Chapter 1: **C.L.A.R.E is the name..

44.7K 1.1K 140
                                    

Clare's POV


"Mahal na Prinsesa... Gumising na po kayo.."


Minulat ko na ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang mga nakahilerang maid na sabay-sabay yumuko..



"Magandang araw, Kamahalan!"

Bumaba na ako sa higaan at pinagsilbihan na nila ako..






Ganito ang buhay prinsesa... kulang na lang pati paghinga mo sila na ang gagawa..


"Mahal na prinsesa, handa na po ang hapag kainan.."-sabi ng isa habang nakayuko..



Dumiretso na ako sa kainan at halos maglaway na ako sa mga nakikita ko...



WAAAHH!! *_*



Ang daming pagkain..



Pagkaupong pagkaupo ko.. pinagsilbihan kaagad nila ako at naglagay ng pagkain sa aking pinggan...



Eto na!! this is Heaven!!



Kaso nawala lahat ng pagsasaya ko nang may naramdaman akong yumayanig... te-teka!! Anong nang yayari?!?!


Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko!! Ang mga maid sa paligid ko ay nanatiling nakatayo lang...


Biglang nabiyak ang lupa at unti-unti akong hinila pababa...



"Paalam prinsesa.."



NOOOO!!!

***


"CHRISTA LENA AURORA RIANNA ECO AVALON!!"


Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang buo kong pangalan...



"Kayo mo pala Ms. Anne.. Goodmorning po!"



"Anong good sa morning kung sakit ng ulo ang dala mo?!Hala!! bumangon ka na dyan at mamamalengke ka pa!!"



"Opo!!"


Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon