CLARE’S POV
“WHAT???!!!!”
Napatakip na lang ako sa tenga ko sa lakas ng sigaw ng LAHAT ng classmate ko… syempre except blaze…
Sabi kasi ng prof namin eh may gaganapin daw na Vire… at ako, as usual, ay walang kaalam-alam kung ano ang Vire…
Hindi ko naman matanong sina Cass o ang mga prince dahil in the state of shock pa rin sila…
At malamang naman na kausapin ko si Blaze…
Susungitan lang ako nyan…
“class… don’t be shocked… alam nyo naman na ginagawa na natin ito nuon pa…”
“b-but ma’am!! Bakit kami kasama?!!nasa s-class na kami!”-sabi ng isa kong classmate…
Wala akong ibang kilala sa room eh…
“class… kahit nasa s-class na kayo ay kailangan nyo pa ring patunayan na nararapat kayong mapabilang sa s-class…”prof namin na todo kumbinsi
“pero mam kung Vire iyon, siguradong gaganapin iyon sa Marshy woods…”-sabi naman ng isa pa
Dati hell woods.. ngayon naman marshy woods??? Ano na namang klaseng gubat iyon???
“tama… sa marshy woods nga…”
Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga estudyante… ano ba talagang meron?
Nang makaalis ang prof namin na hindi naman nagklase… nagsimulang mag-ingay ang mga classmates ko…
Kesyo daw baka hindi nila kayanin…
Nakadiri daw…
Baka mawala daw sila sa s-class..
Baka daw hindi na sila makalabas ng buhay..
At kung anu-ano pa…
“waah!! Hindi ko akalaing babalik ulit ako sa gubat na iyon!!”-silvia
“Ako din!! Hindi ko malilimutan ang kagimbal-gimbal na sinapit ko sa gubat na iyon!!”-Cass
“Wag kang OA!!! Nalawayan ka lang naman ng yati!”-silvia
“Yak!! Nalawayan ka nun Cass???”-Acer
OP ako sa kanila…
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...