Kabado akong naglalakad pauwi ng bahay. Wala pa man pero naririnig ko na ang mga masasakit na salita nila Mama habang ipinagkukumpara ako sa kapatid ko.
Bumuntong hininga ako ng malalim bago pumasok sa bahay.
Naabutan ko silang pinupuri si Shaya.
"Ang galing galing naman ng anak namin. Straight 98 ang grade sa lahat ng subject. Anong gusto mong regalo?" Tanong ni mama sakanya.
"Good afternoon ma, mano po." Magalang kong sabi ng mapansin niya ako.
Wala sa loob niyang iniabot ang kamay niya saka mabilis din itong binawi pag katapos ko mag mano.
"Asan card mo? Naku siguraduhin mo lang na wala kang bagsak kundi malilintikan ka saakin." Iritadong sabi ni mama, napalunok ako dahil don.
Nanginginig kong inabot kay mama yong card ko.
"Ano ba yan! Hindi ka na nga umaabot sa 95 mag kakaroon ka pa ng 89?! Hala, dumeretcho ka sa silid aklatan at mag aral. Wag kang lalabas hanggat hindi mo memoryado ang geography at biology." Galit na sabi ni mama. Tumango ako saka umalis.
Pigil luhang kinuha ko ang kumot at unan ko sa kwarto saka dumeretcho sa attic. Alam kong ilolock ni mama ang pintuan kaya kinuha ko na rin ang mga inimbak kong pagkain.
Kapag sinabi ni mama na wag lumabas hanggat hindi memoryado and isang subject o topic, ibig sabihin non walang kain kain. Bawal matulog. Mahirap pero sanay na ako.
Pag ka pasok ko napaupo kaagad ako saka tinitigan ang dalawang 89 sa card ko. Science at History haha. Nakakatawang kaya lang ako nag karoon ng ganitong grado dahil kinukuha ni Shaya lahat ng projects at activities ko.
Alam ng mga teacher iyon pero wala silang pakealam.
Inayos ko ang higaan ko saka nagsimulang basahin ang libro.
"Ano ba naman yan Shaye! Hindi ka na nga matalino, hindi mo pa kayang ipanalo itong pageant. Napaka walang kwenta mo talaga!" Sigaw ni mama.
Galit na galit si mama saakin. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako marunong maki pageant. Galit si mama kasi kahit manlang top 5 hindi ako nakuha.
Pagka uwi namin bumungad saakin lahat ng masasakit na salita ni mama, pati ang mga physical na atake niya. Hindi ako pumalag kasi alam kong mas lalong masasaktan ako pag nanlaban ako.
"Alam mo sana ikaw nalang namatay hindi ang asawa ko. Tutal anak ka lang naman talaga sa labas. Mana ka talaga sa nanay mong pokpok." Saad niya na nagpakulo sa dugo ko.
Oo alam kong anak ako sa labas pero wala siyang karapatang tawaging pokpok si mama, ginahasa ni papa si mama at alam niya yon.
Unti unting namuo ang galit saakin at nagsimulang lumitaw sa isip ko ang mga plano kung paano ko sila patayin.
'NO!' I shouted at the back of my head.
I was doing everything to control my anger pero huli na ako. Namalayan ko nalang ang sarili kong may hawak na kutsilyo at paulit ulit na sinasaksak si mama. Nilingon ko si Shaya at nakitang nakangiti siya habang kinukuhanan ako ng video.
"Mabuti naman at wala na yang bungangerang iyan." Galit na saad niya
Ngumiti kami sa isa't isa at inilibing sa bakuran ang katawan ni mama.
Wala sa sariling napabalingkwas ako. Hingal na hingal. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang nasa attic ako. Bumuntong hininga ako at nag simulang mag basa ulit ng libro.
Maya maya ay naka rinig ako ng boses.
"Shaye, Shaye, Shaye." Lumapit ako sa pintuan.
Laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko sa labas ng pintuan at nakangiti ito saakin. Dahan dahan akong umatras. Ngunit humakbang din ako palapit sakanya at niyakap siya. Kami ay iisa. Bakit ako matatakot sa sarili kong demonyo? Bakit ako matatakot sa demonyong tumulong saakin na patayin ang mama at kapatid ko? HAHAHAHAHA.
I am the demon myself. I shouldn't be afraid of myself.
YOU ARE READING
ONE SHOTS COMPILATION
AcakThis contains a random one shot stories that I have posted in my role play account.