JUNGKOOK'S POV
Nagising ako ng makita si Lisa na nasa kusina habang kumakain at nakatulala..Nung nakita ko siya na parang sobrang nasaktan sa lahat ng ginawa ko sa kanya, sumikip ang dibdib ko at nadurog..Parang nagsisi tuloy ako sa ginawa at nasabi ko sa kanya..
Kaya naman agad akong tumayo at pumunta ng banyo..Pag labas ko nakita ko siyang nagkakape sa rooftop..Nilapitan ko siya at niyakap ng patalikod..
"Sorry" matipid kong sabi dahil diko alam kung anong magiging reaksyon niya
"Sorry saan? diba sabi mo wala ka namang ginagawang masama sakin?" sabi niya
"Sorry na nga e, bati na tayo?" sabi ko ng medyo nag papacute
"Ayoko, ndi pa!" sabi niya sabay kalas sa pag kakayakap at pumunta ng kama at umupo
Hayyy nako ganto talaga to pakipot tsaka matampuhin..
Sinundan ko sya at umupo sa tabi niya..
"Sige aalis nalang tayo, idadate kita" sabi ko sabay ngiti..Agad siyang napatingin at napangiti
"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya
"Basta maligo kana aalis na tayo..Tayo lang magkasama buong araw" sabi ko ng nakangiti
"Ngayon na? maaga pa" sabi niya
"Basta maligo kana mag bibihis nalang ako" sabi ko..Agad naman siya tumayo at pumunta ng banyo para maligo..Nag bihis na ako at nag ayos..
Matapos ang ilang minuto lumabas si Lisa ng nakatapis..Oo aaminin ko kahit ilang beses ko na siyang nakitang nakatapis, ndi ko parin nakikita buong katawan niya na walang harang at higit sa lahat hindi ko pa siya nagagalaw..
Kumuha si Lisa ng susuotin at pumasok ulit sa banyo...Pag labas niya, nakita ko siyang suot ang regalo ko sa kanyang dress na ngayon niya palang isusuot..
Tumibok ng mabilis ang puso ko at parang yung kilig ko bumalik nung sinagot niya ako..
"Maganda ba?" tanong niya
"Basta ikaw ang mag susuot laging maganda" sabi ko at napatayo
"Hahahhaha tara na nga!" sabi niya..
Lumabas na kami at umalis...Dinala ko siya sa lugar na walang ibang nakakaalam kundi ako lang..
Itong lugar na ito ay may isang malaking gate at naka lock..Kung madadaanan mo siya para lang siyang isang abandonadong lugar pero pag pumasok ka sa pinakaloob, doon mo makikita ang Secret Garden..
Nang nakarating na kame, niyaya ko siyang pumasok sa loob..
"Dito tayo pupunta? saan to?" tanong ni Lisa
"Basta, sigurado akong magugustuhan moto" sabi ko..Inunlock ko ang gate at binuksan
"Sigurado kaba? parang abandonadong lugar nato e" sabi ni Lisa
"Oo wag ka mag alala..Sabi nga nila 'Don't judge a book by its cover'" sabi ko at pumasok na kame at sinara ang gate
Pinunta ko si Lisa sa pinaka loob looban hanggang nakarating na kame..
Gulat na gulat siya ng makita ang paligid..Ang paligid ay puno ng mga bulaklak at matataas na puno..
Pinunta ko siya sa lugar kung saan may upuan at sa tapat non ay mga sunflower na paborito ni Lisa
Nahanap na nmin ang lugar na iyon at umupo..
"Diko alam may alam ka palang lugar na ganito" sabi niya
"Ngayon alam mona" pabiro kong sagot
"Kelan mo pa to nadiskubre?" tanong niya
"Mga 9 years old pako..Kaya simula ng iwan ako ng pamilya ko,dito nako namuhay ng mag isa..Hanggang isang araw mga 13 years old nako, sinubukan kong lumabas dito at magpakita sa maraming tao..Simula din non duon nako kinupkop ng mga hyung ko" kwento ko..
*FAST FORWARD*
Natapos na ang mahabang kwentuhan namin ni Lisa at umalis na..Sunod, pumunta kami sa pangmayaman na restaurant na pang private..Mahirap na baka pag ka guluhan kame
Ng nakarating na kame, umakyat kami sa 2nd floor..Umupo kame sa table malapit sa bintana..Tumawag kami ng waiter at umorder ng pagkain..
Habang nag hihintay nagkukwentuhan kami ni Lisa..Maya maya sumigaw siya at may tinawag sa likuran ko
"Ji Eun!!!" malakas na sigaw ni Lisa
Napatingin ako kung sino at nakita ko si Ji Eun..Shiitt!!!!! bat siya nandito? pano to? anong gagawin ko?
Lumapit samin si Ji Eun at laking gulat niya ng makita niya ako..
"Ohh sorry wrong timing ako, nag dadate pala kayo...Sge insan una nako" sabi ni Ji Eun
"Teka! kakapunta mo lang ah? aalis ka agad? tara join with us" yaya ni Lisa..Kinakabahan nako sa time nato, baka kasi mahalata ni Lisa na nag kakailangan kame
"Ayy wag na nakakahiya naman" sabi ni Ji Eun
"Hindi yan,ano kaba?! maupo kana" yaya ulit ni Lisa..Tumayo si Lisa at lumipat sa tabi ko, umupo naman si Ji Eun sa harap namin
Shitt! parang gusto ko ng kumawala dito at umalis...
Maya maya palamang ay dumating na ang inorder namin at buti nalang may mga sobrang pagkain at nag kasya samin tatlo para dina umorder at maghintay ulit..
"So, anong ginagawa mo dito? sino kasama mo?" tanong ni Lisa
"Ahh,ako lang mag isa..Pumunta ako dito para sana kumain mag isa pero luckily nakita ko kayo" sagot ni Ji Eun at nakikita ko naman ang bawat sulyap niya sakin..Hindi ako makatingin sa kanya ng matagal dahil naiilang ako at kinakabahan
"Ahh ganon ba?...Last meeting natin hindi kita masyado nakausap pero kamusta kana?" tanong ulit ni Lisa
"Ayos naman" matipid na sagot ni Ji Eun..Wala akong kibo sa panahon na yun dahil baka mahalatang kinakabahan ako
"Eh kamusta naman love life mo? may jowa kana ba? may nanliligaw na sayo?" tanong nanamn ni Lisa na lalong nag palakas at nag pabilis ng tibok ng puso ko..Nabilaukan naman ako ng pagsalita na si Ji Eun, agad naman ako inabutan ng tubig ni Lisa
"Uhhmm, actually hindi ko talaga alam eh" sagot ni Ji Eun sabay ng pagtingin ko sa kanya
What did she mean by that? dapat sinabi niya nalang na wala!.
"What do you mean by 'hindi mo alam'" walang katapusang tanong ni Lisa
"Uhmm i mean.....Nothing, nevermind" sabi niya
Matapos ang isang oras, tapos na kami kumain at magpahinga..Niyaya kona si Lisa umuwi
"Wait..How about you? sabay kana samin" yaya ulit ni Lisa kay Ji Eun..Tinignan ko si Ji Eun na parang nagsasabi yung mata ko na Wag Na!
Umiling nman si Ji Eun.."AYy hindi na,salamat nalang" sabi niya
Umalis na kami at unti unti ng nawawala ang kaba ko..
Nakauwi na kami ng bahay at nagpahinga...Sana naman hindi nato maulit, parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba..
BINABASA MO ANG
It's All Fake Love || Liskook
RandomThis story is all about Lisa and Jungkook. They are both artist (actor and actress). This is Tagalog Version❤ Plss support and love❤ [ COMPLETED ] DISCLAIMER⚠️‼️ ♛ IT'S ALL FAKE LOVE is a pure fictional. Characters, scenes and events are from the A...