Clare's POV
Meteor shower?
Nabigla ako at napahinto hanggang may pumasok sa isip ko. 'Ang Arkrum!'
****
Hinang-hina akong napaupo. Pinatawag kami ng mga royalties para mapag-usapan ang mga nangyayari dito sa Paraiso. Tumigil na rin pala yung meteor shower kanina pero matindi ang naging epekto nito sa mga estudyante. Maraming nawalan ng dragons sa mga estudyanteng nasa Arkrum.
"Gosh.. Almost hundreds of dragons died. Natatakot na ako."-silvia
Bakas ang takot sa mga mata nya. Lalo na't wala sa amin ang mga dragon namin. Di ko alam ang dapat kong maramdaman. Nalulungkot ako dahil sa pagkamatay ng ibang dragons pero meron maliit na parte sa akin na nagpapasalamat na meron pa rin akong tattoo, tanda na buhay pa si Kai.
" o-okay ka na ba Clare?"-umiiyak na tanong ni cass tinignan ko lang sya at hindi makasagot. Ok lang ba ako? Tinignan ko ang kamay ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin.
"Patawad"-ani ng Fire King. " patawad sa inyong lahat dahil wala akong magawa. Naisin ko man ay wala akong magawa. Hindi ko alam ang gagawin."
Napatungo kami. Kung ang mismong hari nga ay hindi alam ang gagawin, paano pa kaya kami.
"King of Nemesis... Nagpakilala ang lalaki sa palasyo ng Nemesis bilang hari hindi ba? Hindi kaya sya ang dahilan ng meteor shower? Paano nangyari yun eh matagal ng patay ang hari ng Nemesis?"basag ni Klaus sa katahimikan.
Biglang napatunghay ang hari mula sa pagkakayuko. "King of Nemesis?" tanong nya.
Tumango naman kami.
"Opo Ama. Hindi naming agad nasabi sa inyo pero may lalaki pong nagpakilala sa amin na hari raw siya ng Nemesis. Hindi kaya't sya ang dahilan lahat ng misteryo dito? Kagaya ng pagdami na lang ng dravens."-Silvia
"Baka naman isa lang ito sa mga gusting maghari-harian sa Nemesis?"-Cass
"Pero imposible. Napakalakas naman nya kung ganoon. At bakit nya kailangan ang mga dragons natin? Wala syang magiging pakinabang sa kanila dahil ang susundin lang ng mga dragons ay ang bearer nila. Hanggang may bond, hinding hindi nya mapapasunod ang mga dragons. At kung ang enerhiya naman ng mga ito ang kukunin nya tiyak na mahihina ang mga ito dahil malayo ang mga bearer nila. Kung mapuputol man ang bond ay siguradong ikamamatay iyon ng dragon, mas lalo syang walang mapapala kung ganon."- Paliwanag naman si Max
Napaisip din ako. Bakit nya nga kukunin ang dragons?
"Dahil na rin sa sinabi mo apo, dahil sa bond."Napalingon kaming lahat kay Grams
"Po? Hindi ko po maintindihan."-Max
"Ang bond ang nag-uugnay sa bearer at sa dragon. Dahil dito, malaking enerhiya ang dulot nito. Kagaya na lamang kapag nagtatransform ang dragons sa kanilang original form, hindi bat mas malaking enerhiya ang nawawala sa inyo? Ito ang ginamit na konsepto ng kalaban natin. Kapag naglayo ang bearer at ang dragon, hindi nyo man napapansin, malaking enerhiya ang inilalabas nyo para mapanatili ang bond. Kung kaya't mas malaking enerhiya ang maaari nyang makuha."-paliwanag ni Grams
"Kailangan nating mabawi ang dragons natin. Sa lalong madaling panahon."Napatingin ako kay Frost nang magsalita sya.
"Pero hindi pwede Frost. Malakas sya masyado. Baka lalo tayong mapahamak."-Cass
"Hindi naman pwedeng pabayaan na lang natin ang mga dragons!"Nagulat ako sa pagsigaw ni Frost.
"Pero mapapahamak tayo! Edi wala ding silbi dahil kapag may nangyaring masama sa atin ay mapapahamak din ang dragons!"-Cass
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...