Chapter 52

31.4K 963 194
                                    


***CLARE'S POV

"WAAAAAAAH!!!! MATULOG KA NA!!!"-sigaw ko sa unan na nakadikit sa mukha ko. Kanina pa ako parang baliw na paikot-ikot dito. Hindi ko kasi malimutan yung sinabi Sylvia. Hindi na ako nagpakwento tungkol sa Nemesis sa hindi ko NA NAMAN malamang dahilan. Argh! Ano bang nangyayari sa akin?!

"they're gone...lost..and almost forgotten.."

"forgotten"

Parang nage-echo sa tenga ko yung sinabi nya... Bakit ganito??? Alam ko naman na wala na halos nakakakilala sa Nemesis dahil matagal na nilang nasabi iyon pero Waaaaah!!! Bakit ganito ang epekto sa akin?!

Dahil hindi din naman ako makatulog ay lumabas na lang ako para magpahangin. Syempre kasunod ko ang kyut kong dragon. Napadpad ako sa garden. Kitang-kita rito ang napakaraming bituin. Kung tutuusin ay parang nasa earth lang naman ako. Ang pinagkaiba lang ay polluted na ang earth at overpopulated ng tao at maraming buildings. Di gaya dito na overpopulated ng mga puno. Bigla ko tuloy naalala ang mga magulang ko. Alam kaya nila??? Alam nila kung sino ako? Kung alam man nila, paano ako napunta sa Earth??? bumuntong hininga na lang ulit ako.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may naramdaman akong pumatong sa likod ko. Tela?

Napatingin ako sa naglagay at nakita ang nakangiting mukha ni Frost. Aba! Improving to ah! Nung nakaraan talaga ay ubod ng sungit nito. Para syang si Blaze. Perowag ka si Blaze improving din. Nagiging tao na sila.

Kamukhang-kamukha talaga sya ni Ice! At paano ko nalamang sya si Frost??? Hmmm.. Si Ice kasi maayos ang buhok na medyo may style. Si Frost naman eh gulo-gulo pero ok lang naman tignan. Gwapo sila pareho eh.

"baka lamigin ka.."-sabi nya atsaka umupo sa tabi ko

"Salamat dito sa balabal. Teka, anong ginagawa mo dito???"

"May nakita kasi akong dyosang nakaupo dito..."

O_O dyosa??

"Waaah! Talaga?!"-excited na sabi ko sa kanya at tumingin sa paligid. Malay mo katabi ko lang pala. Aba! Mukhang matutupad na naman ang isa sa mga pantasya ko!! Sino kayang dyosa ang nakita nya? Athena? O Aphrodite??

"ahahaha..."-napatingin ako sa kanya nung tumawa sya...oh? Anong nakakatawa??

"Alam mo ang weird mo..."-wala sa sariling sabi ko...

"bakit?"

"nung una para kang si Blaze... Hindi namamansin at hindi nagsasalita... ngayon naman patawa-tawa ka.."

"ahahaha! Let's just say na I found something interesting. Very interesting."-sagot nya habang titig na titig sa akin. Napakunot ang nuo ko. Ano naman kayang interesting yuon at dumaldal sya?? Si Blaze kaya ihanap ko rin ng 'something interesting'??? Baka—teka nga! Bakit ba Blaze ako ng Blaze?!

"Ano palang ginagawa mo dito?"-tanong nya sa akin

"nagpapaantok lang.. hindi kasi ako makatulog.."

Walang umiimik sa amin dahil una, wala akong mai-open na topic at sya naman ay bumalik sa Blaze Mode nya na tahimik. Ok Blaze na naman. Bakit ko ba kasi sila pinagkukumpara??!

Napatingin ako sa langit at saktong may dumaan na shooting star... Kung iisipin nyo na matutuwa ako at hihiling ay nagkakamali kayo. Never in my life akong natuwa sa shooting star o falling star. I don't know why AGAIN. Pati sila mama at papa ay nalulungkot kapag nakakita nyan.

"weird ba kapag hindi masaya pag may shooting star???"-bigla ko na lang natanong..

"no.. bakit naman magiging weird??"tanong nya sa akin...

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon