LISA'S POV
Nagising ako ng makita ko si Jungkook na kakatapos lang maligo..Naka tapis lamang siya sa pang ibaba..Lumabas siya na kitang kita ang abs niya
Well di na bago sakin iyon kase ilang beses ko na yan nakita at nahawakan
"Gising ka na pala..Maligo kana at magluluto nako ng almusal at sabay narin tayong papasok" bungad niya..Tumayo naman ako at sinunod iyon..
~~~
Pag katapos kong maligo agad na kaming kumain at umalis..
Pumasok na kami para sa second shooting namen..
Nang nakarating na kame agad sumalubong samen si Jennie, Jisoo at Rose
"Lisa! buti dumating na kayo" Sabi ni Jennie
Tsaka nga pala..Si Jennie, Jisoo at Rose ay mga kaklase namen ni Jungkook since 4th year high school..Hindi sila artista pero si Jennie isang sikat na Fashion Designer, si Jisoo isang sikat at magaling na Make up artist at si Rose naman ay sikat na Singer sa buong Korea at vlogger..
"Oh bakit kayo nandito?" nagtataka kong tanong
"Masama? hahaha de joke lang..Andito ako bilang Fashion Designer niyo si Jisoo bilang Make up artist niyo at si Rose,hhhhmmm para sumama sa eksena" Sagot naman ni Jennie
"Talaga? bakit di ako na inform?" tanong ko sabay tawa
"Surprise namen..May surprise bang sinasabi agad?" sagot ni Rose
Maya maya pa lamang lumapit na sa amin si Direk at sinabing magsisimula na
*FAST FORWARD*
Natapos na ang shinooting namen ng bandang 6pm na kasama si Rose sa eksena..Sikat na singer lang naman siya hahaha siguro may kakayahan siya sa pag arte
Pauwi na kami ni Jungkook ng biglang tumakbo samin ang tatlo at nag aya
"Lisa, Jungkook bonding naman tayo kahit sa bar lang kahit onting inuman lang" aya ni Jisoo
Hayyss lasingera talaga to
Pasagot na sana ako ng oo ng biglang nag salita si Jungkook
"Bal, mga hyungs ko nag aaya sa bar inuman lang daw" sabi ni Jungkook at pinabasa sakin..Agad naman ako tumingin sa tatlo na nakikinig samin
Ang mga hyung pala ni Jungkook ay ang tumayo ng tunay na kuya o kapatid ni Jungkook simula ng iniwan siya ng pamilya niya noong 10 years old siya
"Edi sama sama nalang tayo para makilala nila yung mga hyung mo" sagot ko kay Jungkook
"Oo nga para naman magkaroon kame ng jowa......Este bagong kaibigan" sabi ni Jennie at sabay tawa namen..Umalis na kame papunta sa private bar na sinabi ng mga hyungs ni Jk..Pag kasi public baka pag kaguluhan kame
Ng makarating na kame..Agad kami sinalubong ni Yoongi oppa na nag yoyosi sa labas
"Oh nandito na pala kayo Jungkook Lisa..May kasama pala kayo, tara pasok tayo sa loob" sabi niya sabay tapon ng sigarilyo
Pumasok kami at nakita na nakaupo ang mga hyung ni Jk habang hinihintay kame
"Hyung!" malakas na tawag ni Jungkook habang papalapit sa kanila
Nagsitayuan sila at niyakap kame maliban sa tatlo
"Di mo naman sinabi na may kasama kayong mga babae" bungad ni Taehyung
"Ohh Rose right? the famous singer in whole Korea?" excited na sabi ni Jimin habang tinuro si Rose
"Yes nice to meet you all" sagot ni Rose at kinamayan siya at lahat sila
Nagkamayan den sila Jennie at Jisoo sa mga oppa..
Umupo kame sa tapat nila at nag inuman..
"Kamusta career sa inyong dalawa?" tanong ni Namjoon oppa
"Maayos naman, masaya kase may bagong proyekto..Ipapalabas worldwide" sagot ko ng may ngiti
"Oh ayos yan, sakto i-celebrate na natin ngayon" yaya naman niya
Tinawag ni Hoseok oppa ang waiter at nag request pa ng isang bucket ng beer at mga pulutan
~~~~~
Nang maubos na ang dalawang bucket ng beer nakita ko ang mga oppa at si Jungkook na lasing na lasing na
Sila Jennie, Jisoo at Rose naman ay lasing na pero kaya pa tumayo at maglakad ng maayos
1:00am na ng madaling araw natapos ang inuman..May pasok pa pala kame ni Jungkook kelangan na namin matulog at mag pahinga
"Hyung uwi na kame ni Jungkook lasing na siya eh may pasok pa kame bukas" sabi ko sabay alalay kay Jungkook para itayo
"Maaga pa Lisa inuman pa tayo..Di pa yan lasing kaya niya pa" sabi ni Jimin na lasing na lasing na din
"Pasensya na Jimin kelangan na namen umuwi" sabi ko
Si Jimin at Taehyung mas matanda samin ni Jk pero nasanay na kameng hindi sila kuyahin
"Hayaan mona sila..Maaga pa sila bukas" sabi naman ni Yoongi oppa na hindi masyado lasing
Tumango ako at kinausap ang tatlong mga babae
"Ano kaya niyo pa? kaya niyo pa umuwi?" tanong ko na medyo may pag aalala
"Uuwi na kayo?" tanong naman ni Jennie..Tumango naman ako
"Sige na ako ng bahala dito dipa ako masyado lasing" sabi naman ni Rose
Pangalawa sa bata si Rose sa aming apat pero siya talaga ang responsable samin
Inakay kona si Jungkook pasakay ng sasakyan..Tinulungan naman ako ng mga guards namin..
Maya maya palamang nakarating na kame ng bahay..Pinasok ko sa loob ng kwarto si Jungkook at hiniga
"Hayys sobrang bigat mo!" sabi ko sa kanya...Tinanggal ko ang sapatos ni Jungkook at binihisan ng damit na magiging komportable siya
Ng matapos nako sa lahat..Nahiga na ako sa tabi niya pero naka talikod ako sa kanya kase sobrang lasing niya talaga
Patulog nako at papikit ng biglang yumakap sakin si Jungkook
"Ji Euunn......" mahinang sabi ni Jungkook
Ji Eun? sinong Ji Eun? yung pinsan ko? Lee Ji Eun? sikat na singer na pala siya
Pero bakit binanggit ni Jk pangalan niya?
Simula na akong kabahan at kutuban..Pero isipin ko nalang na wala lang..Pinsan ko nman yun e..baka napaginipan ni Jungkook kaya niya nabanggit
Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog..Ngunit ilang minuto na nakalipas bat parang may bumubulabog sa isipan ko?
Isang oras na nakalipas 3:30am na ng madaling araw hindi parin ako makatulog..
Tumayo ako at kinuha ang sleeping pills at ininom..Humiga ulit ako at hinintay dumalaw ang antok..
Maya maya pa lamang ay nakatulog nako ng may pag aalinlangan sa puso't isip ko
BINABASA MO ANG
It's All Fake Love || Liskook
RandomThis story is all about Lisa and Jungkook. They are both artist (actor and actress). This is Tagalog Version❤ Plss support and love❤ [ COMPLETED ] DISCLAIMER⚠️‼️ ♛ IT'S ALL FAKE LOVE is a pure fictional. Characters, scenes and events are from the A...