Muling Pagtatagpo

5 1 0
                                    

Sandali akong natigil sa aking pagbabasa dahil sa isang katok sa pintuan ng aking kwadra.

"Tuloy." Aking tugon

"Binibini, ipinapatawag ho kayo ng iyong ama sa silid aklatan. Bilin niyang kayo'y mag suot ng magarang bestida sapagkat kayo'y may espesyal na panauhin." Saad ng aming taga lingkod.

Marahan akong tumango sakanya at mabilis na pumunta sa aking paliguan upang maglinis ng katawan. Sinuot ko ang bestidang iniregalo saakin ng aking ina bago ito namayapa.

Sa may pintuan palang ay rinig ko na ang tawanan ng aking ama at ng aming bisita, tila'y apat silang nasa loob. Kumatok ako bago tuluyang pumasok. Pamilyar ang itsura ng dalawang mag asawa na nasa harapan ng aking ama samantalang ang ginoo na nasa gilid na nag babasa ay tila panibago saaking paningin.

"Ito na ba si Eleanor? Kay gandang dalaga. Mana sa namayapang si Amira." Aniya at bahagya akong niyakap.

"Ako ang iyong tiya Odette, ang matalik na kaibigan ng iyong ina. Naalala mo pa ba?" Tanong nito.

Sandali akong napaisip at tumango. "Opo, kayo'y aking naaalala. Ngunit sino ang ginoo?" Tanong ko at tumingin sa Ginoo.

"Siya ang aming pang huling anak na si Joseph. Siya'y marahil hindi mo naalala sapagkat ika'y sanggol pa lamang noong inyong huling pag kikita." Aking pinagmasdan si Joseph at daling inilihis ang aking paningin ng ito'y tumingin saakin.

"Iyong pag pasensyahan ang kanyang itinuturan sapagkat siya'y likas na hindi nakikipag kapwa tao." Ani ni Tiya Odette.

"Aking naiintindihan. Kung inyong nanaisin nais kong makipag kwentuhan sandali kay Ginoong Joseph." Sila'y tumango lamang kung kaya't lumapit na ako kay Joseph.

"Maganda ang aklat na iyong napili. Mahilig ka rin ba sa mga librong romansa?" Siya'y umiling.

"Kung ganoon, ano ang hilig mong dyanra na basahin?"

"Wala. Hindi ko hilig ang magbasa. Mas ninanais ko ang panonood ng pagtatanghal." Saad niya. Ang kanyang boses ay sadyang pang ginoo. Ito'y malalim at matapang pakinggan.

"Ika'y tila ayaw akong kausap. Nais mo ba akong umalis nalamang?" Tanong ko.

"Hindi sa ganoon binibini. Sadyang ako'y nayayamot lamang." Tugon nito.

"Kung gayon, sumama ka saakin. Ika'y ipapasyal ko sa likurang hardin. May dala ka bang ibang kasuotan?" Tumango ito.

"Mabuti. Dalhin mo iyon at ako'y hintayin mo sa sala. Mag papalit lamang ako ng mas nakakaginhawang kasuotan."

Nag paalam kami kay ama at kila Tiya na agad naman nilang sinang-ayunan. Minadali kong nagpalit ng mas simpleng bestida at kumuha na rin ng tuwalya at panibagong bestida upang ipamalit mamaya. Bumaba ako sa sala at hinila ang laylayan ng kanyang suot na polo.

Nag latag ako ng sapin sa lupa at bumalik sa kusina upang kumuha ng makakain. Pagbalik ko nakita ko siyang pinagmamasdan ang pagsayaw sa hangin ng mga bulaklak at ang kalmadong sapa. Nang mailapag ko ang dalang pagkain ay iniabot ko sakanya ang isang tinapay.

"Alam mo ba, dito kami lumalagi ni Ina sa tuwing hapon, upang panoorin ang paglubog ng araw. Mahilig mag pinta si Ina, sa susunod ipapakita ko sayo ang mga gawa niya." Tumango lamang siya.

Pagkatapos kumain ay inaya ko siyang maligo sa sapa. Noong una ay umayaw pa ito sa kadahilanang hindi siya marunong lumangoy kaya't sabi kong tuturuan ko siya.

Natapos ang araw na iyon na may ngiti sa kanyang labi. Nagulat pa si Tiya Odette at ang kanyang asawa sapagkat ngayon lamang ito ngumiti ng ganoon. Mabilis namang sumimangot si Ginoong Joseph sa sinabi ng ina. Sabay sabay kaming kumain sa hapagkainan at pag katapos ay nag paalam na rin sila sapagkat mahaba haba pa ang kanilang byahe pauwi sa kanilang tahanan sa kabilang bayan.

"Babalik ako sa susunod na linggo. Nais kong makita ang iyong mga obra at ng iyong ina. Hanggang sa susunod na pagkikita Binibining Eleanor." Saad ni Ginoong Joseph bago sumakay sa kanilang karwahe.

Kinabukasan ay sinimulan kong ipininta si Joseph na pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga bulaklak. Natapos ko ito pagkatapos ng dalawang araw na pagpipinta. Sa ngayon ay hihintayin ko nalamang na dumaang ang linggong ito upang makitang muli si Ginoong Joseph.

Naging mabilis ang aking paghihintay sapagkat ang pagbabalik niya pagkatapos ng linggong iyon ay nagtuloy tuloy hanggang sa lumipas na ang limang taon. Marami akong nalaman tungkol sakanya at sakanyang mga kapatid. Pati ang mga kalokohang kanyang ginawa sa kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. Naikwento ko na rin ang talambuhay ko sakaniya. At sa nagdaang taon, nagising nalamang ako na siya'y aking iniibig na. Ngayon ang araw na ako'y mag tatapat ng aking damdamin sakanya. Hinihintay ko siya rito sa hardin kung saan ko siya unang dinala.

Maya maya ay may narinig na akong tunog ng pagdating ng kalesa. Masaya akong pumunta sa harap ng aming tahanan upang salubungin siya ngunit ako'y natigilan ng makitang may kasama siyang binibini. Napaka ganda niya. Higit kumpara saakin. Wala siyang naikwentong may kapatid siyang babae kaya imposibleng kapatid niya ito.

"Eleanor. Halika, ipapakilala kita saaking kasintahan na si Harriet. Harriet, si Eleanor ang aking itinuturing na kapatid na babae. Eleanor, si Harriet ang aking kasintahan." Masayang pakilala niya saamin sa isa't isa.

"Iyong kasintahan? Hindi mo naikwento na ika'y may kasintahan." Bahagyang natawa si Joseph saaking sinabi.

"Kaka bigay niya lamang ng kanyang matamis na oo noong nakaraan kung kaya't ngayon ko lamang nasabi. Patawad." Tumango nalamang ako at inanyayahan silang pumasok.

Hinayaan ko silang mag kwentuhan sa sala at demeretcho sa aking silid. Mabilis na nag unahan sa pagtulo ang aking luha kaya itinago ko ang aking mukha sa aking unan. Ngayon lamang ako muling nakaranas ng ganito matapos mamatay ang aking ina. Kay bigat ng aking damdamin, tila ako'y pinagtaksilan. Buong araw akong nanatili sa aking silid at hinayaan silang dalawa sa sala hanggang sa umalis na sila.

Ilang linggo ang nagdaan. May isang liham na ipinadala sa aming tahanan na nakapangalan saakin. Agad ko itong binasa ngunit napaupo sa nilalaman ng sulat. Isang imbitasyon sa kasal ni Joseph at Binibining Harriet sapagkat siya'y nag dadalang tao na. Gaganapin ito sa susunod na araw. Sa simbahan kung saan siya nangako na ako ang papakasalan niya kung sakaling dumating ang araw na siya'y hindi na makapag hanap ng asawa at ako'y wala pang kasintahan ngunit ngayon ay ibang babae ang ihaharap niya sa altar.

Dumaan ang araw at ngayon na ang itinakdang kasalan nina Joseph. Hindi ko kakayaning dumalo kung kaya't pinagmasdan ko nalamang sila mula sa malayo. Nakangiting tumulo ang aking luha. Mabilis ko itong pinahiran at sumakay sa karwahe patungong daungan ng barko.

Sandaling lumingon ako sa simbahan, "Sa ating muling pagtatagpo aking Ginoong Joseph. Sana'y ako naman ang iyong iharap sa altar bilang iyong kabiyak." Saad ko sa hangin at sumakay na sa barko patungong Pransiya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOTS COMPILATIONWhere stories live. Discover now