CHAPTER 25

143 3 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

Nakasilip ako sa terace at nagpapahangin..Nahagip ng mata ko ang isang babae at isang lalaki na magkasama..

Si Lisa? may kasamang matangkad na lalaki at di pamilyar sa mata ko..

Nakikita ko na nag uusap sila at pinapauna ng lalaki si Lisa..

Eto naman si Lisa pakipot at pabebe! ayaw pang umakyat! yari sakin to pag akyat!

Maya maya bumukas ang pinto..Dumating na si Lisa at umupo sa kama niya

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong niya..

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin..Umupo ako sa kama ko at nakatingin parin sa kanya

"San ka galing? bat ngayon ka lang? sino yung lalaking yon?" sunod sunod kong tanong..

Natawa siya at di ako sinagot..Tumingin siya sa teddy bear na hawak niya at nakangiti na parang kinikilig

"Lisa sagutin mo ko!" malakas kong pagkakasabi kaya napatingin siya sakin..

"Ano bang problema mo ha?! ano bang pake mo?" sambit niya at inirapan ako..

"May pake ako so answer me!" padabog akong pumalo sa kama..

"Fine! Galing ako sa labas, nalate ako ng uwi kasi kasama ko si Bambam.." sabi nito at nilingon ulit ang mata sa teddy bear..

Bambam? sino yun?

"Who's that guy?" tanong ko habang nakakunot ang noo at nakatingin parin sa kanya..

"Si Bambam? ka schoolmate natin siya remember? si Lil Boy?" sabi nito..

Ahh!! si Lil Boy! si Bambam..May gusto si Lisa sa lalaking yun dati!..

"Bakit kayo magkasama?" tanong ko pa..

Tinignan niya ako ng nacucurious..

"Alam mo andami mong tanong, matutulog nako!" pabirong sabi ni Lisa..

Nakakabwisit!! bat ganto to?..Anong ginagawa ni Bambam dito? at pano sila nagkita?

Nahiga si Lisa sa kama niya habang hawak ang teddy bear na hawak niya kanina pa at ang teddy bear na bigay ko sa kanya..

Humilata ako sa kama ko habang nakatingin parin sa kanya..

"Kanino naman yan? san yan galing?" naiirita at inis kong sabi.

"Sakin! galing kay Bambam at sayo..Di ba obvious?" sabi nito at inirapan ako ulit..

Hayy! di ko na kaya itago to! oo na aamin nako! nag seselos ako okay kana?

LISA'S POV

Sa totoo lang pinipigilan ko matawa dahil sa reaksyon ni Jungkook! hahahah

Mukha siyang galit na galit!

Nagkukunwari akong kinikilig parin at itinabi ang dalawang teddy bear sa tabi ko..

Wala!, gusto ko lang subukan si Jk kung ano magiging reaksyon niya!..

Ewan ko ba bat ko ginagawa to? wala naman ako sa lugar para isipin na magseselos siya?

"Ayokong makita ulit na magkasama kayo ng lalaking yun ah?!" sambit ni Jk habang nakahiga at nakapikit.

Problema nito? haha

"Bakit?" tanong ko..

"Wag mo na alamin! basta ayoko!" sabi nito at tinalikuran ako..

"Ayoko nga?!" pangasar ko..

Lumingon siya sakin at mabilis na lumapit sakin..

Linapit niya yung mukha niya sakin kaya kahit nakahiga nako, umaatras parin yung ulo ko..

It's All Fake Love || LiskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon