Chapter 49: Kaldia

21.3K 768 22
                                    

SYLVIA'S POV

 

"AHAHAHA!! Talaga??"-Clare

Tignan mo to... kanina kung makasigaw akala mo katapusan na ng mundo ngayon naman makatawa wagas... kakuwentuhan nya kasi yung mga elf.. at tuwang-tuwa sya... sabi ni Aciar madali lang daw syang nakapunta dito dahil tinulungan nya yung isang matandang elf...at ang kapalit ay sinamahan sya papunta dito...papunta kami ngayon sa palasyo nila...

Mali pala lahat ng kwento tungkol sa lugar na ito... ang akala ko ay aabutin kami ng isang linggo o mahigit pa sa paglalakbay dahil SABI nga nasa magkabilang dulo ng mundo ang academy at kaldia... at SABI din na dito matatagpuan ang malalakas at pinakamakakapangyarihang nilalang... Anyare sa mga SABI na yan??? Tama nga ang sabi nila, wag maniwala sa sabi-sabi...

Though naniniwala ako misteryoso itong lugar na ito... bukod sa kakaibang way ng pagpunta dito ay lahat ng elf dito ay mararamdaman mo ng kakaibang lakas... pati maliit na bato ay parang may taglay na kakaiba...

Nang makarating kami ay wala naman akong nakita kundi isang puno... puno na kasing laki lang ata ng katawan ko.. Don't tell me pagkakasyahin nila kami sa isang puno??? Eto ang palasyo nila???

CLARE'S POV

"Uhm... dito na po ba???"-ako

"ahaha... oo pero sa loob pa tayo..."- sabi nung isang matandang elf...sabi nya tawagin nalang daw syang Elder Ni...

"Ah eh... baka po hindi kami kasya??"-Max

"wag kayong mag-alala kasya kayo.."-matawa-tawang sabi ni Elder Ni... tapos nun ay may pinagsasabi sya at nagulat ako nung bumukas yung puno... as in nahati sa dalawa...

"pasok na..."

Pagkapasok namin ay halos mapanganga ako... WAAAAAH!!! Ang galing!!! Yung loob ng puno ang laki!!! Paano nangyari yun???

Sa pinakagitna ay may malaking bilog sa sahig... parang katulad nung lumabas na bilog nung sa dragon dance... tapos ang gilid ay puno ng ginto at mga prutas... may pinaka-chandelier din na gawa sa silver at gold...

Pinapasok kami ni Elder Ni sa isang kwarto... opo.. may mga kwarto dito... hindi ko alam kung paano nila ito napagkasya sa isang maliit na puno...

Sa loob ay isang mahabang mesa at napakaraming prutas!! *_*

Nakakagutom!!! :Q

Pinakain na kami ng pinakain ni Elder Ni... sarap!!

 "nga pala Aciar... Nakita mo na ba yung hinahanap mo???"-Max

Tumango naman si Aciar bilang sagot...

"kung ganun ay kailangan na nating umalis... kailangan ka sa academy..."-Klaus

"Nandoon naman ang kapatid ko... dito muna ako..."-aciar

"Hindi pwede... uuwi ka na..."-Klaus

Napasimangot lang si Aciar... maya-maya ay may kumalabit sa akin... waaah!! Ang kyut nila! Mga batang Elf!!!nginitian ko sila..

"ano yun???"-tanong ko dito..

"Ateng maganda!! Sama ka sa amin!! Punta tayo falls!!"-sabi nung isa

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon