Chapter 50

21K 794 30
                                    

***SYLVIA'S POV

Habang patagal ng patagal ay lalong lumalakas ang sigaw ni Clare. A sign that she's really in pain. Hanggang sa hinimatay na lang sya.

Hindi kami kaagad umalis sa Kaldia dahil sabi ni elder Ni ay mas mapapadali kung magteteleport na lang daw kami, which is triny na ni Aciar gawin pero failed. Paliwanag ni Elder Ni, ang Kaldia ay nasa ibang dimension kung kaya't mahirap itong hanapin at mahirap nakapagteleport.

Gumagawa sya ngayon ng portal mula dito patungong academy.

"Elder Ni, matagal pa ba??? Kawawa si Princess.."-Max

Sa totoo lang, masakit din ang tattoo ko at kanina pa ito umiilaw. Ganun din yung sa iba pero pinakamalala yung kay Clare.

"Sandali na lang"-sabi nya habang nakatutok pa rin sa ginagawa nya

"Aciar, na-try mo na bang tignan ang kalagayan sa Academy???"-Klaus

"Oo pero hindi ko kaya"

Napabuntong hininga na lang ako.

"hmmm.."

Sabay-sabay kaming napalingon kay Clare na kasalukuyang karga ni Blaze. Wag kayo, hindi nya pa yan binibitawan. Hihihi! Ok, hindi to oras para kiligin.

"Princess!!"

Napamulat bigla si Clare at tatayo sana kaya muntik syang mabitawan ni blaze.

"Wag malikot"-Blaze

"Ayos ka lang princess??"-Max

"May masakit ba sayo?"-Klaus

"Anong nararamdaman mo??"-Ice

"Uhm... Anong nangyari???"-Clare

"hinimatay ka.. Masakit ba yung tattoo mo???"-ako

"Medyo *tingin sa tattoo nya* Hala!! Bakit nailaw ang tattoo ko??! Di ba sa bond to? Si Kai ko paano-teka nga blaze! Ibaba mo ako hindi ako makakilos ng ayos!"

Ibinaba naman sya ni Blaze at nagsimula na syang magdakdak at maglakad pabalik-balik. Aba! Akala mo hindi hinimatay ah!

"Di ba tattoo to ng bond? Bakit nailaw? Bakit masakit?May kinalaman ba to kay kai? Baka may masamang nangyari? Paano kung napahamak ang dragon ko? Waaaah! Ang Kai ko!!! Ka-"

"CLARE TIGIL!!"-sigaw ko sa kanya

Grabe! Kung alam ko lang na ganito ang magiging reaksyon kapag nalaman ay hindi na lang sana sya nagising!! Joke! Pero seryoso nakakahilo sya...

"eh? Paano na? tignan nyo nailaw din tattoo nyo. May nangyari din sa dragons nyo? Hala! Anong nangyari sa Academy? Pa-"

"huminahon ka nga! Babalik na tayo sa Academy. Tutulungan tayo ni Elder Ni na makapagteleport kaya magtigil ka dyan, ok??"-ako

Tumango naman sya at umupo sa isang tabi habang ngatngat ang isang daliri. Para syang bata.

"Tapos na."-Napalingon kaming lahat kay elder Ni. May katabi syang malaking bilog. Yun na siguro yung portal. Nagsilapitan kami sa kanya.

"Maraming salamat po!!"-sabay-sabay naming sabi

"naku! Walang anuman! Bumisita kayo ha???"

Nauna nang lumusot sina Blaze... Papasok na rin sana ako sa portal pero napansin ko si Clare na kausap yung mga batang elf.

"Naku! Wag kayong mag-alala! Dadalaw talaga ako dito! Masarap ang pagkain dito eh.."-Clare

Akala ko ba nagmamadali to??? At hindi na nahiya, talagang pagkain lang ang babalikan. Nilapitan ko na sya at hinila. Baka kasi nalimutan nya na na may emergency sa Academy.

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon