Chapter 62

6K 250 32
                                    

CLARE'S POV

Kinalma ko ang sarili ko at tinitigan ang taong nasa harapan ko.

Kamukhang kamukha sya ng ama ko at hindi ko maipagkakailang namiss ko sya. Namiss ko ang papa ko.

Unti-unting bumagsak ang mga luha ko dahil sa sari-saring emosyon. May saya, lungkot at lalo't higit sa lahat... Takot. Natatakot akong malaman ang lahat.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang may dumating na mga kalalakihan.

"Mahal na Hari." Bati nila sabay yumuko bilang pagbibigay galang.

"Dalhin nyo ang prinsesa sa kanyang silid." Ngunit bago pa makakilos ang mga ito. Bigla silang napahinto at tila hindi na makagalaw.

Nawala ang mga rehas na nagkukulong sa akin at sa isang iglap, may bumuhat sa akin papaalis. Nang tignan ko kung sino ito...





"Gray?"

"Prinsesa" Nakangiti nyang wika. Maya maya pa'y ibinaba nya na ako pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang kasama namin. "Elder Ni?"

"Apo" nakangiti nyang wika sa akin atsaka tumingin muli sa harapan. "Nagbalik ka nga."

"Elder Ni." Seryosong sabi ng Hari ng Nemesis. "Wag na po kayong makialam"

"Ang bawat buhay ay may katapusan. Nakatadhana ang lahat. Masisira ang balanse kung pipigilan mo ang tadhanang nakatakda para sayo. Natapos na ang panahon ninyo. Bakit ka pa nagbalik?" Mahinahong sabi ni Elder Ni pero mukhang nagalit ang Hari dahil sa sinabi nya.

"Tapos na? Nagsisimula pa lang ang panahon ko! Tama kayo dahil nakatadhana ang lahat. At isa sa nakatadhana ay ang pagbabalik ko dito. Ang muling pagbangon ng kaharian ko!!!"

"Hindi mo na muling maibabalik ang kaharian. Tandaan mong ikaw ang sumira nito!!!" Sigaw ni Elder Ni.

"At dahil doon kaya ako muling nagbalik para muli itong ibangon. Ibigay mo sa akin ang anak ko." Sabi naman ng Hari atsaka humakbang papalapit sa amin. Tila kinabahan naman si Elder Ni at humarang sa harap ko. Pati si Gray ay inilagay ako sa likod nya.

"Wag mong idamay ang bata!" Sigaw ni Elder Ni at iwinasiwas ang tungkod nya. Lumiwanag iyon ngunit nagbato bigla ng Fire Ball ang Hari kaya hindi natuloy ang balak gawin ni Elder Ni.

"Hellion!" Sigaw ni Elder Ni na ikinagulat ko dahil pagtawag nya sa pangalan ng ama ko.

"Maaari kayong umalis pero kailangan nyong iwan ang anak ko." Sagot ulit ng Hari at tinanguan ang mga tauhan nya. Laking gulat ko nang makitang nakakagamit sila ng yen. Hindi ba't hindi na nakakagamit ng yen ang Nemesians?

Napasinghap naman si Elder Ni. "I-ikaw... Anong ginawa mo?!"

Ngumisi bigla ang Hari. "Kilala ang Nemesis dahil kami ang nangangalaga ng mga dragons. Pero dahil kami ang nangangalaga ng mga dragons. Kami rin ang may alam ng lahat ng sekreto nila."

Hindi ko alam pero bigla akong kinutuban ng masama nang sabihin iyon ng Hari.

Agad nagsikilos ang mga alagad nya at sinugod kami. Hindi naman nagpahuli sina Elder Ni at Gray dahil dumipensa agad sila.

Dahil na rin siguro matanda na si Elder Ni at marami na syang karanasan o dahil talagang malakas lang sya, sa isang wasiwas nya lang ng tungkod nya ay tumilapon lahat ng sumugod sa amin.

"Hellion, kung ano man ang binabalak mo, itigil mo na. Tama na ang isang pagkakamali. Wag kang gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo." Matapos sabihin iyon ni Elder Ni ay nakaramdam ako ng init sa paligid at sa isang iglap ay nasa isang pamilyar na lugar na kami. Ang Palasyo sa Academy.

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon