LISA'S POV
Nasa eroplano nako ngayon at nakatitig lang sa ulap. Pabalik nako ng Korea at naghihintay na sakin mga mahal ko. Pero diko alam kung tatanggapin niya pako
3 years passed from now ang huling kita ko kela Jennie, Jisoo at Rose. At lalong lalo na sa lalaking minamahal ko
~~~~~~
Nasa airport nako ngayon sa Korea. Naglalakad ako palabas ng pinto pero nagulat ako ng biglang may lumapit saking mga bata"Unnie! please take this!" sabi nito at iniabot ng batang babae ang bulaklak
"Noona! eto din!" bungad din ng batang lalaki at iniabot ang papel na may lamang message
Tumango ako at binuksan ang papel at binasa ang nakasulat
"Lumabas ka ng airport. Dumeretso ka at kumanan"
Maikling sulat nito. Tumingin ako sa paligid at sinunod ang nakasulat
Paglabas ko ng airport, dumeretso ako at kumanan
Duon bumungad sakin ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na
"WELCOME BACK LISA!"
Natatakpan nito sila Jennie, Rose, Jisoo, Taehyung, Jimin, Jin oppa, Namjoon oppa, Yoongi oppa, Hoseok oppa, at higit sa lahat si Jungkook
Lumabas sila mula sa likod nito unang kumuha ng atensyon ko ay si Jungkook.
May hawak siyang bulaklak. Lumapit siya sakin at lumapit din ako sa kanya.
"A-ano to?" tanong ko at ngumisi
Binigay niya sakin ang bulaklak at ngumiti sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit at narinig ko ang paghikbi niya at pagpunas ng luha
"So-sorry" nauutal kong sabi habang patuloy na umaagos ang luha ko
"Sshh! don't say sorry. Diba sabi ko sayo kung gusto mo bumalik, bumalik ka anytime at tatanggapin kita" sabi nito sabay suklay sa buhok ko
Nagkalas kami sa pagkakayakap at nagtitigan mata sa mata. Hinalikan ko siya sa labi at niyakap ulit.
Sumalubong at lumapit sakin sila Jennie, Jisoo, Rose at mga hyung ni Jungkook
Kumalas ulit ako sa pagkakayakap kay Jungkook at lumapit kela Jisoo, Jennie at Rose
"Kelan siya lalabas?" tanong ko kay Jisoo habang nakaakbay sakanya si Jin. Niyakap ko si Jisoo ng mahigpit pero iniwasang maipit ang tyan niya
Buntis kasi si Jisoo. Wala kasi ako nung ikinasal sila at nung honey moon nila, kaya yon diko nabantayan si Jisoo at nakabuo sila ni Jin.. De joke lang hahahaha
"Next month" sagot ni Jisoo sabay kalas sa pagkakayakap.
"Ikaw, kamusta kana? namiss ko kakulitan mo, sorry di ako nakaatin ng kasal niyo ni Taehyung" sabi ko kay Jennie at niyakap siya
Di niyako niyakap pabalik at pagkalas ko, binigyan niya ako ng masamang tingin
"Nagtatampo ako sayo! wala ka sa kasal ko!" sabi nito at naka cross arms.
Tumawa ako at kinurot ang pisngi niya. Ang cute kasi non ni Jennie pagnagtatampo, kaya nga nainlove si Taehyung e
"Sorry na? bawi nalang ako sa anak niyo ha?" sabi ko at ngumiti siya
"Lisa!!" tili ni Rose kaya napatakip ulit ako sa tenga
"Sa wakas! buti naman bumalik kanaa! ikakasal na kami ni Jimin" bungad nito kaya nanlaki ang mata ko at natuwa
Niyakap ko siya at nagcongrats. Niyakap ko rin ang mga hyungs pa ni Jungkook dahil namiss ko rin nman sila.
Umuwi kami sa bahay namin ni Jungkook. Nalaman ko kasi na don siya bumalik nung umuwi sila ng Korea galing sa US
Namiss ko ang buong bahay! lalong lalo na yung isa pang may ari ng bahay! hhahah
Sobrang thankful talaga ako kay Bambam.
3 years ago, nung umuwi na sila Jungkook sa Korea. Naiwan ako mag isa at nagstay sa bahay ni Bambam
Nahalata daw kasi ni Bambam na mahal ko pa si Jungkook at pinapakisamahan ko nalang siya.
Naramdan ko na sobrang nasaktan siya ng nagdesisyon siyang pakawalan ako, kasi sabi niya mas sasaya daw siya pag naging masaya ako sa piling ng taong mahal ko.
Kaya napagtanto ko na tama siya. Pinaalam ko kela Jisoo na uuwi nako ng US at wala na kami ni Bambam
Pero ang diko alam ay sinabi nila kay Jungkook kahit sinabi ko na wag sabihin.
Sobrang thankful ako kay Bambam, kasi sa katulad niyang lalaki ako napunta. Diko inaasahang mapapansin niya yon at itataya ang kasiyahan niya para sa kasiyahan ko
Sabi niya rin sakin na sa una palang ramdam niya na pero hinayaan niya lang, pero pinaliwanag niya na hindi na daw kinaya ng kosensya na pilitin kong maging masaya kasama siya.
Kaya yon, tinanggap niya nalang ang katotohanan at pinalaya ako..
Pero higit na higit na higit sa lahat, sobrang thankful ako kay Jungkook.
Kasi tinanggap niya parin ako at di nawala ang pagmamahal niya para sakin kahit tatlong taon akong wala sa tabi niya
Di ko talaga inaakala na tatanggapin parin ako ni Jungkook after all I've done to him. Nasaktan ko siya ng sobra sobra at pinagsisihan ko yon
Pero ang diko pinagsisihan, ay yung BUMALIK AKO SA TAONG MAHAL KO NA KAHIT GAANO KO SIYA NASAKTAN, NAGAWA NIYA PARIN AKONG TANGGAPIN..
-END-
BINABASA MO ANG
It's All Fake Love || Liskook
SonstigesThis story is all about Lisa and Jungkook. They are both artist (actor and actress). This is Tagalog Version❤ Plss support and love❤ [ COMPLETED ] DISCLAIMER⚠️‼️ ♛ IT'S ALL FAKE LOVE is a pure fictional. Characters, scenes and events are from the A...