Nagising ako sa ingay ng keyboard na nanggagaling sa laptop ng kapatid ko. Tutok na tutok siya sa ginagawa niya kaya pinabayaan ko nalang at bumaba para uminom ng tubig.
"3:38 na pala. Bat hindi pa siya natutulog? Araw araw nag pupuyat jusko." Bulong ko sa sarili ko.
Bumalik ako sa kwarto at saglit na pinagmasdan siya.
Magulong buhok, malaking eyebugs, nangingitim narin ang ibaba ng mata niya. Nakasuot narin siya ng bilog na eyeglass. Kung titignan mukha na siyang adik pero hindi. Dahil sa kapupuyat niya. Minsan nga hindi pa siya natutulog e.
"Matulog ka na. Bukas mo na ituloy yang ginagawa mo. Pag naabutan ka ni Mama na gising pa kukunin niya nanaman yang gadgets mo." Humiga na ako sa kama ko saka siya tinalikuran.
"Hmmm! Tu-tulong! A-ate!"Ungol ng kung sino.
Nagising uli ako sa ingay ni Aria.
"Wag kang maingay Aria. Inaantok pa ko." Inaantok na saad ko
"A-ate. A-te tul- tulongan mo ko!" Napabalingkwas ako ng bangon at tinignan si Aria. Puno ng pawis ang katawan niya. Nakapikit siya pero gumagalaw ang eyeball niya. Para rin siyang napaparalisado.
Mabilis akong tumayo at pinuntahan ang kama niya.
"Aria gising! Gumising ka! Nananaginip ka nanaman, Aria gising!"Niyugyog ko siya ng niyugyog hanggang sa magising siya. Yumakap siya saakin at umiyak.
"Shh, andito lang si ate. Tahan na." Huminga ako ng malalim at pinunasan ang nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mata ko.
Ganito palagi ang nangyayari pag natutulog siya. Ma slesleep paralysis siya o babangungutin kaya minsan hindi na siya natutulog pero syempre hindi naman pwedeng hindi siya matulog.
Naging ganito siya simula nung namatay ang lola namin. Sabi niya pa nga dati nakikita niya raw si lola sa panaginip niya. Ayos lang naman yon pero nung nagtaggal iba na raw nakikita niya. Puro nakakatakot na nilalang. Kaya simula nung araw na yon nag karoon ng Somniphobia or fear of falling asleep. Matutulog lang siya kapag may nakabantay sakanya.
"Ate kaya ko na po. Mag handa ka na po para sa trabaho mo." Humuhikbing sabi niya, saka ko rin napansin na umaga na pala.
"Sigurado ka? Gusto mo bantayan muna kita matulog, di na muna ako papasok sa trabaho." Umiling siya at sinabing okay lang. Tumango ako at lumabas ng kwarto para mag handa.
Nagluto ako ng pagkain niya mamaya saka naligo. Naabutan ko siyang nagtitipa sa laptop niya. Pagkatapos ko mag bihis ay hinalikan ko siya sa noo.
"May pagkain ka na sa kusina. Kumain ka pagkatapos mo jan. Alis na ko. Textan mo ko pag may kailangan ka ha." Tumango siya at ngumiti ng matamis saakin. Hindi ko rin inaasahan na yon na pala ang huling ngiti na masisilayan ko mula sakanya.
Umuwi ako kaagad dahil sa text message ni mama. Dineretcho ko ang kwarto namin ni Aria, duon nakita ko siyang nakasabit sa ceiling.
"ARIAAAA!"
Saka ko lang narealize kung ano ang nakita ko nung sumigaw si Mama.
Napaluhod ako at nanlulumong tinignan siya. Ang kapatid ko. Ang baby sister ko wala na. Napahagulgol ako at yumakap kay mama.
Ilang araw matapos ang libing ni Aria binuksan ko ang laptop niya at duon nakita kung ano ang laman ng mga panaginip niya. Isa isa ko yong binasa at napaiyak nalamang dahil sa hirap na dinanas ng kapatid ko. Pindot ko ang huling document at mas lalong napaluha.
Ang kapatid ko. She has been always afriad of going to sleep, but now she's in her coffin sleeping peacefully.
YOU ARE READING
ONE SHOTS COMPILATION
RandomThis contains a random one shot stories that I have posted in my role play account.