1 0
                                    

May kabagalan akong nag lakad sa altar habang nakatingin sa pinaka gwapong lalaki sa harap ng simbahan. Naka ngiti siya at halatang masaya. Ngumiti ako saka inalala ang mga nakaraan.

"Love, Happy 10th monthsarry!" Bati saakin ni Drake. Napangiti ako. Akala ko nakalimutan niya.

"Happy 10th monthsarry din sayo Love. San tayooo?" Tanong ko. Nag isip siya saka may binulong

"Sa langit." Hinampas ko siya bigla

"Loko loko ka talaga!" Natawa naman siya saka ako niyakap.

"Kahit saan mo gusto love." Saad niya saka ako niyakap ng mas mahigpit pa.

——

"Happy 5th anniversary love! Kamusta ka jan? Ingat ka lagi jan sa barko ha! Miss na kita sobraaaa! Gusto na kita makita. May surprise ako sayo love e." Bati ko sakanya. Nag video call kami kasi nasa barko siya habang ako nasa airport.

"Happy 5th anniversary din love. Miss na rin kita love. Ingat ka rin jan palagi ha. Malapit na tayo magkita love. Konting tiis nalang. Ano ba surprise mo saakin love? Hindi ba pwedeng ngayon mo na sabihin?" Pangungulit niya

"Hindi pwede love. Dapat personal. Kaya agahan mo umuwi ka. Miss na miss na kita sobra." Tumango siya at nagpaalam na. Kailangan ko narin mag handa at maya maya lang ay lilipad na ang eroplano.

Kung si Drake seaman, ako naman Flight Attendant. Ang galing diba? Siya sa tubig samantalang ako sa himpapawid.

Na alala ko pa. Bago siya sumakay uli sa barko nag propose pa siya saakin. Yon ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Tumingin ako sa tyan ko at hinaplos ito.

"Malapit ka na makilala ni Daddy." Bulong ko rito.

——

"Happy birthday Mycah. Congrats din sayo." Bati ng mga kapamilya at ibang kaibigan.

Ngayon ang ika 26 birthday ko at ang uwi ni Drake. Pero baka mamayang gabi pa siya makakarating.

"Nako nako. Tatay na pala si Drake. Alam na ba niya tungkol sa bata?" Tanong ni Ash, barkada namin ni Drake since college.

"Hindi pa nga e. Sasabihin ko palang mamaya." Tumawa naman si Ash saka nag paalam na pupunta muna sa ibang barkada.

Bale 5 months pregnant na ako kaya medyo medyo halata na ang tyan ko.

Umiinom ang barkada at medyo nakarami na rin sila kaya pinatago ko na ang iba pang alak. Baka mag wala ang mga ito.

"Hoy tama na kakainom. Mamaya hindi na kayo makauwi niyan." Biro ko

"Hindi a. Ikaw sabay ka naman saamin kahit juice lang sayo." Pag aaya ni Ella

Dahil unti nalang ang bisita at nagsiuwian na ang iba ay nakiupo na ako. Hindi ko pa nakakalahati ang binigay nilang juice ay nahihilo na ako.

"Teka. Juice ba to o alak? Nahihilo ako." Tanong ko. Nag si tinginan sila at nag tanguan. Naguluhan naman ako.

"Cyrah! Samahan mo nga muna ako sa taas." sigaw ko sa kambal ko.

Papalapit na sana siya kaso biglang nagsalita si Ella

"Wag na. Ako na sasama sakanya. Intindihin mo nalang muna ibang bisita Cy." Tumango naman si Cyrah at di na tumuloy na lapitan ako.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at takot.

Habang paakyat sa hagdan ay may pinaamoy saakin si Ella na dahilan ng pagkawala ng aking malay. Nagising nalang ako na katabi sa iisang kama sila Ash, Von, at Kyro. Si Ella ay nasa sofa at may nakadagan sakanyang lalaki na hula ko ay si Mike. Pero ang nakakapagtaka ay si Von ang boyfriend ni Ella. Tatayo na sana ako ng mapansin kong wala akong suot na saplot. Nataranta ako at di maikaila ang kaba.

Mabilis akong umalis sa kwartong iyon at pilit inalala ang nangyari. Natauhan ako bigla dahil unti unting bumalik ang nangyari kagabi.

Napatulala akong naupo sa sahig ng bathroom at nag unahang tumulo ang luha ko. Binaboy ako ng barkada ko. Pinagkaisahan nila ako. Pati si Ella na pinagkatiwalaan ko.

Napatingin ako sa taong bumukas ng pinto at mas lalong naluha. Si Drake. Nakauwi na siya kung kailan tapos na ang lahat. Kung kailan napagkaisahan ako. Kung kailan...

"Ang baby ko. Ang baby ko. Baby anjaan ka pa naman diba? Hindi mo iniwan si mommy?" Sinubukan kong pakiramdaman ang anak ko sa loob ng sinapupunan ko.

"Mycah. Anong ginawa nila sayo?" Galit na tanong ni Drake. Pero hindi ko iyon inintindi at hinaplos ang sinapupunan ko.

Sinubukan kong tumayo pero nadulas lang ako at napaupo uli. Pero may dugong lumabas kaya kinabahan ako.

"Drake. Iligtas mo ang anak natin. Drake." Humagolgol ako. Naguguluhan man si Drake ay binuhat ako nito saka kumuha ng kumot at itinakip sa katawan ko at dinala ako sa ospital.

Mabilis kong pinigilan ang luhang gustong tumulo sa mata ko. Pag karating ko sa harap ay lumiko ako at pumunta sa hilera ng mga bridesmaids. Umupo ako saka muling inalala ang nakaraan.

Nagising ako sa isang puting kwarto. Hinaplos ko kaagad ang sinapupunan ko saka pinakiramdaman si baby.

"Mycah. Wa- wala na si baby. Nakunan ka." Para akong nabingi sa narinig ko. Tumulo kaagad ang luha ko.

"No! Buhay ang baby ko!" Sigaw ko.

"Mycah. Wala na si baby. Wala na ang anak natin. At kasalan mo to." Natulala ako sa huling sinabi niya. Walang emosyong tinignan ko siya.

"Anong sabi mo? Kasalanan ko? At paano? Alam mo ba ang ginawa ng barkada mo saakin? Alam mo bang binaboy nila ako? Alam mo bang pinainom nila ako ng drug gayong alam nilang may anak tayo. Alam mo ba kung paano at gaano ako nagmakaawa na tigilan na nila ang pangbababoy saakin? Hindi diba? Dahil nasa barko ka. Nasa barko ka sa mga panahong kinakailangan kita. Nasa barko ka nung mga oras na sinisigaw ko ang pangalan mo para tulungan ako. Kaya wag na wag mong isisi saakin ang pagkawala ng anak ko. Dahil ikaw mismo ang hindi marunong gumanap sa tungkulin mo." Puno ng emosyon kong saad sakanya.

"Ngayon. Umalis ka na. Wag na wag ka nang magpapakita saakin. Maghiwalay na tayo." Dagdag ko pa at tinalikuran siya.

Ang sakit isipin na yong taong inaasahan mong makakaramay mo isisisi sayo ang pagkawala ng anak niyo.

Araw araw paring bumibisita si Drake pero nagtutulog tulugan ako. Pero di ko inakalang may malalaman ako na mas makakasakit saakin.

"Dre. Hindi ka ba nakokonsyensya sa ginawa mo? Dre anak mo yon. Fiancee mo si Mycah." Rinig kong saad ni Ash.

"Hindi. Matagal ko nang gustong makipaghiwalay kay Mycah hindi ko lang magawa. Kung hindi sa tulong niyo hindi ko magagawa iyon. Pasyensya na dre kung iniisip ni Mycah na ginahasa niyo siya. Pero natransfer ko na sa account niyo yong pera." Napaawang ang bibig ko. So plinano talaga ni Drake lahat to? Bakit pa niya dinamay ang anak ko?

"Nabayaran ko na rin yong doctor na nagabort sa baby. Umalis na kayo rito Ash. Mag pakalayo na kayo." Hindi na sumagot si Ash dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Malamig kong tinignan si Drake. Napansin ko naman na nagulat at kinabahan siya pero tinago niya iyon. Simula nong araw na yon ay naging malamig na ang pakitungo ko sakanya.

Tumayo ang lahat ng pumasok si Cyrah suot ang wedding gown na ako mismo ang pumili na dapat saakin. Pati ang wedding ring na dapat saakin. Ang galing no?

Saakin sinabi ang katagang 'Will you marry me.' Pero sa kakambal ko nagpakasal. Dahil si Cyrah ang totoong mahal at minahal.

ONE SHOTS COMPILATIONWhere stories live. Discover now