"Tama na kakangawa jan dre. Tanggapin mo nalang na wala na siya." Saad ni Adreian saka inagaw saakin ang bote ng alak.
"Hindi e. Masaya naman kami. Wala naman kaming problema. Wala naman akong ginawang ikakagalit niya. Iniintindi ko naman siya. Sinusunod ko naman lahat ng utos niya. Binibigay ko lahat ng gusto niya. Pero bakit? Bakit sa umalis?" Puno ng sakit na tanong ko.
"Dre. Hindi porket masaya kayo, wala kayong problema mag tatagal kayo. Pierre kung iniwan ka niya na walang pasabi ibig sabihin siya ang may problema. Ni minsan ba tinanong mo kung may problema siya?" Tanong ni Adreian
"Oo. Palagi. Pero lagi niyang sinasabi na wala, na okay lang siya." Umiling si Adreian.
"Yan. Alam mo namang maraming maskara ang mga babae. Sasabihin nilang hindi masakit o kaya ayos lang sila pero ang totoo kabaliktaran yon ng nararamdaman nila." Natamaan ako sa sinabi niya. Tama siya e. May punto siya.
Tumayo ako at iniwan si Adreian. Kailangan ko puntahan si Kiarra. Kailangan ko malaman kung bakit.
Pag ka labas ko ng elevator nakita ko kaagad si Kiarra na nag pupumilit kumawala sa isang lalaki. Nakita ako ni Kiarra kaya she mouthed
"Help me."
Mabilis akong lumapit sakanila at sinuntok ng malakas iyong lalaki. No one can hurt my Queen. No one.
Linapit ko saakin si Kiarra at kinulong siya sa bisig ko. Umiyak siya ng umiyak.
"Let's go home Love." Bulong ko sakanya tumango siya.
Nanghihina siyang naglalakad kaya mabilis akong umupo sa harap niya. Nagtaka pa siya saglit bago na hulaan kung ano ang ipinapahiwatig ko.
"Kaya ko pa Pierre. Wag kang mag alala." mahinang saad niya.
"Hindi. Hindi mo kaya Kiarra kaya sumampa ka na sa likod ko." Iiling pa sana siya kaso medyo na out balance siya.
"Sabi ko naman sayo e. Hindi mo kaya." Bumuntong hininga siya at sumampa sa likod ko.
Dahil sa hindi ako nag maneho papunta sa condo niya nag book na lamang ako ng grab. Naghintay kami ng 7 minutes bago dumating ang grab.
Sinakay ko ng dahan dahan si Kiarra dahil nakatulog siya sa balikat ko. Nag maneho agad ang driver.
Dahan dahan kong nilapag si Kiarra sa kama namin at pinalitan ang sout niyang damit. Pinunasan ko narin ang katawan niya. Mahimbing siyang natutulog. Napakaganda niya. Para siyang isang anghel na bumaba sa langit.
Nalihis ang kumot na tinakip ko sakanya kaya't inayos ko ito saka lumabas ng bahay para iligpit ang mga kalat ko.
3:37 am na nang matapos ako kaya't napahiga nalang ako sa sofa at di namalayang nakatulog.
"Wake up Pierre."
"Hmm." Ungol ko saka minulat ang mata. Umupo ako at kinuskos ang mata ko.
Napachuckle si Kiarra. Takang tinignan ko naman siya.
"Ang cute mo talaga. Kain na tayo. Nakapagluto na ako." Tumango ako at sinenyas na mag totoothbrush muna. Tumango siya.
Naghilamos ako at nakangiting bumaba sa kusina.
"Good morning Love. Bakit sa sofa ka natulog?" Tanong ni Kiarra
"Niligpit ko kalat ko Love. Di ko namalayan na nakatulog ako sa sofa." Saad ko.
"Kain na tayo. Pagkatapos saka ko sasagutin mga tanong mo." Ngumiti siya kaya tumango ako at pinagsilbihan siya.
Tahimik kaming kumakain. Siya na rin ang nag hugas at ako ang nag walis sa sala.
"Love! Lika dito." Linapitan mo si Kiarra. Nakaupo siya sa carpet.
Umupo ako sa tapat niya. Bumuntong hininga muna siya bago nag salita.
"Alam kong nag tataka ka kung bakit kita iniwan na walang paalam gayong masaya naman tayo." Tumango ako at hinawakan ang kamay niya saka pinag laruan ito.
"Love kasi..." napaluha siya. Mabilis ko naman siyang inaluhan.
"Love buntis ako." Saad niya. Lumiwanag ang mukha ko pero mabilis rin iyong napawi.
"Paano? Baog ako Love. Paano ka mabubuntis?" May kabang tanong ko.
"Ginahasa ako Pierre. Ginahasa ako ng boss ko. Pinagsamantalahan niya ako." Mahina at umiiyak na sabi niya.
Napaawang ang bibig ko at napuno ng galit ang katawan ko. Hindi para kay Kiarra kundi para sa boss niya.
"Natakot akong sabihin sayo dahil baka iwan mo ako. Hindi ko kaya yon Love. Kaya ako ang lumayo. Pero hindi ko rin pala kaya. Kagabi? Yong nakita mo? Secretary iyon ng boss ko. Gusto niya rin akong pagsamantalahan pero dumating ka. Pinagpalasalamat ko sa diyos na dumating ka." Humagulgol siya. Niyakap ko siya pinatahan.
"Tanggap kita Love. Wala kang kasalanan. Biktima ka lang. Magsasampa tayo ng kaso. Lalaban tayo Love. Papalakihin natin ang bunga ng panghahalay sayo na parang anak natin. Mamahalin natin siya. Andito lang ako Kiarra. Hindi kita iiwan." Saad ko at hinalikan siya sa noo.
"The defendant Gary Villaflor is found guilty upon raping and sexually harassing the plaintiff Kiarra Savedra. The case is closed." Nag diwag ang panig namin dahil nanalo kami at nanaig ang hustiya kesa sa pera.
Ngayon nasa harap ko na si Kiarra bilang aking magiging asawa. 5 months after na matapos ang kaso ay binalak na namin magpakasal kaya heto na kami ngayon. Nasa harap ng altar.
"By the power that has given to me, I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." Saad ng pari kaya't itinaas ko ang harang sa mukha niya at hinalikan.
Kung noon tinanong ko kung bakit niya ako iniwan. Ngayon nag papasalamat ako dahil bumalik siya at mananatili na sa tabi ko habang buhay.
YOU ARE READING
ONE SHOTS COMPILATION
De TodoThis contains a random one shot stories that I have posted in my role play account.