LISA'S POV
Andito nako ngayon sa baba ng apartment habang naghihintay sa tatlo..
Di nagtagal, dumating na rin sila..Formal ang mga suot namin at tatlo kami ni Jennie at Jisoo ay nakapantalon, si Rose lang naka palda..Pero siyempre, lahat kami naka cap at naka facemask
"Tagal niyo! hahaha" sabi ko sabay tawa..
"Eto na nga e!" pabirong sabi ni Jennie
Naglakad na kami papunta sa labas at nagulat kami ng may naghihintay na samin..Nasa labas siya ng sasakyan at nakatalikod samin
Lumingon ito samin at kumaway..
"Bambam?" tanong ko at lumapit kami
"Bat nanundo ka pa? hahaha" sabi ko sabay tapik sa kanya.
"Wala, gusto ko lang" sabi niya sabay tawa..
Tumingin siya kela Jennie, Jisoo at Rose.
"Oh, hi! im Bambam..Nice to meet you" pagpapakilala ni Bambam at nakipag kamayan sa tatlo..
Nagpakilala ang tatlo sa kanya at nakipagkamayan din pabalik..
"I know you! i remembered you!..Lil Boy! sikat ka sa school non nung high school" sabi ni Rose na naeexcite
"Yes, you're right!" sabi ni Bambam sabay hagikhik..
"Let's go?" sabi ni Bambam at pasakay na kami sa kotse niya ng may biglang tumawag sakin..
"Lisaa!!" sigaw nito kaya napatingin ako sa likod ko..
"Bakit?" tanong ko kay Jungkook
"Tara nga dito!" galit na lumapit sakin si Jk at hinila ako sa gilid para di nila kami marinig..
"San kayo pupunta?" naiinis na sabi ni Jk..
"Shh!! bakit ba? may kailangan kaba?" tanong ko sabay napakamot ng ulo..
"Ang tanong ko, SAAN KAYO PUPUNTA?!" sabi nito sabay diin..
"Kakain kami sa labas okay?" sabi ko sabay napa cross arms..
"Bakit kasama niyo yung lalaking yon? dib--" sabi nito habang naiinis pero pinutol ko ang pagsasalita niya
"Bakit ba kasi? ano bang pake mo? kaibigan ko siya okay? kung gusto mo magpasama, bat di ka doon sa jowa mo!" sigaw ko pero alam kong kami lang makakarinig..Di naman kami naiintindihan ng mga amerikano dito e
Tinalikuran ko siya at palakad na pabalik..Pero hinila niya yung braso pabalik sa kanya..Napalingon ako sa pagkahila niya ng malakas
"Bitawan mo nga ako?!" sabi ko habang pilit na tinatanggal yung braso ko kamay niya..
"Di ka talaga makikinig sakin? pag dika sumunod, uuwi ako ng Korea at iiwan ko yung 1 yr na kontrata dito!" pagbabanta nito sakin..
Papayag na sana ako pero pumasok sa isip ko yung sinabi niya na iiwan niya yung 1yr na kontrata..Bawal kasi naming iwan lang yon basta basta dahil pwede kami idemanda..
Napatitig ako sa kanya ng saglit at hininto yung pagkalas ng braso ko sa kamay niya..
"Fine! bitawan moko!" sabi ko kaya binitawan niya ako..
"Magpapaalam lang ako sa kanila" sabi ko sabay inirapan siya..
Bakit ba kasi ganon yon! pati lakad ko, pati araw ko sinisira niya!.
Bumalik ako kela Jennie, Jisoo, Rose at Bambam..
"Guys, pasensya na ah..Di pala ako makakasama ngayon.Kayo nalang, okay lang ba?" sabi ko sabay pilit na ngumingiti
"Bakit naman?" nag aalalang tanong ni Bambam
"Ahhmm kailangan ako ni Jungkook e" pagsisinungaling ko..
"Ahh ganon ba?" sabi ni Bam
"Sge una na kayo! ingat ah!" sabi ko sabay pilit na ngumiti..
Sumakay na sila sa sasakyan at umalis..
Pagkatalikod ko nakita ko si Jk na nakatingin sakin..Inirapan ko siya at umakyat na ulit sa taas
Kainis!! ganda ganda ng araw ko kanina e! ganda pa ng porma ko! tas sisirain lang niyaaa!
Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama..Sumunod sakin si Jk at pumasok na din ng kwarto.
"Ano ba kasing problema mo? di naman kita pinapakelaman sa ginagawa mo ah?!" sabi ko sabay upo..
"Ayoko lang na sumasama ka sa kung sino sinong lalaki!" sabi nito sabay upo sa kama niya
"Hindi siya kung sino sino lang!" sabi ko sabay talikod sa kanya at habang tinatanggal ang sapatos ko..
"Kahit na! ayokong makita na may kasama kang ibang lalaki!" painis pa nitong sabi sakin
"Bakit ba? ano ba kita? boyfriend ba kita?!" sigaw ko dahil narin sa sama ng loob..
"OO!" sigaw nito sabay tayo kaya napatingin ako sa kanya..
"Baka nakakalimutan mo, sa harap ng camera lang tayo mag on.. Nagpapanggap lang tayo para sa pisting project na yan!" sabi ko sabay harap sa kanya at tumayo din sa harap niya..
"Gagawin ko kung anong gusto kong gawin at ako ang magdedesisyon para sa sarili ko!" sabi ko sa harap niya..Patalikod nako sa kanya at palabas na ng pinto..
Pero hinila niya ulit ako pabalik at niyakap..Niyakap niya ako ng mahigpit para di ako makawala..Sinuklay suklay niya yung buhok ko gamit daliri niya.
"Sorry" sabi nito..
Di na ko pumalag at di narin umimik..Gumaan ang pakiramdam ko at parang naramdaman ko ang nararamdaman niya ngayon..Ang iniisip kolang, bakit siya ganon? diko maintindihan
Nagkalas kami sa pagkakayakap at tumingin siya sakin mata sa mata..
Umiwas ako ng tingin at bumalik sa kama ko..Nahiga ako at pinilit ko nalang matulog.
BINABASA MO ANG
It's All Fake Love || Liskook
Ngẫu nhiênThis story is all about Lisa and Jungkook. They are both artist (actor and actress). This is Tagalog Version❤ Plss support and love❤ [ COMPLETED ] DISCLAIMER⚠️‼️ ♛ IT'S ALL FAKE LOVE is a pure fictional. Characters, scenes and events are from the A...