Chapter 36: Vire Second Day (Part 3)

19.3K 759 7
                                    

CLARE’S POV

Kanina pa kami naglalakad at hinahanap yung creeps cave…

Yun daw kasi yung lagusan paalis dito…

Pinainom ulit ako nila blaze nung tubig na kulay pink na pangit ang lasa… binendahan na rin nila yung sugat ko…nawala naman yung sakit ng paa ko pero nagdudugo pa rin yung sugat ko…

“ah blaze… ibaba mo na ako… hindi naman na masakit yung paa ko…”

May hiya rin naman ako kahit papaano… kanina nya pa kasi ako buhat buhat…

At ano pa bang aasahan ko kay blaze??? Hindi lang nya ako pinansin…

Tss… bahala ka dyan… hindi naman ako ang mangangalay…

“psst!!psst!!!”

Napahinto sila sa paglakad… may pumupusitsit..

Huh???

Agad naming hinanap yun at hindi kami nabigo…

Klaus at Ice???

Pareho silang nakatago sa itaas ng puno…at nakasign na huwag kaming maingay…

“ba—“magtatanong sana si Max kaso agad nilang tinuro ang na bandang gilid namin…

Agad akong namutla ng makita ko ang pamilyar na itsura ng nilalalang na iyon…

ogre…

Dahan dahan na naglakad kaming paatras…

Pero tila nanlumo kami ng marinig ang sigaw ng babaeng pamilyar sa aming lahat…

Si silvia…

 

Kasama nya si Acer at buhat sya na parang sako…

“RUN FOR YOUR LIVES!!!!!”-Acer

Yun ang isinigaw ni Acer at siguro ay talo ko pa ang bond paper dahil sa pagkaputla ng mukha ko…

May tatlong ogre na humahabol sa kanila at dahil narinig si Silvia nung ogre na tinataguan namin… apat na ngayon ang ogre na kailangan naming takasan…

Nagsitakbuhan na kami-este sila… buhat nga kasi ako ni Blaze…

Pasuot-suot lang kami kung saan saan…

“ang creeps cave!!”-sigaw bigla ni cass

“malapit na tayong makalabas!!”-Max

Mas binilisan nila ang takbo at nakapasok kami sa kweba… hindi naman na sumunod yung mga ogre..

Phew! Puro marathon lang ang ginawa ko ngayong araw ah… kanina hinabol ako ng yati.. sumunod naman ng Vipers… at pati ba naman ng Ogre hindi ako pinatawad???

Nag-umpisa nang maglakad at nakita ko na naman ang mga mushroom na umiilaw… kagaya nung dun sa isa pang cave na pinasukan namin…

“teka… princess anong nangyari sa paa mo???”-Klaus

“nadapa ako…”-yun lang ang sinabi ko…

Maya-maya’y may naramdaman akong kakaiba…

Napatigil kaming lahat at nagmasid sa maligid…

Wala naman akong ibang nakikita kundi ang mga mushroom na umiilaw at ang mga ahas na nakabantay dito..

Nakaramdam ako ng kakaibang lamig…

May narinig akong babaeng kumakanta… nagsitayuan ang mga balahibo at kinilabutan ako…

creepers…”-pabulong na sabi ni Cass

A/N:

Hello po!! thanks for supporting my story... sorry din dahil andaming typos and wrong grammars...

Kahit gustuhin ko mang mag-UD araw-raw ay hindi pwede dahil kagaya nyo ay estudyante rin ako at kailangang magbakasyon... at malas nga naman dahil mahirap makakonekta sa internet dito sa province...so pasensya na... 

Hope you like this UD!! ^_^

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon