CHAPTER 24

131 5 5
                                    

LISA'S POV

It's already 5:00pm..Im walking alone in the street with a cap in my head and facemask in my face..

Naglalakad ako habang iniisip yung nangyari kanina..Thank you kay direk dahil may ganong segment at ganong klaseng celebration..

Kahit papaano pabawas na ng pabawas yung bigat na nararamdaman ko..Sobra sobra nako sa pag mamahal ng mga kaibigan ko at mga fans..Pero hindi sa isang lalaki..

Masaya nako at okay na sa ganito..Si Jungkook at Ji Eun..Kahit nasasaktan ako pag nakikita ko sila.

Siguro nga hindi talaga kami yung para sa isa't isa at makakahanap pa ako ng ibang lalaki na magmamahal sa akin..

Kalagitnaan nako ng paglalakad at nag iisip parin habang nakayuko..Di kona nakikita dinadaanan ko..

Huminto ako sa tawiran ng mga tao..Nakita ko sa harap ko na wala ng dumadaan na sasakyan kaya nagpatuloy ako sa pag lalakad..

Nagulat ako ng may humila sa braso ko pabalik..Natanggal ang cap ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya..

Sobrang bilis ng pangyayari at napansin ko na may dumaang sasakyan sa harap ko..

Napansin ko rin na kung hindi niya ako hinila ay baka nagkalas kalas na parte ng katawan ko sa daan dahil sa sobrang bilis ng sasakyan.. Napalingon din ako sa stop light ng daanan ng mga tao at nakita kong naka red pa..

Buti nalang nasagip niya ako..

Napa lingon ako sa kanya kaya nabitawan niya ang paghawak sa braso ko..

"Ayy sorry" sabi nito..

"That's okay, thank you" sabi ko at tumango..Hinanap ko sa paligid ang cap ko at kinuha..

"Wait? Lisa?" tanong nito ng ilalagay kona dapat ang cap ko..

"You know my real name?" nacucurious kong tanong..

"Yes, it's me..Bambam!" masayang ani ni....Bambam?

Wait? Bambam? pamilyar sakin yung pangalan at parang narinig kona..

"Im sorry i can't remember" sabi ko at tawa tawang ngumiti..

"Di moko naaalala? nung high school?" sabi nito..

Laking gulat ko ng nagsalita siya ng lenggwaheng yon..Tsaka sabi niya nung high school daw..

Wait isipin ko mabuti....

Ahh!! naalala ko na! baka schoolmate ko siya? hahah

"Di talaga kita matandaan e..Paalala mo nga sakin?" sabi ko sabay napakamot sa ulo.

"Sige, sasabihin ko sayo pero wag tayo dito" sabi ni Bambam at tumango ako..

Oo nga naman, mag uusap kami sa tawiran?..Pinunta niya ako sa park at umupo sa tabi ng puno

"Sabihin mona?" sabi ko..

"Hayy sabi na e..Ineexpect ko na hindi moko makikilala" sabi nito sabay buntong hininga..

"Kaya nga ipaalala mo na e" sabi ko na parang naeexcite na bata na makikinig sa kanya..

"Ganito kasi yun..Alam kong iniisip mo na pamilyar yung pangalan ko.Kasi nga ka schoolmate moko at ako yung tinatawag niyong 'Lil boy' na maliit lang dati tapos laging pambato ng school pero matangkad nako ngayon..Natatandaan mo na?" kwento nito..

Ahh! oo! siya yon! sabi ko na e! ka schoolmate namin siya since 1st year highschool hnggang 3rd..Sya nga!

"Aahhhh! okay! naaalala kona" sabi ko sabay tawa..

Ewan ko ba, naaawkward ako kausap siya kasi di naman talaga kami close..Pero kung kausapin niya ko daig ko pa mga tropa niya..

"Naaalala ko crush mo lang ako nung 1st year high school ah! tapos ngayon isa ka ng sikat na artista" pangangasar nito..Natawa lang ko sa sinabi niya.

"Sabagay naging crush din kita noon!" pangasar niya pa ulit na mas lalo ko ring ikinatawa..

"Kaso nga lang naunahan nako ni Jungkook" sabi nito sabay tawa..

"Kilala mo?" tanong ko..

"Di ba obvious? sempre kilala ko at alam ko na kayo na since 4th yr.." sambit nito..Napatango lang ako at iniwas ang tingin..

"Oo nga pala? bat ka nandito sa US? nagtatrabaho ka dito?" tanong ko..

"Remember? kaya hindi kona natapos ang pang 4th year ko sa school natin kasi pinauwi ako ng States?..Dito nako nakatira at nag tatrabaho" pagpapaliwanag niya sakin..

"Anong trabaho mo?" tanong ko na parang nag iinterview ako sa kanya..

"May ari ako ng isang sikat na company" sabi niya sakin at diko na ikinagulat yon..

"WOW! congrats!" ani ko sabay apir sa kanya at tumango siya..

"Eh ikaw? kamusta? balita ko may show kayo dito sa US ah?" tanong ni Bambam ng nakangiti..

"Yea! 1 year ang kontrata namin dito at pang 5th months na namin ngayon" sabi ko at binigyan din siya ng ngiti..

"Oo nga noh? napanood ko yung show niyo kanina..Condolence for your lost baby" sabi nito ng may lungkot sa boses..

Di ko maiwasang mapayuko..Eto nanaman tayo Lisa! nakakahiya!

Buti nalang napigilan ko pa pagbagsak ng luha ko at pinunasan na habang nasa mata palang..

"Oww, sorry nabanggit ko pa yon..Tara libre kita" aya sakin ni Bambam at hinila ako patayo.

Pinunta niya ako sa resto at kumain ng dinner..Sunod, nagpunta kami sa park na may mga rides..

Angganda ng paligid at puro ilaw..Natakpan ng makikinang na liwanag ang madilim na paligid..

Ang sarap sa mata! ngayon nalang kasi ako nakakita ng magandang view..Last kasi yung dinala ako ni Jungkook sa secret garden..

"Bat tayo nandito? 9:00pm na ng gabi ah?" nagtataka kong tanong..

"Wala, i just wanna go here with you" sabi nito hanabang nakapamulsa..Tumango ako at tumingin ulit sa mga ilaw

"Angganda!" manghang mangha kong sabi..

"Oo nga ang ganda" sabi ni Bambam habang nakatingin sakin..Mabilis siyang napaiwas ng tingin nang lingunin ko siya..

"Oo nga angganda! ganda ng ilaw, ng palamuti" sabi nito habang nililibot yung mata sa paligid..Natawa lang ako sa ginagawa at reaksyon niya..

Naglakad lakad lang kami sa park na yon at naggala..Sumakay kami sa iba't ibang rides at sumali sa mga palaro..Kumbaga masasabi kong isa tong maganda at malaking perya..

~~~~~~
Pauwi na kami Bambam at naglakad lang kami..10:30pm na ng gabi at hinatid ako ni Bambam sa labas ng apartment..May daladala akong maliit na teddy bear na nanggaling sa napanalunan namin..

"Thank you!" sabi ko sa kanya ng may ngiti..

"You're welcome, thank you din..Pasok kana!" sabi nito sakin at ngumiti..

"Mauna kana! maglalakad ka lang e!" sabi ko at medyo natatawa..

"Sige na mauna kana..Aalis lang ako pag nakita kong nakaakyat kana" pilit nito sakin kaya napilitan nakong pumasok..

Kumaway ako sa kanya bilang pag 'ba-bye'..

Umakyat nako gamit elevator at pumunta na sa kwarto..

Pagpasok ko, nakita ko si Jungkook na nakasilip sa terace at nakatalikod..

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sabay patong ng bag sa kama at umupo..

Lumingon siya sakin at lumapit..Binigyan niya ako ng masamang tingin kaya nagulat ako..

It's All Fake Love || LiskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon