Chapter 35:**Vire Second Day(Part 2)

19.4K 757 10
                                    

CLARE’S POV

“sorry na blaze… malay ko bang Yati pala yun…”

Nandito na kami sa isang sapa para maghugas… nakakadiri kasi yung malagkit na medyo manilawnilaw at mabahong laway ng Yati..

(A/N: pasensya na sa kumakain… kung meron man…)

At simula nung ibinaba ako ni Blaze ay hindi nya na ako pinapansin… natural lang naman kay blaze na hindi mamansin dahil sanay na ako… pero ang boring ng walang kausap…

“bilisan mo na dyan…”-yun lang ang sinabi nya at naupo sa isang malaking bato…

Tapos na naman ako kaso… saan ako magbibihis???

“ah blaze… saan ako magpapalit ng damit???”-sabi ko habang naghahanap ng pwedeng mapagbihisan…

“wag ka na magbihis”-sabi nya sa akin kaya inirapan ko sya..

Ang sama talaga ng lalaking ito…

“AAAAAAAAAAHHHH!!!!”

 

Sabay kaming napalingon ni Blaze dahil may sumigaw at may lumabas galing sa kumpol ng mga halaman…

Max at Cass???

“walangya ka talaga Max!!! sabing bawal magdala ng pagkain eh!!!”-sigaw ni Cass

Hindi nila kami napapansin dahil busy sila at malayo pa kami…

“Eh sa ayoko ng pagkain dito!!”-Max

Ginulo ni Cass ang buhok nya at nanlaki ang mata ng makita kami…

“Clare!!!”-sabi ni Cass at kumaway…

“Hi princess…”-Max

Naglakad naman sila palapit sa amin…

Tignan mo tong dalawang to… kanina nagtatalo ngayon naman..hay… nalimutan na ata na nag-aaway sila kanina..tsk..tsk..

Nginitian ko sila at kumaway pero nawala ang ngiti ko at naiwan sa ere ang kamay ko ng makita ko kung ano ang nasa likuran nila na lumabas mula sa pinanggalingan nila kanina… (huh??? Ano daw?? Ang gulo…)

“princess???”-tanong sa akin ni Max dahil nahalata nya yata na napatigil ako…

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon