CHAPTER 3

227 3 0
                                    

LISA'S POV

Nagising nako ng 5:00am..Dalawang oras lang tulog ko kaya sobrang sakit ng ulo ko..Si Jungkook tulog pa

Hindi nako ulit makatulog kaya ipinikit ko nalang mata ko at nagpahinga..

Matapos ang ilang minuto,idinilat kona ang mga mata ko at tumayo..

Nagluto ako ng mainit na sabaw para sa hangover ni Jungkook..Maya maya nagising na si Jungkook

"Bal, bumangon kana diyan nagluto ako ng mainit na sabaw para sa hangover mo" sabi ko sa kanya

Tumayo siya at pumunta sa banyo..Paglabas niya umupo agad siya sa upuan at humingi ng mangkok para sa sabaw..Agad ko siyang binigyan at inabutan na rin ng tubig at gamot para pampatanggal ng hangover niya

Tumabi ako sa kanya at niyakap..

"Masakit pa ulo mo?" tanong ko

"Maligo kana, pagtapos mo susunod nako" sabi niya..Iyon naman ay ikinagulat ko at napatanggal sa pag kakayakap sa kanya..Wala na akong magawa kundi tumayo at maligo na..

Ngayon lang siya nakapag sabi ng ganon na cold sakin..Hindi ko nalang ininda at hinayaan nalang..Inisip ko nalang na baka wala siya sa mood..

Pag katapos ko maligo,pumasok agad si Jungkook sa loob ng banyo..Iniwan niya sa lamesa ang pinagkainan niya at baso ng tubig..

Iniligpit ko nalang iyon at nagbihis na..Pag labas niya ng banyo, nag bihis na siya at umalis na kame..

*FAST FORWARD*

Nang nakarating na kame sa lugar na pang 3rd scene na ishoshoot namen, sakto magsisimula na at aayusan na kame..

Nagulat ako ng makita nanaman si Jennie, Jisoo at Rose..Buti nakapasok sila

"Oh, kala ko isang araw lang kayo?" tanong ko

"Ano kaba? ayaw mo ba kame kasama? hanggang matapos to kasama mo kame" sabi ni Jennie

"Buti nakapasok pa kayo?" sabi ko ng nakangiti

"Umuwi na rin kame ng umuwi kayo" sabi ni Rose

"Edi iniwan niyo sila oppa?" tanong ko at tumawa ng onti

"Umuwi narin sila" sabi ni Rose

"Ahhhh.." sabi ko sabay tango

"Miss IU! you're here, mag iistart na tayo maya maya" malakas na pag kakasabi ni direk

Napatingin naman ako sa likod ng makita ko ang pinsan ko..Si IU,pinsan ko siya..Pangalan niya talaga Lee Ji Eun pero mas sikat siya bilang IU as singer

Lumapit kame sa kanya at nagtanong ako..

"Oyy insan, long time no see ah? ano ginagawa mo dito? guest karen?" tanong ko

"Oo, inimbitahan nila ako dito..Palabas niyo to ni Jk right?" sabi niya

"Yah, dimo sinabi may hilig ka rin pala sa pag arte" sabi ko sabay tapik sa braso niya

"Tsaka nga pala sino sila?" tanong ni Ji Eun sakin sabay tingin sa tatlo

"Ahh mga kaibigan ko sila..Si Jennie Fashion Designer, Si Jisoo Make up Artist at si Rose Singer..Kasama siya sa mga eksena" sabi ko at pagpapakilala sa kanya

"Ohh nice to meet you" sabi ni Ji Eun at sabay pakikipagkamay sa tatlo kong kaibigan

"Miss Ji Eun hinahanap napo kayo ni direk aayusan napo kayo" tawag ng staff namin

Sumama na si Ji Eun sa staff at pumunta na kaming apat para ayusan na kami ni Rose..

Inaayusan na kami ni Rose nila Jennie at Jisoo..Nang biglang nag salita si Rose

It's All Fake Love || LiskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon